CHAPTER • 5

1.7K 46 5
                                    


"Ayos ah!" Masiglang wika ko malakas na tinapik ang balikat niya.

"Aray! Gusto mo pektusan kita?!" Banta nito.

"Dahil ginawa mo ang assignment natin ililibre kita ng street foods!" Masayang wika ko.

"Street foods?! No thanks." Wika niya sabay talikod. Dinakip ko ang braso niya.

"Sandali. Halika, masarap 'to promise!" Wika ko at hinila siya sa mga nakarayang street vendors sa harap ng school namin.

Kumuha ako ng stick at um-order ng kwek-kwek at isaw. Masarap talagang kumain dito. Lalo na kapag pagoda ka sa school.

"Ikaw nalang kumain." Nandidiring wika niya habang tinatapik ang kwek-kwek na isinusubo ko sa kanya.

"Sige na isa lang.." pagpupumilit ko.

"Ang tigas ng ulo ayoko nga.." pagpupumigil nito.

"Isa lang naman eh!" Beast mode na sigaw ko.

"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" Nagtinginan na ang mga estudyante sa tabi namin.

"Bahala ka na nga." Inis na sabi ko at umalis.

Nag-aantay kami ng jeep ng may tumawag sa kanya. Dahil chismosa nga ako nakita ko na isang Abbie ang tumatawag sa kanya. Pero hindi niya ito sinagot.

"Bakit hindi mo sinagot si Abbie?" Nagtatakang tanong ko.

Inis na umiling siya. "You're unbelievable! Bakit napakapakialamera mo?!"

"Curious lang naman ako." Wika ko at nanahimik na.

Rush hour ngayon kaya siksikan. Nagmamadali pa naman akong umuwi dahil dadalaw ako sa foundation. Nauna siyang pumasok sa jeep at nakasunod naman ako sa kanya. Agad na nakapwesto siya samantalang ako. Wala ng space.

"Sa susunod na jeep ka nalang sumakay." Lintik naman! Hindi niya ba talaga kayang magpaka-gentleman?!

Pwes.

Umupo ako sa hita niya at nakuha namin lahat ng atensyon sa loob ng jeep.

"Manong libre nako ah?" Biro ko pa sa driver at natawa naman siya.

"What are you doing?!" Inis na bulong niya.

"Pagtiisan muna hindi naman ako mabigat eh." Nakangiting wika ko.

"You think?!" Gigil na bulong niya.

Nangangalay ang paa niya nang bumaba na kami sa bus terminal.

Namaywang na hinarang niya ang dinadaanan ko.

"Tabi." Sita ko.

"Gawin mo ulit 'yun makakatikim ka na sakin. Napipikon na ko. Pa-lobat na ang pasensya ko." Anito.

"Alam mo, King. Kailangan mong maging tao. Hayop na hayop kasi 'yang ugali mo. Babae ako, paano kapag ginabi ako sa kakahintay ng jeep at ni-rape ako sa daan?!"

He rolled his eyes in annoyance.

"Paano kung ikaw ang i-rape ko? Nakakainis ka na ha?" Napaka-harsh talaga nito kahit kailan.

THE RULES (Under Major Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant