THE RULES: Isla

95 1 0
                                    


"Sir? Okay ka lang?" Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ang lalaki. Nanginginig ito at tila ngayon lang siya nakakita ng bagong salta sa isla at tila inanod lang siya ng alon papunta dito.

Umatras siya ng dahan-dahang bumangon ang lalaki. "Bata..tulungan mo ko." Namimilipit sa sakit na sabi nito.

"Di po kita kaya ih" wika ng napaka-cute na boses ng batang lalaki.

"Anak? Seve!"

Tumakbo ang babaeng naka-black swimsuit. Nang makitang isang lalaki ang kasama ng anak ay dinampot niya ang kimono at isinuot ito para takpan ang swimsuit niya. Mabilis na kumaripas siya sa anak at agad na hinila ito palayo sa kanya.

Mabilis na napatayo si King at matagal na napamasid sa babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at kanyang paghinga habang unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa labi niya.

"Ikaw." Hinahabol ang hiningang sabi niya habang namumuo ang mga tubig sa mga mata. "Mahal." Namamaos na wika nito. "Claire"

Napakunot ang noo nito. "Si-sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?! Ba't ka napadpad dito?!" Takot na sigaw nito habang humahakbang paatras.

Nagpabalik-balik n tingin si King sa mag-ina niya. Yes, exactly, si Claire at Seve nga ito. Ang matagal na panahon niya ng hinahanap. Ang nawawalang bahagi ng buhay niya.

"Claire.. ako 'to." Namamaos na wika niya habang tuloy ang pagbagsak ng mga luha niya.

"This is a private island. No one is allowed to get in here. Alam mo bang trespassing ka?!"

Magkahalo ang lungkot at sayang nararamdaman ni King. Lungkot kasi parang hindi siya nito kilala. Saya dahil kung noon ay sa isip lang niya buhay si Claire. Ngayon ay kaharap niya, naririnig niya ang boses nito. He fell in love with her kahit noong nga panahong kwento palang siya sa puso niya. He fell in love wih her even more ng magtagpo muli ang landas nila.

He just can't stop falling in love with her.

"Diyan ka lang! Bawal kang pumasok dito. Okay? Hanggang dito ka lang." takot na wika ni Claire.

"Teka. Hello?! Obviously, galing ako sa isang aksidente at napadpad ako dito. Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Sigaw ni King habang humahakbang ang mag-ina niya palayo.

Napangiti siya sa napaka-cute na pag simangot ng mukha nito. Hindi niya tuloy maisip kung gaano sila ka sweet noon. Masakit ang buong katawan niya at napakasakit ng tama ng araw sa balat niya kaya tumungo siya sa ilalim ng puno ng niyog at sumilong doon.

Mula doon matatanaw niya ang napakalaking bahay na nakatayo sa islang ito na tila napaka pribado nga.

"Bakit nandito ang mag-ina ko? Bakit hindi nila ako kilala? What the hell happened?" Napakalalim ng iniisip niya. Kung anu-anong scenario ang naiisip niya kung paano sila napunta dito.

Masakit na masakit ang buong katawan ko at nanlalamig na ako sa ilalim ng niyog lalo pa't malamig na ang simoy ng hangin at palubog na ang araw. Hindi na sila lumabas dahil siguro sa takot na kilala ko silang mag-ina.

~~~

Claire

"Yaya, pakisilip nga kung nandiyan parin iyong tao?" Takot paring tanong ko habang nag-aalala ako sa kaligtasan naming mag-ina. Hindi kasi kami sanay sa ibang tao.

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon