CHAPTER • 58

984 25 6
                                    


MAY's POV

"Mama at Papa. Nakita niyo naman diba? Nagbago na siya." Nakangiting wika ko. "He's going to be a really good husband.." naluluhang wika ko. "Kahit noon, sinaktan niya lang ako, naniniwala akong napagbayaran niya na iyon.." nakangiting nagpunas ako ng mga luha. "I'm ready to..."

___________

CLAIRE's POV

Bukad na bukas na ang kasal nila.

Ano nang gagawin mo ngayon, Claire?

"Girl, sigurado kang papayag kang maging model ng The Love Magazine?" Excited na tanong ni Ken.

"Oo nga. Kapag pumunta pa ako sa kasal nila baka kung ano pang magawa sa akin ni ate o baka tumigil na ng tuluyan ang heartbeat ko.." sabi ko.

"Pero, girl. Hindi talaga kita masasamahan sa shoot na 'yan bukas ha? Ang ate mo kasi eh, ginawa talaga ako best man.. Kaloka. Siempre ayoko namang maging bridesmaid niya no? Mas okay sana kung ikaw ang ikakasal di ba?" Aniya.

"Dapat talagang pumunta ka don kasi baka anong isipin nila." Tugon ko.

"Basta goodluck sa photoshoot ha?" Sabik na wika niya at niyakap ako.

Napangiti ako. "Thank you, bakla. Mahal na mahal kita.."

"Siempre, mahal na mahal din kita.."


__________

Bety's POV

"Tita, Bety! Excited na akong makita si Ate Claire." Sabik na wika ni Maureen. Lilipad kami ngayong Greece dahil ikakasal na ang ate niya. Kay King. Nakakaloka, hindi ako makapaniwalang sa ganutong sitwasyon sila aabot. Tsk.

"Ako din. Siguro ang ganda-ganda na lalo ni ate Claire mo ngayon, no?"

"Siempre naman.." masayang tugon niya.

__________

SAFI's POV

"Gosh, I can't believe she'll end up with that girl!" Gigil na wika ko habang naghihintay kami ni Abbie ng flight namin to Greece.

Yes! We became bffs. ❤️

"Ano bang nangyari sa kanila ni Claire? Why did he end up marrying her sister?" Nagtatakang tanong ni Abbie.

"Kasi nagkasakit daw ang sisteret ni Claire na ex din pala ng ex nating dalawa. Kaloka. What a small world diba? Parang sa mga teleserye lang lang  teh." Sagot ko.

"Kawawa naman pala si Claire kung ganun. I just hope she's fine. Gusto ko pa naman siyang makita kasi gusto kong mag-sorry sa kanya for everything. Kasi diba? Ang dami niyang naging karibels simula ng dumating sa life niya si King? At ang naging matinding kalaban niya pa ang ate niya. This is so sad." Wika ni Abbie.

"Actually, kasalan ko lahat eh. Kung hindi ako nagloka noon at nagpanggap na preggy ako edi hindi sana sila nagkahiwalay.."

___________

JEPOY's POV

"I'll feel so sad for Claire. Guys, gumawa naman tayo ng paraan." Wika ko. Nanatili lang silang tahimik.

"Nagawa na namin ang lahat, Jeps. Natatakot din kasi kami sa pwedeng gawin ni May." Wika ni Thea.

Napahawak ako sa ulo ko. "Paano 'yan. I'm sure malungkot na malungkot na siya ngayon." Wika ko.

"Pero, wala na talaga tayong magagawa  pare." Wika ni Keanu.

________

KING's POV

Palakad-lakad ako sa hotel habang nakamasid sa susuotin ko bukas.

Gosh!

No way.

Ilang beses ko nang tinatawagan si Claire pero hindi na siya sumasagot.

"Claire answer the phone, please.." naluluhang wika ko sa sarili.

Isang katok ang umagaw sa atensyon ko. Agad na binuksan ko ito.

I burst in tears ng makita ko ang Mommy at Daddy ko. Gustong-gusto ko na talagang mayakap sila sa dami ng pinagdadaanan ko.

"It's okay, King.." wika mg Mommy ko.

"Anak, harapin mo nalang ito." Wika ng Daddy ko sabay bagsak ng balikat niya at niyakap ako.

"Sana sinunod ko nalang lahat ng pinayo niyo sa akin noon, dad." Sising-sising wika ko.


"Anak, kung hindi ka nagloko hindi mo makilala si Claire." Biro pa niya at kahit papaano ay napatawa niya ako. "Ang mga pagkakamali mo ang nagbukas ng pinto sa buhay mo, para sa kanya. She was the best thing ever happened to your life, right?" Tinapik niya ako sa balikat.


"Yes, dad."

Niyakap niya akong muli. "Magiging masaya din kayo anak. Kayo man o hindi ang para sa isa't-isa."


__________

CLAIRE's POV

"Dumating na ang invitation ko, sayo ba?" Tanong ni Ken.

Pumekeng tawa ako. "Wala."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Ang sarap talagang sabunutan hanggang sa makalbo 'yang witch mong ate, noh? Nanggigigil ako eh." Inis na sigaw niya.


Hindi na ako sumagot at yumuko na lamang.

"Girl, magpakatatag ka ha?" Wika ni Ken at niyakap ako.

Tumango lang ako saka umakyat na sa taas at nagpahinga..


__________


Bago ako natulog ay hinintay ko muna ang paglubog ng araw..


Binuhos ko lahat ng emosyub ko roon.

"Goodbye... King.."



••••••••••••


NOTES/

Gosh. Supposed to be ending na eh. Pero napag-isip-isip kong bigyan pa kayo ng another chapter. The ending will be next! Thank you for being here since chapter one!

I promise to make more unforgettable romance books for yah!

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now