CHAPTER • 17

1.5K 39 7
                                    


Pagkatapos magkape ng kalahating oras ay hinatid ako ni Jepoy sa hospital. Mula kanina si King lang ang nasa isip ko. Hindi ako mapalagay na galit siya sakin. Hay pano ko kaya siya haharapin?

"Thank you, Jepoy. I'll see on friday night?" Tanong ko.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. "Yes." Aniya at kumaway ng paalam.

Agad na bumalik ako sa Pathology Department para bumalik sa duty ko. Hayyy! Gusto ko pa sana siyang puntahan sa Xray Department eh. Pero baka mapahiya lang ako dun. Alam niyo naman ang ugali ng King na 'yun.

Pero, nagselos kaya siya?

Di ba ganun naman usually?

Or assumera ka lang talaga, Claire?

Nagpatuloy ako sa trabaho hanggang sa  dumating na ang umaga at hinintay ko siyang lumabas sa ospital.

Pero walang King ang lumabas.

Hanggang sa nakita ko si Keanu at agad na hinarang ko ang daan niya. "Keanu, good morning!" Masayang bati ko.

"Claire, magandang umaga sayo at sa eye bags mo." Iba din 'to eh.

"Sa'n si King? Di ba sabay ang out niyo?" Tanong ko.

Nagtagpo ang mga kilay ng pagdududa nito. "Teka... Araw-araw magkasamang pumasok at pag-uwi, pati kumain, magtrabaho sa farm, natulog sa isang hotel.. Anong meron sa inyo?"

Napalunok ako ng laway at napakamot sa noo ko. "Ah kasi-"

"Kasi hindi mo naman dati ginagawa samin 'yun diba? Noong mga baguhan palang kami sa bahay niyo?" Dugtong niya.

"Kasi Keanu, it's so hard to explain eh."

Namaywang lang siya at hindi na ako pinilit na umamin. "Okay. Actually, kaninang 12am pa siya nag-out. Hindi nga nagpaalam eh, for sure, papagalitan 'yun.."

Sabay na bumagsak ang balikat ko. "Patay.."

"Bakit ba kasi?" Nagdududa ng tanong niya.

"Sige. Uuwi na ako. Inaantok na ako eh."

_______________

Humugot ako ng malalim na hininga ng bumalik sa hotel. Gusto ko sanang kumatok sa kwarto nila para kausapin siya pero mabilis na nag-drain ang energy ko ng hindi pa ako nakakakatok ay lumabas na si Abbie.

"Hey.. You're- who again?" Tanong niya.

"I'm Claire." Nahihiyang tugon ko.

"Ah.. the utusan? Sunud-sunuran? Oo. Alam mo kasi itong si King. Hindi sanay sa pahirapan. Gusto may isang taong gagawa ng gawain niya." Mataray na wika nito sabay sinuri ako muli ulo hanggang paa. "Anyways, kakatok sana ako para utusan kang bilhan kami ng coffee sa baba? Pang low class kasi ang hotel na meron kayo dito. Parang ikaw.. no?" Inipit niya pa ang isang libo sa bulsa ng uniform ko.

Sobrang nasaktan ako.

Parang pinipiga ang puso ko.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now