THE RULES: Tragedy

172 5 3
                                    

CLAIRE

"Ingat kayong dalawa ha?" Mangiyak-ngiyak na wika ni Ken at sabay na niyakap kami ni King. Inihatid kami nila sa airport dahil magbabakasyon kami sa Silay to refresh. It's been a while. We've been so busy being sad and depressed about the lost of our child. Si Ken at Jepoy na muna ang bahala sa update ng paghahanap sa anak namin. For a while, kailangan naming i-build up ang relationship naming dalawa ulit.

"Tawagan niyo lang kami ha for updates." Sabi ko at kumaway na ng paalan sa kanila.

Naghihintay kami sa flight namin ng mapag-usapan namin ang mga nangyari sa aming dalawa.

" Ang dami-dami na pala talagang nangyari. Hindi ko lubos maisip na aabot tayo sa point ng buhay nating ito."

"Mahahanap natin si Seve. Makukumpleto ang pamilya natin. Magiging masaya tayo ulit." Sabi niya pa saka hinaplos ang pisngi ko at hinalikan sa noo.

Oras na ng flight namin kaya sabay na kaming pumasok. Mahaba-haba ang biyahe namin kaya buong biyahe ay natulog kami ni King.

After a long day, finally, we're back. 

Hinawakan ni King ang kamay ko dahil halos mangiyak-ngiyak ako ng makalapak muli sa bayan at lugar ko.

(Actual photo of Silay City at night. Photo captured by the author herself. 😌)

This is where I grew up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is where I grew up. Dito nabuo ang pagkatao ko, dito nagsimula ang mga alaala ko, dito nabuo ang mga pangarap ko, dito ko nakilala si King-sabay tingin sa kanya.

"Welcome home, mahal." Pabulong na sabi niya at humalik sa noo ko. "Naalala mo?" Nakangiting sabi niya sabay tingin sa akin habang papalabas kami ng arrival area. Itinuro niya kung saan ako eksaktong nakatayo hawak-hawak ang piraso ng bondpaper na may nakasulat ng pangalan niya. "Diyan mo unang nakita ang kagwapuhan ko." Sabay kagat sa labi at kinday na sabi niya.

Napailing ako habang tumatawa. "Seryoso ka?" Natatawang wika ko. "Paano ka naging gwapo agad sa paningin ko eh ang sungit-sungit ng mukha mo nang una kitang makita no? Tapos lakas mo pa makahablot ng bondpaper." Sabi ko at nagtawanan kami.

"Alam mo minsan, mahal. Nagpapasalamat ako na naging bad boy ako minsan. Kasi kung hindi ako minsang naging black sheep, hindi ako mapapadpad dito. Sa mabuting kulungan ako nakulong- nakulong sa puso mo." Sabay singkit ng mata niya sa akin at nagtawanan kami.

Hinampas ko siya sa balikat. "Tse! Ang sungit mo nga eh." Nakasimangot na nakangiting sabi ko.

Tumawa siya ng marahan at matagal na napatitig sakin na parang punong-puno ng galak ang puso niya habang nakatitig sa akin. "The first time I saw you on the spot," sabay turo ng eksaktong lugar ng kinatatayuan ko noong una kaming magkita. "Hindi ko inaasahang magiging ganito ka kahalaga sa buhay ko. Everything  has changed. But you're still the most beautiful woman in my eyes, you're still the most adorable, you're still the one I love, even after all these years. It's just, you."

Namuo ang mga luha sa mga mata at napayakap na lamang sa kanya. "I'm sorry, King."

"No, there is nothing to be sorry, Mahal. Ako ang dapat nagsu-sorry sayo. Kasi iniwan kita sa gitna ng pagsubok natin dapat, bilang mag-asawa. This time hinding-hindi na kita iiwan. Sa lahat ng pagsubok sa buhay mo. Kasama ko ako."

" I love you, King."

"I love you, Claire."

"Maam, kayo po ba sina Mr and Mrs Alvarez? Ako po ang driver niyo papunta kina Bety." Wika ng nagpakilalang driver.

"Oh, hindi kami nag-book ng taxi eh." Wika ni King.

"Si Sir Jepoy po ang nag-book para sa inyo." Magalang na wika nito.

Nagkatinginan kami. "Oh, si Jepoy talaga. Sige." Sabi ko at sumunod na kami sa driver papunta sa taxi niya.

Narrator

Nakapulupot ang mga kamay ni King kay Claire habang masaya nilang pinagmamasdang ganda ng Silay. It has been a while, marami agad ang nagbago pero ang magagandang tanawin at ng presko ng hangin ay ganun na ganun parin.

Handa na sila ulit harapin  ang bago nilang magiging buhay. Bagong buhay na punong-puno ng pag-asa. Dito sila muli magsisimula.

Ngunit tila sinusubok sila ng tadhana.

Sa gitna ng biyahe ay nabundol ng isang van ang kanilang sinasakyang taxi at nagpa-ikot-ikot sila sa daan. Ang aksidente ay nangyari sa gitna ng nagtataasang tubo(sugarcanes) sa cross-section na bahagi ng daan nila.

Pagkatapos ng insidente ay agad na nagrisponde ang mga pulis at rescue sa lugar ng aksidente. Ngunit sa lugar ng aksidente ay wala na ang katawan ni Claire. Tanging si King nalang at ang driver ang natagpuan sa lugar ng aksidente na mabilis naman silang idinala sa ospital.

King woke up without remembering anything. ANYTHING. Kahit si Claire. He woke up with his parents na alalang-alala sa nangyari sa kanya.

"Kamusta ang imbistigasyon?" Tanong ni Bety.

"Maam, ayon sa mga nagpakilalang witness, hindi magkasama si King at Claire. Dahil nagkataong sira ang CCTV ng airport ng mga oras na iyon. Confirmed din na si King lang ang dumating dito sa Silay mag-isa. It was also confirmed that he went out of the airport without Claire.  Sumakay siya ng taxi at nangyari nga po ang aksidente." Paliwanag nito.

"Ano?! Hindi pwede. Mismo tumawag sila g dalawa sa akin na magkasama sila at pauwi na sila dito. Paanong hindi sila magkasama?! At bakit hindi parin nakakatawag sa akin si Claire?!" Galit na mangiyak-ngiyak na sabi ni Bety.

"Maam, it was confirmed. Kahit hanapin mo ang pangalan ni Claire sa mga pasaherong dumating during that time, wala ang pangalan niya. Subukan niyo lang po ulit siyang tawagan. Hindi ba't dapat ay mas kampante ka kasi hindi siya nakasama sa aksidente? Maghintay lang po tayo ng updates sa investigation. Medyo mahihirapan tayo lalo't nagka-amnesia po si Mr. Alvarez."

Napaupo si Bety sa takot at kaba dahil hindi siya makapaniwalang hindi sila magkasama. Ilang sandali ay dumating naman si Maureen at agad na kinalma siya.

---------

A/N

Nasaan na nga ba si Claire?

Bakit nawala siya sa aksidente?

Bakit iba ang kinalabasan ng imbestigasyon?

May tao ba sa likod ng lahat ng ito?

Hi loves, I'm back! Sorry for the super duper bonggang ang tagal-tagal na update! Pagoda na si lola niyo sa pag-aaral. I have so much work! Naisingit ko lang ang chapter na ito! I love you guys, sana nandito parin kayo! 😘

Instagram: gracewp.xx

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon