CHAPTER • 3

1.9K 47 12
                                    

(Claire's POV)

Inabangan niya talaga ako sa gate ng bahay para kunin ang cellphone niya.

"Wow. Great job!" Agad na bati ko sabay abot ng cellphone niya.

"Pakialaman mo pa ako ulit malilintikan ka talaga saken." Banta pa niya. Aba, 'wag na 'wag ako Kin dahil hindi talaga kita tatantanan alang-alang sa 30,000.

Nakabuntot ako sa kanya habang papasok ng bahay.

Nadaanan namin ang ibang borders na nagkukwentuhan sa balkonahe. Masaya silang naggigitara at nagkakantahan. Ang iba naman ay nanunuod ng tv sa sala, may kumakain at ang iba naman ay nasa kwarto lang.

----

Sinugod ko siya sa kwarto nila at nadatnan ko siyang nasa harap ng laptop niya.

Mag-isa lang siya doon. Hindi siya nakikisaluha sa kahit na sino sa labas.

"Hoy. Narinig ko ang pangalan mo sa Rizal class ah? Bakit hindi ka pumasok?!" Tanong ko.

Gigil na umiling siya. "Pa-ki-alam Mo!" Inis na inis na wika niya. "At bakit mo alam na may rizal class ako?"

"Kasi may Rizal class din ako. Ngayon ko lang siya kinuha kasi sobrang busy last sem eh." Tugon ko.

"So ano na naman ang kailangan mo? Ha?" Tanong niya.

"Alam mo, gigil na gigil talaga akong turuan ng leksyon ang mga katulad mo." Wika ko.

Pikon na lumingon siya sa akin. "So what?! Ano ngayon kung ganito ako? Hindi muna problema 'yun. Kahit sino pa ako wala kang pakialam." Sarkastikong sagot niya.

"Gusto ko lang makatulong sa mga magulang mo. Gusto rin kitang matulungan at the same time." Maayos na wika ko.

"I don't f*cking need you! You do not know anything about my life! Kaya please, 'wag ka ngang pakialamera?! Okay?"

"Bakit ka pinadala dito?"

Mas lalo siyang napikon sa dami ng tanong ko.

"Bakit ba ang dami mong tanong?!!"

"Kasi nga makulit at pakialamera ako. Di ba kasasabi mo lang?" Wika ko sabay nguso.

Napasampal siya sa pagmumuka niya. "Can you please leave now?" Pakiusap niya.

"Kapag hindi mo sinagot ang tanong ko ikaw ang magli-leave." Nakataas ang isang kilay na wika ko.

"And how? Ikaw ba may-ari nito?"

"No. Pero tita ko siya. Kaya kung gumawa ng kwento para mapatalsik ka dito at magiging taong grasa ka na palakad-lakad sa daan. Taong grasang may iphone, oh diba? Bongga!"  Wika ko sabay palakpak.

"Okay fine! Sasabihin ko na. Pero please tantanan muna ako baka kung ano pang magawa ko sayo." Aniya.

"Kailangan kung grumadweyt na may honor, kailangan ma-survive ang 10k month allowance, kailangan kung magtrabaho sa isang bukid, kailangan kung tumira sa bulok at lumang ancestral house na ito at makahanap ng matinong babaeng hindi katulad mo." Mabilis na paliwanag niya at malakas na isinara ang laptop niya.

"Okay ka na?! Pwede muna akong tantanan?!"

"Sa sinabi mo mukhang hindi kita tatatantanan."

"What?!"

"Mas makukulitan ka sa akin dahil tutulungan kitang gawin lahat ng iyan."

Sabay na bumagsak ang balikat niya:

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now