CHAPTER• 61 (The New Life)

662 19 2
                                    


CLAIRE

Hindi ko maiwasan maluha habang nakahawak sa kamay ni King. Akala ko, happy ending na eh. Ngayon palang pala nagsisimula ang tunay na lovestory.

Mas lalo akong napaiyak dahil ang dating pilyo, makulit, masungit, pero mapagmahal, sweet na King Tyron Alvarez, ngayon ay comatose at nasa alanganin ang buhay.

"Love.. gumising kana, please. Tulungan mo ko." Namamaos na sabi ko at hinalikan ang kamay niya. Hanggang ngayon, nawawala parin ang anak namin. At hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako kapag nagising siya at wala akong Seve na maipakita.

"I'm sorry, Love. Pangako, bago ka magising, mahaanap ko na si Seve." Sabi ko at hinalika siya sa noo.

"Ma'am Alvarez, may nag-report sa amin na nasa Mindanao daw ang yaya ni Seve. Sinabi niyang kaibigan​ siya ng yaya at ibinenta niya daw ang bata sa mag-asawang hindi magkaanak. Sinasabing isang million nag binayad sa kanya at dinala na daw ang anak niyo pabalik sa amerika."


"What?!" Bumagsak ako at mabilis na inalalayan ako patayo ni Ciara at Cassy.

"Paano nakalabas ng bansa ang pamangkin ko?! Hindi ba't naglagay kayo ng posters sa lahat ng international airports? Bakit ang tatanga niyo?!" Galit na galit na sigaw ni May.

"I'm sorry, Maam. It has been 5 months since nawala nag baby. Maaaring naipuslit nila ito using fake documents bago pama tayo naglagay ng posters ni Seve sa airports." Sabi ng pulis.

"Paano na po 'ya ngayon?" Mangiyak-ngiya na tanong ni Ciara.

"Nakipag-connect na po kami sa Police Departments sa america. Don't worry, we will do everything to find Seve."


"Mrs. Alvarez?!" Nagtatakbo ang nurse sa kinatatayua namin.

"Bakit?!" Takot na tanong ko.

Ngumiti ito. " Gising na po si Mr. Alvarez." Sabi nito at sabay kaming lahat napatakbo sa loob.

May luha sa gilid ng mukha niya ng marahang ibaling niyang paningin.

"Love.." humahagulgol na wika ko habang yakap-yakap ang kamay niya. Pinipilit niyang magsalita pero hindi niya magawa.


"Sshh. Wag ka munag magsalita, okay?" Hinalikan ko na ang noo niya.

"S..S-Seve." napahinang wika nito sa tenga ko.

Napatakip ako sa bibig ko at napaiyak na rin ang mga kapatid ko. Nagpapalit-palit si King ng tingin sa amin.

Bumuhos ang mga luha niya pero hindi niya magawang magsalita.

"I'm sorry.." niyakap ko siya pero ungol lang niya ang naririnig ko. "I'm sorry, Love.."


_________



"Ate, saan ka pupunta?" Umiiyak na tanong ni Ciara habang nag-iimpake ako ng mga damit ko.

Hinalikan ko si Ciara at Cassy sa noo. Saka hinarap ko si Ate May. "Ate, kailangan kong hanapin si Seve. Kayo ng bahala muna kay King.. Please?" Umiiyak na wika ko.


"Why don't you just let the police do it? Paano kung hanapin ka ni King dito at wala ka?" Galit na sabi ni Ate May.

"Ate wala akong choice! Mas matatagalan ang paghahanap sa anak ko. Ayokong magising ulit si King na wala parin ang anak namin.."

"Kanino ka titira don, Claire?!" Nag-aalalang tanong nito.

"Kay Jepoy ate, si Ken din sasamahan ako." Sabi ko.

"Si jepoy?! Paano kapag nalaman ng asawa mo na si Jepoy ang kasama mo?!"


"Wag mo nalang sabihin okay? Basta.. Wala akong sasayanging oras doon. Alagaan niyo si King.." naiiyak na wika ko at niyakap si Ate May.

"Oh my god, mag-iingat ka.." sabi ni Ate at niyakap ako ng mas mahigpit. Nagyakapan kaming magkakapatid. Pumasok din sina mama at papa at niyakap ako.

Unconscious na naman si King. Napakabigat sa loob na iwan ko siya dito sa kondisyon. Hindi ko man kaya pero I have no choice. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap ang anak namin.

"Love.. Isa hanggang dalawang buwan lang. Babalik ako agad, kasama na si Seve.. Magpagaling ka.." tuloy ang bagsak ng luha ko habanh bumubulong sa kanya.


Nakita ko ang pagbagsak ng luha sa gilid ng mata ko. Alam kong naririnig niya ako. "I love you.."


Umalis ako na parang naiwan ang puso ko kay King. Labis-labis ang pag-aalala ko. Sa kanya at sa anak ko.

Seve, anak, kung nasaan kaman. Sana nasa mabuti kang kalagayan.

.
.••••••••

NOTES/

Kainis, kung malungkot ako dito ng bonggang-bongga parang totoo si King at Claire. Nakooo.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now