CHAPTER • 52

1K 28 5
                                    



Nakaupo ako veranda ng villa habang nagbabasa ng kung anong magazine. Masarap ang  simoy ng mula doon at ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng alon na matatanaw mo mula roon.

"Girl," tawag ni Ken mula sa likuran ko at ipinatong sa magazine na hawak ko ang bouquet of red and white roses. My favorite.

"Kanino galing 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Siempre, kanino pa ba." Kinikilig na wika niya.

Napabagsak ang balikat ko. "Tell him to stop doing this. Baka malaman pa ni ate eh!" Inis na wika ko. "Saan mo nga pala nakuha 'to? Nagkita ba kayo?"

Umiling siya.

"So, paano napunta sayo 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakita ko lang sa labas mg door." Sagot niya.

Inis na napahawak ako sa noo ko. "So alam niya kung nasaan tayo? Gosh." Gigil na kinuha ko ang cellphone at dinial ang number niya.

Tumayo ako at hinintay na sagutin niya ito. Mabilis siyang sumagot.

"King, please naman.. Ayokong mahuli ka ni ate at isipin niyang trinatraidor ko siya. Stop sending flowers or anything! Okay? Mag-ingat ka naman please.. Paano-"

"I didn't send any flowers.." tugon niyang nagpatigil sa akin. "I swear hindi ako nagpadala mg flowers, Claire. Nandito pa ako sa bahay niyo hindi pa ako nakakaalis kanina pa.."

Napakagat ako sa labi ko. Napagbintangan ko pa siya. Gosh. "I'm-I'm sorry."

"Whoever is that bullshit who sends you flowers will be dead later." Seryosong wika niya.

"King.." hindi makapaniwalang wika ko.

"I'm dead serious." Aniya.

Pinatay ko nalang ang cellphone at bumalik sa upuan ko.

"Siya no?" Tanong ni Ken.

"Hindi siya." Sagot ko.

Napatakip si Ken sa bibig niya. "Oh, my gosh, girl! Agad-agad ha? Ganda talaga eh no?"

Hinukay ko ang flowers at naghanap ng card. Walang card.

Sino naman kaya ang magpapadala sakin ng flowers?

"Sino kaya?" Nagtatakang tanong ko.

"Ako."

Mabilis kaming napaligon ni Ken sa kabilang veranda ng katabing villa namin. Ang villas kasi dito ay hindi kalayuan sa isa't-isa at pare-pareho pa ang design.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko at halos hindi ako makapaniwala sa nakita.

"Jepoy?!!!" Hindi makapaniwalang sigaw ko na halos tatalunin ko sana ang veranda. Mabilis na bumaba ako at mabilis din naman siyang bumaba.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now