CHAPTER • 7

1.6K 40 2
                                    



"Are you really going to make her your slave?" Hindi makapaniwalang tanong ni Greg through phone.

"Yes. Pahihirapan ko siya hanggang sa tumigil na siya sa pakikialam sa buhay ko. Nadala siya sa pera. Nakakahiya."

_________________

(CLAIRE's POV)

"Akala mo ha? Ha. Sa tingin mo papayag akong maging uto-uto mo? Pwes nagkakamali ka." Wika ko habang nag-aayos ng sarili sa isang maliit na kubo kung saan kami tutuloy

Ngumiti ako at nag-stretched ng kamay. Bakit kaya lumaking ganito ang anak nila? Hay nako. Sigurado, uuwi itong mabait.

"Claire!" Sigaw niya mula sa labas.

"Hindi ka ba makapaghintay?!" Sigaw na tugon ko.

Lumabas ako na balot na balot ang buong katawan ko. Nakasuot ko ng dalawang patong ng long sleeves at jogging pants. Sa labas isinuot ko na rin ang boots na ginagamit ng mga tapasero dito. Yes, magtatapas kami ng mga tubo(sugarcane). Sa tubo kilala ang Negros Occidental. Dito kumukuha ang buong bansa ng suplay ng asukal. Ito din ang pangunahing hanapbuhay ng mga mahihirap na mamamayan dito.

"Ba't ganyan ang suot mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Hello? Magtatapas tayo ng tubo at iaakyat natin 'yan sa truck. Okay? Mabababad tayo sa matinding init." Sabi ko.

Wala narin siyang nagawa kundi magsuot narin ng makapal na damit.

Una ay tiniruan muna kami ni Mang Jose kung paano magtapas ng tubo. Pagkatapos ay paunti-unti ay iaakyat namin ito agad sa truck. Simple lang, pero napakahirap na trabaho.

"Oh, King. Magtrabaho ka nalang. 'Wag ka puro reklamo dito ha? Tingnan mo sila ho? Ang liliit pa ng katawan? Mahiya ka sa kanila kapag nagreklamo ka." Wika ko at nagsimula na sa trabaho.

Hindi ko maiwasang matawa sa trabahong ginagawa niya.

Grabe. Sobra pa siya saken jusko. Tigtatalong piraso ng tubo iaakyat na niya? Bobo ba to or what?

"Hoy. Sa tingin mo matatapos mo 'yan ng mas mabilis? Damihan mo muna bago mo iakyat!" Sigaw ko.

Nagpigil siya ng inis at pinanlisikan lang ako ng mata.

Pagkatapos ng kalahating oras ay pagod na siya agad.

Iba talaga kapag lumaki kang walang ginagawa sa buhay.

Tamad.

Naupo siya sa isang malaking bato at, naghubad ng damit.

Sobrang naiinitan na siguro siya sa suot niya.

Naghubad siya at doon ay nakahinga siya ng maayos.

Nilapitan ko siya at namaywang na humarap sa kanya.

"Hindi pa kumakalahati ang araw King pagod kana?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Binato niya ako ng damit niya at mabilis ko namang sinalo ito.

"Punasan mo ang likod ko." Mandar niya. Aba?!

"Sino ka para utusan ako?!" Sita ko.

Tumayo at namaywang na humarap sa akin. Dinutdot niya pa ang malaking katawan at pagmumukha niya sa akin.

"Diba sabi ko magiging alipin kita? Na gagawin mo ang lahaaaat ng gusto ko?"

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon