CHAPTER • 31

1.4K 31 0
                                    



Bumalik kami sa normal routine namin. Magdu-duty. Magsisilbi sa farm. Nadagdagan lang kasi may late night dates na kami. 😍

Para sa amin legal na kami. Sa ngayon mga kaibigan at Tita lang ang may alam sa relasyon namin.

Naisipan kung kumain sa school canteen imbis sa cafeteria sa hospital dahil sawang-sawa na ako sa mga menu nila. Namiss kung kumain sa school kaya doon ako dumiretso.

Kanina ko pa tini-text si King pero kanina pa ito hindi nagre-reply. Ano na kaya ang nangyari don?

Namimili ako ng makakain ng isang mabigat na kamay ang pumatong sa balikat ko.

Nakangiting nag-angat ako ng paningin. "Feeling ko wala kang magugustuhan diyan." Wika ng malamig na boses ni King. Preskong-presko, naka-hair up. 😂

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi mas masarap ako diyan.." sabay lingon at kagat ng labi nito sa harap ko.

Itinulak ko ang pagmumukha niya. "Yabang." Ngumingising wika ko at nag-order ng kalamsi juice at ham and cheese na sandwich. Busog pa ako dahil may pakain kanina sa Pathology Department.

" Mabubusog ka ba niya? 'Wag mo sabihing sa payat mo nagda-diet ka pa?"

Hinarap ko siya. "Kumain na kasi ako kanina.."

Kukunin ko na sana ang tray ng pagkain ko ng kusa niya itong binitbit at sabay kaming naghanap ng table.

Habang kumakain ay nakamasid lang siya sa akin. Parang imbis na makakain ako ng maayos hindi nalang.

"Anong ginagawa mo?" Natatawang tanong ko sabay hampas sa balikat niya.

Oo bes. Hindi pa ako sanay. Siya kasi ang unang boyfriend ko.

"Maruno kasi akong manghula.." tugon niya at inilapit pa lalo ang mukha sa akin.

"Hindi ba dapat sa palad binabasihan 'yan?" Natatawang wika ko.

"Hindi. Sa mga mata." Seryosong sagot niya.

"Osige. Anong nakikita mo?"

Marahang gumuhit ang ngiti sa labi niya. Naniningkit ang mga mapupungay na mga mata niya. Nakakatunaw ang bawat titig niya. "Nakikita ko na naglalakad ka sa maraming tao.. Tapos may hawak kang bulaklak. Suot-suot ang isang magarang wedding gown. Tapos sa harap mo may napakagwapong lalaki na ka mukhang-kamukha ko ang naghihintay sayo sa altar. Nako! Wag munang iwan 'yun.."

Hindi ko mapigilang matawa. "Sino kaya ang gwapong 'yun no?" Biro ko pa.

"Hindi lang siya basta gwapo. NAPAKAGWAPO. Saksakan ng gwapo 'yun."

Napatigil ako sa pagtawa ng sumeryoso na ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"But seriously, Babe. I can see my future in you.."

Parang biglang nag-ulan ng mga saya sa paligid ko. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Paano kapag, hindi pala ako para sayo?"

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now