CHAPTER • 2

2K 51 10
                                    


Gigil na pumasok ako sa kwarto. Tulog na ang roommates ko habang 'yung nasa katabing kama ko ay gising na gising pa.

Wala pa akong kilala ni isa sa kanila.

"Bro, napagalitan ka no?" Tanong niya.

"Ganito ba talaga dito?" Inis na tanong ko.

Tumawa siya ng marahan.

"Oo. Mahigpit dito, eh. Parang hindi ka lang nakatakas sa mga magulang mo." Anito at tumawa ulit ng marahan.

"Kinuha ng babae 'yung cellphone ko." Wika ko at naupo sa higaan ko.

"Nako, masasanay ka rin don. Alam mo, mabait naman talaga 'yun." Aniya.

"Nakakairita." Protesta ko.

Tumawa ulit ito ng marahan. "Ako pala si Keanu. Radtech ako sa Riverside College, ikaw ba?"

Nagulat ako.

"I'm a Radtech too. King." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay ko.

"Mabuti, anong year kana?" Tanong niya .

"Actually, internship ko na. Pero meron pa akong minor na naiwan." Sabi ko.

"Mabuti nalang at okay lang sa school na makapag-intern ka kahit may minors. Pwede mong kunin 'yun depende sa sched ng duty mo may sarili namang ospital ang school eh. Magkatabi lang. Pwede kang sumingit sa minor class mo pagkatapos ng duty or during your duty hours." Paliwanag niya.

Wow. Nice school.

"Wow. Okay ang school niyo ah?" Wika ko.

"Wag kang mag-alala pare. Masaya ang buhay dito. Kahit malayo tayo sa mga pamilya natin, hindi mo mararamdaman ang lungkot. Lalo na kay Claire, masaya kasama 'yan. Marami nga satin dito ang may gusto diyan eh." Aniya.

What the?! Paano naman sila nagkakagusto sa babaeng 'yun? Like HOW?

"I'm still worried about my phone. Baka pakialaman niya 'yun." Umiiling na wika ko.

"Bukas mo nalang kunin. Sige, matutulog na ako ha?" Anito at nagbalot na ng kumot.

____________

(Claire's POV)

Busy na ang lahat. Excited kaming lahat na pumasok dahil first day of school ngayon at first day of internship naman namin.

Isang taon nalang magiging ganap na MedTech na ako. Hay.

Pero maliban don may dalawa pa akong misyon.

Baguhin ang buhay ng naligaw na landas ni King Tyron Alvarez.

Makatulong sa foundation.

Nagkanya-kanya na silang kain sa Dining area ng bahay namin. May dalawang malalaking lamesa kami dito para sa kanila. May libre din kaming pakape at noodles.

Kada kwarto ay may sariling cr na may apat ma shower room at cubicles. Para hindi sila kahit papaano ay ma-late sa klase nila.

Pero may mga oras na puno talaga ang banyo nila kaya minsan nakikigamit din sila sa cr ng kwarto ko.

Currently we have 40 bed spacers. Lahat sila 5000 each ang binabayad kasama tubig at kuryente. So, tita Bety earns 200,000 a month. Malaki nga lang ang kuryente at tubig na binabayaran namin. The rooms are fully air conditioned pa.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now