CHAPTER • 33

1.3K 30 0
                                    


Na-late kami pareho sa duty namin dahil nagbihis nga ako ulit. Sinabi ko namang mauna na siya pero hindi siya umalis hangga't hindi ako kasama.

Pagkarating sa duty ay agad trabaho kami para makabawi sa oras na nasayang namin.

King is really doing well. Nagbago na nga siya. Sobra.

Kakalabas ko lang ER ng magtagpi ang landas namin ni Safi. Yes, si Safi nga. Nakasuot siya ng magarang white dress. Napakaganda niya sa mahaba niyang buhok at balingkinitang katawan.

Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. "Hi. You must be, Claire?" Maayos na tanong niya. "King's friend, right?" Sunod na tanong niya.

Nag-iwas na ako ng tingin at tumango. How can she act like she doesn't know anything about our relationship?

"I came here to for my boyfriend. I brought his lunch." Wika niya.

"Baka nasa X-ray Department siya." Sabi ko.

"X-ray Department? Saan ba banda 'yun? Pwede mo ba akong samahan?"

Tila may mabigat na sementong bumagsak sa buong katawan ko. Paano ko ihahatid ang babaeng ito sa sarili kong boyfriend?

Inis na napakagat ako sa labi ko at nag-angay ng paningin. "Sure." Wika ko at naunang naglakad habang nakasunod lang siya sa akin.

Pagbukas ko ng pinto papunta sa waiting area ng X-ray dept. ay siya agad ang bumungad sa akin.

Gumuhit ang malapad na ngiti niya ng makita ako. "Babe!" Masiglang wika niya hanggang sa sumulpot na sa likuran ko si Safi.

"Hi, Babe!" Binangga niya ako at harap-harapang niyakap at hinalikan si King sa harap ko.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko kaya umiwas na ako ng tingin. Parang pinupuniy ang puso ko sa mga oras na iyon kaya lumabas na ako.

KING's POV

Hindi kinaya ng damdamin ko ng makita ng sarili kong girlfriend ang ginawa ni Safi.

Yumuko lang siya at kusang inatras ang sarili.

Napakabigat sa loob na makita siyang nasasaktan.

"Get off me, Safi. I'm on duty." Wika ko at marahang itinulak siya. Agad na lumabas ako para sundan si Claire pero wala na siya doon.

Tinakbo ko siya sa Pathology Department kung saan sumilip ako kung ano ang ginagawa niya.

Nakasuot siya ng mask. Halatang namumula ang mga pisngi mata niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin sa mga oras na iyon.

Nag-aalala ako sa nararamdaman niya.

Hindi kami magkasamang kumain ng lunch dahil hindi ko na siya nadatnan sa Pathology Dept. Sumama nalang daw siya sa mga kapwa intern.

Kanina ko pa kasi sana siya nasundo kung hindi ako pinigilan ni Safi. Nagpahatid kasi ito sa hotel dahil sira daw ang sasakyan niya.

Kaya bumawi ako ng uwian. Hinintay ko siyang lumabas ng hospital.

"King.." tawag ng napakanipis niyang boses. Nakangiti siya ng lumapit sa akin. Halatang nagtatago ng tunat na nararamdaman?

Bagsak ang mga kilay na nakatitig lang ako sa kanya. Hindi niya pinapakitang nasasaktan siya.

"Hoy.. Okay ka lang?" Tanong niya.

Hindi na ako sumagot ako hinila ko ang dalawang kamay niya para yakapin siya.


"I'm sorry.." wika ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Sorry saan?" Tanong niya.

"Mahal na mahal kita, okay?" Pabulong na wika ko.

"Mahal din kita." Tugon niya.

___________

CLAIRE's POV

Mahaba pa ang araw namin kaya dinala niya ako sa Tower para doon naman maghintay ng sunset.

"Claire, kapag nasa Greece kana.. 'Wag kang kakausap sa kahit na sinong mas gwapo sakin ha?" Tila nag-aalalang wika niya.

Hindi ko mapigilang tumawa. "Nawawalan ka din pala ng kumpyansa sa sarili no?"

"Siempre. Kahit mukhang isda pa 'yan pagseselosan ko 'yan." Seryosong wika niya na mas lalong nagpalakas ng tawa ko.


" 'Wag kang mag-alala. Kahit kamukha ni Daniel Padilla pa 'yan.." biro ko pa.

"Dapat lang.. Mas gwapo pa nga ako sa Daniel Padilla na 'yan." Pagyayabang niya pa.


"Yabang eh.."

Nabalutan ng katahimikan ang paligid namin. "But seriously, Claire. Talagang hindi na kita pakakawalan kahit anuman ang mangyari. Kahit bumaligtad pa ang mundo ngayon, hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sayo.." wika niya at fill up the empty spaces between my fingers.

"Grabe mahal na mahal kita." Wika niya na batid na batid sa mga mata niya kung gaano ako kahalaga sa kanya.

" Sa ngayon titiisi ko ang Safi na 'yan, ha? Pero kapag 'yan sumobra, tatadtadin ko ng injection 'yan." Biro ko at nagtawanan kami pareho.


"Ayokong mapasok ka sa gulo dahil sa akin. Leave her to me. Akong bahala sa kanya. Okay? Ang dapat mo lang pagkaabalahan.."

"Ano 'yun?"

"Ang mahalin ako.." sabay kindat.


Nagkapalitan kami ng matatamis na ngiti.

Sa ngayon King hindi pa kita kayang ipakilala sa mga magulang ko dahil nga sa sitwasyon niyo ni Safi.

Pero balang araw..

Magiging malaya din tayo.

Magiging masaya din tayo ng walang humahadlang sa ating dalawa.


"Hoy King..." tawag ko.

Nakangiting lumingon siya.

"Mahal kita." Wika at marahang inusog ang sarili mas close sa kanya.

Inihiga ko ang sarili sa balikat niya at sabay na hinintay ang paglubog ng araw.


"Mas mahal kita.." naging tugon niya at hinalikan ang noo ko.


•••••••••••

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now