CHAPTER • 30

1.4K 33 4
                                    

(I should have done this sa mga nakaraang chapters. Ngayon lang pumasok sa isip ko. I'll be editing chapters para may background song din ang bawat scene. HAHAHA.)

KING's POV

As a respect sa magulang ni Safi. Inalagaan ko siya dahil masakit nga siya. Ayaw din kasi niyang magpadala sa ospital. She only wants me.

"King Alvarez. You know how much I hate you for my daughter. You're a loser. A shame to your family. A psychopath. I do not have any idea how the hell in the world my daughter fell in love with you." Singhal ng mommy niya sa akin sa loob ng kwarto. Yumuko lang ako at tiniis ang pagmamaliit niya sa akin.

"I'm sorry, Maam." Tanging salitang wika ko.

"Sorry isn't enough, King! My daughter have been suffering from depression since she came back for you!" Pagsigawan niya hanggang sa nagising si Safi.

"Ma.. Anong ginagawa niyo?" Parang maiiyak na tanong nito.

"King Alvarez, I'm giving you the last days of the year para pag-isipan ang kagaguhang ginagawa mo sa anak ko! If she gone crazy about you then panindigan mo siya! I don't care about how stupid you are right now! I want the joy on her face back!" Galit na lumabas siya at malakas na isinara ang pinto.

Gusto kong magalit at magwala. Wala siyang karapatang bigyan ako ng deadline. She can't control me anymore. Wala na siyang magagawa kung hindi na ang anak niya ang mahal ko.

"King, I'm sorry.." umiiyak na wika niya.

Yumuko ako at doon binuhos ang emosyun ko. "Safi, I'm sorry." Nagpahid ako ng mga luha at hinarap siya. "Mahal ko na siya eh.."

Bumuhos ang luha niya. "Pero bakit mo pa ako minahal ulit? Bakit bumalik ka sa buhay ko?"

"Kasi akala ko mahal parin kita. Mahal parin kita. Pero hindi na kasing buo katulad ng dati.."

Humagulgol siya sa pag-iyak. "Pero kailangan pa kita..." namamaos na pagmamakaawa niya.

"Safi balang araw makakalimutan mo din ako. Balang araw lahat ng sakit na nararamdaman mo mawawala rin 'yan."

Nagpunas siya ng luha at humugot ng malalim na hininga.

"Hahayaan kita, King.. Hahayaan kong ipagpatuloy niyo kung ano man ang meron kayo. Pero hindi mo ko pwedeng iwan. Akin ka parin." Seryosong wika niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Hindi pwede, Safi."

"Ganyan ka naman dati diba? Maghilig kang magsabay! Pwes gawin mo ngayon!" Pagsisigaw niya habang umiiyak.

"Safi, I can't. Hi-hindi ko siya kayang lokohin. Hindi na rin kita kayang saktan, Safi."

"No!!! Do it! Bahala ka kung anong putang inang gagawin mo basta wag mo kong iwan!"

"Safi..."

"Tapos na tayong mag-usap. Ayokong maghiwalay tayo. Pumapayag akong pagsabayin mo kami hanggang sa ma-realize mo kung sino ang mad karapat-dapat para sayo." Nagtago siya sa ilalim ng kumot niya. "Leave now.."

_________

CLAIRE's POV

New  Year's  Eve

Masaya akong nanunuod ng fireworks display mula sa ikalawang balkonahe ng bahay namin. Nakayakap ako sa sarili ko habang lumalanghap ng masarap na simoy ng hangin.

Fireworks display nalang ngayon ang uso sa amin dito tuwing new year dahil pinagbabawal na ang paputok.

Mas mabuti na ito. Mula sa baba ay nagsasaya ang mga kapitbahay namin. Ang ilang borders namin ay dito nag-celebrate ng new year sa amin.

May nagkakantahan, nagkakalat ng barya sa kalye at bahay.. ang mas nakakatawa ang mga grupo ng mga tatay na nanghahampas ng kaldero sa kalsada. Hindi ko maiwasang matawa din mula sa balkonahe.

"Happy New Year, Claire!" Bati nila sa baba.

"Happy New Year po!" Sigaw na tugon ko.

"Happy New Year, baby." Bati ng isang pamilyar na boses mula sa likuran.

Nakangiting napakunot ang noo ko at dahan-dahang lumingon.

Si King bitbit ang bouquet of red and white roses.. Humakbang siya papunta sa akin at agad na hinalikan ang noo ko.

Inilapag ko ang roses sa lamesa ng pumasok kami. Naupo ako dun at nakamasid lang sa magagandang rosas.

Naupo siya sa ibabaw ng lamesa kaharap ko. Nag-angat ako ng paningin sabay haplos ng pisngi ko.

"Mahal kita.." marahang wika niya.

"Mahal din kita." Tugon ko.

Marahang inabot niya ang labi ko. Tumayo ako habang hinahabol din ang labi niya. I wrapped my arms around his waist habang ang mga kamay niya naman ay nasa magkabilang pisngi ko.

Tumayo siya at binuhat ako paupo sa lamesa.. "Baka mahuli tayo.." pabulong na biro niya at nagpatuloy sa paghalik sa akin.

Nakangiti ang mga labi namin ng magkahiwalay. Nagtagpo ang mga mata namin. This stare made me fall in love with him. Madly in love.

He took something from his pocket. A ring. He was about to wear it on my finger ng sandaling pigilan ko siya.

"Teka.. teka, ga-graduate palang tayo, King. Nagmamadali ka?" Biro ko pa.

"Bakit? Gusto mo bang pakasala na kita agad-agad? Gagawin ko talaga 'yun." Sabi pa niya.

"No." Nagtawanan kami. "But, anong ibig sabihin nito?"

"Simbolo na mas pinipili ko nang maging matapang. Pinipili kong hindi matakot. Pinipili kong makasama ka. Pinipili kung sundin ang puso ko... May isa na nga lang tayong problema."

Alam ko na ang problemang ito. "Si Safi.."

"Ayaw niyang hiwalayan ko siya. She let become legal pero ayaw niyang maghiwalay kaming dalawa.."

Bumagsak ang balikat ko. "Don't worry about her. Ako ang bahala sa kanya. But this time.." marahang isinuot niya ang singsing sa daliri. "I'm officially yours."

Ang puso ko. Hindi maipaliwanag ang sobrang saya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at inabot ang labi niya. Tinanggap niya ang labi ng buong puso. Matagal na nagtitigan kami. Nagpapalitan ng salita ang nga mata namin na kami lang ang nakakaalam.

"I love you.." he whispered while rubbing his nose on mine.

"I love you too, King. My King.."

"Queen.." pabulong na ganti niya at muling idinampi ang labi niya sa labi ko..

•••••••

THE RULES (Under Major Editing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें