CHAPTER • 55

1K 24 4
                                    



CLAIRE's POV

Mabuti nalang at galos lang ang natamo ko sa aksidente. Himala talaga na nakaligtas pa ako sa aksidenteng 'yun.

Mahigit tatlong araw na ako dito sa ospital at mamaya ay makakalabas na rin ako. Hindi ko alam kung paano ko haharapin sina Ate.

"Girl, okay na. Naasikaso ko na ang bills mo. Makakalabas kana mamaya." Wika ni Ken pagpasok niya sa kwarto ko.

"Ken, thank you ha? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka.." naiiyak na wika ko.

Naiiyak na niyakap niya ako. "Siempre, sisteret tayo di ba? Wala naman akong pamilya dito maliban sayo. I love you.."

"I love you too.." tugon ko.

"Hi, Claire.." nasorpresa ako ng magsidatingan sina Thea, Keanu at Tommy. May isa pa akon hinahanap sa grupo nila.

Nagkatinginan sila ng mabatid kong sino ang hinahanap ko.

"Claire, kamusta na pakiramdam mo?" Masayang tanong ni Thea.

"Medyo okay na ako. Medyo masakit nalang ng konti ang ulo ko. Sa lakas kasi ng pagkakabagsak ko." Natatawa pang wika ko.

"Magpagaling ka, Claire. May hinada kaming party para sayo. Maliit na salo-salo lang sa Villa niyo ni Ken." Wika ni Keanu.

"Talaga? Salamat. " kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Oo nga pala, sa Villa muna kami ni Ken since parang ayaw pa ni ate na bumalik ako sa bahay.

"Nagdala pala kami ng pagkain para sayo. Kumain ka ng marami ha.." wika ni Thea habang isa-isang nilalabas ang mga pagkain.

Tatlong araw na ang nakalipas.

Ano na kaya ang nangyari kay King? Bakit hindi ko siya nakita mula nang pagkahospital ko?

Bakit hindi man lang niya ako dinalaw?

___________

KING's POV

"I want this wedding gown." Wika ni May habang kumakausap sa isang designer.

"I have this gown pero 27 ang waistline nito, May. Your wedding will be in two weeks hindi ko kayang e-resized ang gown within that weeks. Marami pa kasi akong ibang trabaho.." wika ng designer.

"Basta gusto ko ang gown na 'yan. Kahit hindi muna i-adjust ang waistline." Sabi niya.

"Eh-"

"Gawin mo nalang ang sinasabi ko. You can leave now.." wika niya at agad namang umalis ang designer.


Sunod na kinausap niya ang may ari ng isang flower shop.

"Okay, I want only red and white roses on my wedding. I also want you to scatter some petals on the red carpet para romantic kapag naglalakad ako.."

Sunod na kinausap niya ang videographers. "I want you to film King every single detail. Most importantly, King's reaction kapag pumasok na ako sa simabahan.. At siempre ang pagpasok ko rin." Dagdag pa niya.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now