CHAPTER • 32

1.4K 33 3
                                    


Palakad-lakad ako sa kwarto at hindi mapakali sa kakaisip kay King. Susunduin na niya ngayon si Safi. Hay! Bakit kasi kailangan ganito pa ang sitwasyon namin. Kung inamin ko na sana noon pa. Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko.

Ganito pala kahirap magmahal. Nakakapraning.

Sana naman maintindihan na ni Safi ang lahat.

Nagulantang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis na hinablot ko ito sa bulsa ko at mabilis na sinagot.

"Stop worrying..." agad na wika ni King.

I sighed a heavy breath at napasandal sa pader. "Paano ko ba gagawin 'yun?" Nakasimangot na tanong ko.

"Claire, gagawin ko ang lahat para maintindihan niyang ayoko na sa kanya.." sabi niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Sana nga.."

"Everything will be fine. Okay?" I heard him giggled. "I love you?"

Gumuhit na ang ngiti sa labi ko at kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. "Mahal din kita.."

I ended the call. Papaupo na sana ako ng may biglang kumatok sa kwarto ko. Agad na tumungo naman ako sa pinto para buksan ito.

Si Keanu.

"Claire, may naghahanap sayo sa baba." Wika nito at agad na umalis.

Nagtaka naman ako dahil sino naman ang naghahanap sa akin dis-oras ng gabi. Agad na bumaba ako para alamin kung sino ito.

Agad na bumagal ang mga hakbang ko sa nakita mula sa sala. Si Jepoy. Masayang magkausap sila ni Tita Bety.

"Nandito na pala siya." Wika ni Tita Bety at mabilis na lumingon naman si Jepoy sa akin. Actually naghahanda palang ako ng magiging bati ko sa kanya kaso mabilis na napansin naman ako ni Tita.

Iniwan niya kami at binati naman ako ni Jepoy ng isang yakap.

"Kamusta kana?" Agad na tanong niya at inalalayan ako sa pag-upo.

Nagkakamot ng ulo akong ngumiti. "Okay naman.. I-ikaw?"

"I'm still moving on.." agad na sagot niya sabay tingin. "Just kidding.." dugtong niya at tumawa ng marahan.

"Ikaw talaga. Ano nga pala ang sadya mo dito?" Tanong ko.

"Well, I havr a surprise for you!" Masayang wika niya.

"Surprise?" Nagtataka namang tanong ko.

"Yes. Di ba minsan mong nasabi na nakasanla ang lupa ng foundation? Pinapaalis na sila ng bangko." Aniya.

Napakunot ang noo ko. "Paano naman naging surprise 'yun?!" Nag-alala ako at tatawagn na sana si Tessa ng pigilan niya ako.

"Wait. Hindi pa ako tapos.. May malilipatan na sila." Wika niya.


"Meron kaming resthouse sa Patag. It's huge! The kids will love the climate and the environment too. Kailangan kasi naming parentahan iyon para kahit papaano ay may tao doon."

"So, ipaparenta mo sa foundation?"

"Exactly! Pero siempre sa halagang kaya lang nilang bayaran. Sayo ako dumiretso kasi gusto mo silang tulungan diba?"

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon