CHAPTER • 6

1.6K 39 1
                                    



"Ginawa mo talaga 'yun?!" Hindi makapaniwalang wika ni Greg, matalik na kaibigan ko.


"Siempre. Ginalit niya ako, eh." Tugon ko.

_____________

(CLAIRE's POV)

Napakasama niya.

Napahawak ako sa labi ko and I can still feel his lips on mine hanggang ngayon.

Hindi ako makapaniwalang nanggaling ang first kiss ko sa isang katulad niya.

I think kailangan ko nang umatras sa deal. Hindi ko gustong umabot ako sa puntong mangyari pang masama sa akin.

I took the envelope at tumungo kay tita Bety.

"Ayoko na po. Suko na ako." Wika ko na nagpipigil ng luha.

"Hija, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya. "May ginawa ba siyang masama sayo?"

Mabilis na umiling ako.

"Wala. Wala po." Agad bumalik na ako sa kwarto para magbihis pupunta ako ngayon sa foundation dahil hindi ako nakadalaw kahapon.

_______________

Agad na sinalubong ako ng mga bata at yumakap sa akin.

"Ate, kamusta ka po? Bakit ngayon lang po kayo nakadalaw ulit?" Nagtatakang tanong ni Kim.

"Busy na kasi si Ate. Intern na kasi ako." Sagot ko.

Napansin kong namamayat silang lahat.

"Bakit pumayat kayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kasi ate, wala nang masyadong tumutulong sa foundation. Tapos wala ng pumupunta sa amin dito para ampunin kami." Sagot ng isang bata.

"Dalawang beses sa isang araw nalang po kami kumakain ngayon. Mabuti nalang at may mga tanim kami ditong gulay at prutas."

"At saka, si Maureen po pala ate, nasa ospital."

Nagulat ako sa sinabi nila. "Ha? Bakit?!"

"Na-diagnosed na may leukemia si Maureen, Claire." Sagot ni Tita Yasmin na namamahala sa foundation.

"Kaya nga nangangalap kami ng tulong. Pinaglalaban din nga namin ang foundation dahil paaalisin kami dito kapag hindi nabayaran ang bangko. Nainsala kasi ni Camella ang lupa para matustusan ang pangangailangan ng mga bata dito. Kukonti nalang ang tumutulong  sa amin dito, Claire."

Halos maiyak ako sa sitwasyon nila.

"Si Maureen po? Kamusta na siya?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko. Si Maureen ang pinakamahal ko sa kanila sa  lahat dahil siya ang pinakamalapit sa puso ko.

"She's fighting, Claire. Ang sabi niya kasi, gusto niya pang maging medtech katulad mo."

Mas lalong bumuhos ang luha ko.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now