CHAPTER • 47

1K 25 3
                                    



Dinala ako ni Mama sa kwarto ni Ate na matagal na panahon ng locked. Napalunok ako sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang kaba ko.

Nang dahan-dahan niyang buksan ang pinto..

Bumungad sa akin ang kwarto niyang punong-puno ng litrato nila na halos muntikan ko nang ikabagsak.

Litrato nila ni King... 💔

They look so happy together.

What. The. Hell.

Napatakip ako sa bibig ko at napaiyak.

Inilibot ko ang mga paningin at isa-isang tiningnan ang mga litrato nila na nagsilbing wallpaper na ng kwarto niya.

"Noong nasa Silay pa tayo, pumunta ang Ate mo sa Maynila para magkolehiyo diba?" Pagsisimula ni Mama sa kwento habang nakatitig parin ako sa mga litratong pumupunit sa puso ko.

"Nang umalis siya papuntang Maynila ay agad din kaming lumipad sa Greece. Two months after, ipinakilala niya sa amin ang King na 'yan. Oo anak, ipinakilala siya sa amin ng Papa mo, kaya kilala na namin siya noon pa."

Inalalayan niya akong maupo sa kama ni Ate.

"Si King ang unang boyfriend ng ate mo. Dahil probinsyana siya at wala siyang alam sa bagong mundong ginagalawan niya, hindi niya alam na pinaglalaruan lang siya nito. Siempre, akala niya mahal siya eh. Just look at those photos.. Mukhang mahal nila ang isa't-isa. Pero sa totoo, sinasakayan lang ni King lahat ng gusto niya. He takes her to a date, he surprises her, he treat her like a princess, he even gave your sister a ring.."

Parang magbi-break down ako sa sinasabi ni Mama. Lahat ng sinasabi niya, ginagawa din ni King sa akin ngayon.

"Then nang tuluyang mahulog ang loob ng ate mo, nakuha niya ang gusto nito. Which is sex. Binigay niya ito. Ginawa ito ni King sa kanya ng paulit-ulit."

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. Halos habulin ko na ang hininga ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Then she found out one day, King is with somebody else. Dating different girls, making out with different hoes. Akalain mo, tiniis niya 'yun. Nagpakatanga siya. Kasi akala niya baka medyo nagsawa lang daw si King sa kanya. Hanggang sa nagulat siya, naging official sa publiko si King at Safi. Iniwan niya sa ere ang ate na parang walang nangyari. He even deny her in front of everyone."

Humagulgol na ako.

"Na-depressed siya, anak. Nagtago siya. Nagpakalayo. Sinira niya ang buhay niya. Labis ang pagsisisi niya. Napasok siya sa iba't-ibang bisyo. She was even raped!"

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"She was raped. Walang nakakaalam non kasi gusto naming protektahan ang kahihiyan niya. Kaya mabilis na kinuha namin siya sa Maynila at dinala dito sa Greece."

I burst out in tears sa labis na sakit na pinagdaanan ng ate ko.

All because of King.

"Nang dalhin siya namin dito wala na siya sa sarili niya. Hanggang sa medyo naging okay siya dahil araw-araw namin siyang kinakausap at pinapasyal. She was already okay! Until she found out that you and king are together."

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now