SHORT BREAK: NOTES FROM THE AUTHOR 🦋

1.2K 29 5
                                    

Hey guys! I'd like to take this time to thank everyone for reading my works. 2 months palang since I joined wattpad and my two works gained 6k for TRUE LOVE IN FAKE MARRIAGE and More than 1K narin ngayon ang THE RULES na almost 2 weeks palang! :) You have no idea how happy it makes me. Actually, writer na po talaga ako since Highschool. 1st Year Highschool yata ako ng ma-discover ko na magaling akong sumulat.

Actually, eversince talaga, gusto ko nang magsulat. Ito talaga laman ng puso ko.  Ito na talaga ang gusto kong gawin. Dati pangarap kong maging isang sikat na author, tapos gusto ko ring marami akong napapasaya sa mga works ko.. Then nang nahasa na ang pagsusulat ko. Mas nagporsige ako. I started writing stories sa simpleng ballpen at papel. Siguro lahat naman ng author no? 😂Tapos I remember, pinagpapasa-pasahan pa ng mga classmates ko ang intermediate pad ko.. tapos minamadali pa akong tapusin.

Hanggang tumungtong ako sa college. Pero that time wala akong ibang maisip na kurso. Ewan. I'm sure, marami sa atin na minsang nagulahan kung ano ba talaga ang kursong gusto natin? Hahaha. Gusto kong magsulat talaga pero dahil parang hindi ko alam kung anong kurso ang nararapat sakin. Kumuha ako ng kursong RadTech. Oo guys, magka-kurso kami ni King at pareho din kami ng school na pinapasukan ngayon. Hahahahaha. Kaya alam niyo na kung saan ako humuhugot ng inspirasyon. 😂

Back to college thingy.. Habang nag-aaral ako sumusulat-sulat padin ako hanggang sa naisipan kung magsend ng manuscript sa PHR( Precious Hearts Romances ) oo, guys.. Sinubukan ko. Noong unang send ko poorita pa ako nun. Wala pa akong pang-computer noon eh kaya matiyaga akong nagpupuyat at nagsusulat sa isang notebook. So, ayun. Pina-LBC ko ang story ko mga bes ilang araw pa bago nakarating sa kanila.. Napikon pa nga dati kasi panay ako ng text kung nakarating na ba? Naghintay pa ako ng isa o dalawang buwan yata bago nagka-result. REJECTED. Oo bes, isa 'yun sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Sobra! Nagpuyat kasi ako dun bes. Sinusulat ko pa yun bes. Napuno buong notebook. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa nun. Sumulat ako ulit. This time sa dalawang publishing na. PHR at My Sweet Valentine. Bagsak parin.. Hindi daw kasi page turner ang story ko. Oo bes, hindi daw page turner. Tinanggap ko kasi baka pangit nga. 😏Hanggang ngayon nakasaksak yun sa puso ko.. Tinandaan ko ang salitang 'yun. Sabi ko sa sarili ko. Sige lang.. Okay lang 'yan bes.. Balang araw, hindi lang page turner ang mga stories ko... Sana kapag dumating ang araw na makilala man ako (Charot lang) sana.. maalala niyo ako. Na sana noon, binigyan niyo ako ng pagkakataon...

Why am I sharing this? Kasi sobrang saya ko na kahit papaano may mga taong binigyan ako ng pagkakataon na maibahagi ko ang stories ko sa reading list nila. Nag-eemote ako kasi may nagmessage sa akin. Sabi niya..

"I'm a silent reader po.. Hindi mo po alam kung paano mo ako napapasaya. Napapakilig. Sana ipagpatuloy mo lang po yan.. Sana makapag-autograph dinnpo ako sayo.."

Oo bes. Grabeng iyak ko. Kahit iisang tao lang nagsend sakin nito. Ang saya-saya ko na. At hindi ko rin talaga inaasahan na aabot sa 6k at dumarami pa.. Thank you so much for making me feel like I can be who I wanted to be. I promise to give you the best chapters and stories of all times.. Thank you for giving me a chance.. :)

Love

AUTHOR


-may summer classes po pala ako. Pero no worries, maga-update ako regularly. Para sa inyo. :)

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon