CHAPTER 63 (Paper)

515 18 9
                                    

CLAIRE 

Pumunta ako sa New York Police Department para maki-update sa nawawala kong anak, si Seve. Dalawang taon na ang dumaan. Siguro malaking-malaki na siya. Ano na kaya ang itsura niya. Masaya ba siya sa kung sino man ang nag-aalaga sa kanya. Naaalagaan ba siya ng mabuti?

As usual matamlay na lumabas ako na NYPD. Bawat paglabas ko dito unti-unting nauubos ang pag-asa ko na matatagpuan ko pa si Seve. Mas lalo daw kasi sila ngayong nahihirapan dahil malaki na si Seve and they can't identify him now.

"Aray!" Sigaw ko ng aksidenteng nabangga ako ng maliit na bisekleta ng isang bata.

Mabilis na bumaba siya at tinulungan akong tumayo. "I'm really sorry, Maam." magalang na sabi niya at ako naman ay napatulala sa kanya. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. I think he was around 3. He looks exactly like My Seve.

Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya. "Seve?" emusyunal sa sabi ko.

"I'm sorry.. But, I'm not Seve. My name is Clinton." sabi niya at ngumiti sa akin. Napaiyak ako lalo ng ngumiti siya dahil naalala ko si Seve sa kanya.

"Clinton!" sigaw ng babae sa likuran niya. Malakas na hinila nito ang kamay ng bata at pinagalitan. Kumulo ang dugo ko sa kanya pero pilit kung kinalma ang sarili.

"There is nothing to worry about Maam. He didn't do anything." sabi ko, Tinarayan niya ako ng tingin.

"Don't ever touch my son again." sabi niya at kinarga niya ito kasama ang maliit nitong bike.

Parang iba akong nararamdaman sa kanya. Sa lahat ng batang nakaharap ko na maaaring anak ko sa kanya ko lang naramdaman ito.

Hindi kaya siya si Seve? Hindi kaya siya ang anak ko?

"Sis!" mabilis na napalingon ako sa tawag ni Ken mula sa likuran ko.

"Ken, paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tuluyang magsalita.

"Bakit?" muling tanong ko.

"Si King nasa apartment natin. Kanina pa siya doon naghihintay. Tinanong ko kung anong kailangan niya pero hihintayin ka daw talaga niya." sabi nito.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. "Ano pa ang kailangan naming pag-usapan?" umiwas ako ng tingin para itago ang mga luha ko.

"Sis, siguro panahon na para mag-usap naman kayo. Kahit wala na kayo kailangan niyong magkaisa para mahanap si Seve, ano ka ba?"

Hinarap ko siya. "Ken? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi na namin maibabalik lahat-lahat kahit kailan. Kahit pagkakaibigan. Pinagdudahan niya ako kay Jepoy. He never even let me explain about it! Binasura niya lahat ng pinagdaanan namin dahil sa akala niya may kung ano sa amin ni Jepoy dahil magkayakap kami?!"

Hinaplos niya ang balikat ko. "Sis, alam mo naman si King hindi ba? Kahit noon pa man, noong mag-syota palang kayo, binabangga niya nga kahit sino di ba?"

"Pero hindi niya ako iniwan noon!" umiiyak na sigaw ko. "Kung kailan napakatatag na namin? Kung kailan ang dami na naming pinagdaanan?! Kung kailan pa talaga mag-asawa na kami?! Hindi niya kasi alam, wala kasi siyang alam!"

"Ipaalam mo sakin ngayon."

Mabilis na napalingon kami mula sa likuran. Si King.

Habang umiiyak na nakatitig ako sa kanya. Naaalala ko ang mga masasaya naming araw. Iyong mga panahong hindi niya nga kayang lumayo sa akin. Iyong mga panahong ginagawa niya ang lahat para sa aming dalawa. Wala na ang King na nakilala ko noon. Ang King na kahit anong mangyari, hindi ako kayang iwan.

Nadudurog lang ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi lang dahil sa masasayang araw namin. Kundi dahil mas pinili niyang matapos ang lahat dahil sa isang akala niya ang pagkakamali ko.

O baka naman siguro, hindi na niya talaga ako mahal.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko.

"Gusto kong makatulong sa paghahanap kay Seve. Payagan mo kong makipag-usap at makahingi ng updates sa mga pulis. Anak ko din siya, Claire. Iyon lang ang pinunta ko dito at-" inabot niya sa akin ang isang brown envelop. "I want an.. Annulment."

Kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko ay ang pagbagsak din ng mga luha ko. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko ito kailanman inisip. Hindi ko kailanman gustong mangyari ito.

Sa puntong ito nabalot na ng galit ang puso ko. Durog na durog na ako.

"King, what are you talking about?! Alam mo ba ang sinasabi mo?! Gosh, bakit ka nagkakaganyan? Pagkatapos ng pinagdaanan niyo ni Claire?!" galit na sulpot ni Ken.

"Ken, 'wag kang makialam dito." sabi niya habang nakatingin parin sa akin.

Magsasalita pa sana siya ng pinigilan ko na siya. "Tama na, Ken." Namamaos na sabi ko habang parang bata na nagpupunas ng luha. "Okay." umiiyak na sabi ko at kinuha ang envelop sa kamay niya. Naramdaman ko ang pagbitaw niya ng mabigat na hininga at nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito, King. Pero kung ito na ang gusto mong mangyari.." suminghap ako. "I will let you go.." namamaos na sabi ko at tinalikuran na siya. Umalis kami ni Ken at sumakay ng taxi.

I am so broke. Empty. Halos wala na akong maramdaman sa sobrang sakit.

The day I first met him. Noong unang halik namin. Unang yakap. Kung gaano kami kasaya. Kung paano kami naghiwalay at kung paano niya ako hinanap. Kung paano namin ipinaglaban magkasama ang pagmamahalan namin. Kung gaano kaganda ang naging kasal namin.. lahat ng ito isa-isang dumadaan sa isip ko habang hawak-hawak ko ang piraso ng papel na ito na magbabasura ng lahat ng alaala namin.

Wala nang King at Claire.

Dito na nagtatapos ang kwento naming dalawa.

"Sis, sigurado kana ba diyan?" nalulungkot na tanong niya.

"Eto na ang gusto niya, Ken. Wala na akong magagawa." sabi ko.

Naagaw ng doorbell ang atensyon namin. Mabilis na tumakbo si Ken para buksan ito, si Jepoy. May mga dalang pagkain at prutas.

"Hello guys! Kamusta kayo dito?" masiglang tanong niya ngunit mabilis na nagbago ang mood niya ng makita akong namamaga ang mga mata sa iyak.

Agad na lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya sa akin ang piraso ng papel na iyon at napailing.

"Pabayaan mo na nga muna siya. Itago mo muna ito," sabi niya sabay abot ng papel kay Ken. " Naguguluhan lang kayo ngayon sa sitwasyon, Claire. Bigyan niyo ng panahon ang isa't-isa. Baka sa huli, kayo parin. Don't lose hope."

Yumuko ako at napaiyak "No. Ayokong ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya."

"Okay. Pero e-set aside mo muna 'yang problema niyo ni King. Okay? Wala kang gagawin. Hindi ka piperma sa papel na iyan. Bigyan niyo lang ng panahon ang isa't-isa at mag-focus ka sa paghahanap kay Seve. Okay? I will be here for you. Ken and I. Okay?" Inusog niya ang upuan at niyakap ako.


THE RULES (Under Major Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora