CHAPTER • 57

1K 29 5
                                    


6 pm na ng gabi ng lumabas ako sa opisina. Kanina ko pa tinatawagan si Ken pero hindi ito sumasagot sa mga tawag ko. Wala na siya sa office niya. Saan naman kaya sumuhot ang baklang iyon?

Umuwi nalang ako sa villa at wala akong nadatnan na Ken.

Muli ko siyang tinawagan at binagsak ang katawan ko sa sofa.

Wala paring sumasagot.

Ipinikit ko nalang ang mga mata.

Nagulantang ako ng tumunog ang cellphone ko.

Si King.

Napalunok ako ng laway bago sumagot.

Actually, hindi ako sumagot. Pinakinggan ko muna ang sasabihin niya.

"Hi.." tawag ng malamig niyang boses. Kinda husky. Parang umiiyak siya. Hindi ko narin mapigilan ang mga luha ko.

"Ken.." tugon ko.

"Nandito ako sa pool." Wika niya.

Nanlaki ang mga mata ako at mabilis na tumungo sa pool area habang nakatuon parin ang cellphone sa tenga ko.

"What are you doing here?" Umiiyak na tanong ko at ibinaba na ang cellphone. Napaiyak ako sa likod ng mga palad ko dahil matagal ko siyang hindi nakita.

I felt his hands pulled my waist at mahigpit na niyakap ako. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.

•kindly play the song above for this scene•

Mahigpit na nakayakap siya sa akin habang naririnig ko ang pagsinghap niya.


"I'm sorry.." namamaos na wika ko.

"Shhh. Wala kang kasalanan, okay?" Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko at bumuhos lalo anh emosyun niya ng magtagpo ang mga mata namin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang patuloy lang siyang nakatitig sa akin na parang ito na ang huling pagkakataon na magkikita.

"Aalis tayo dito. Okay? Ikaw ang pakakasalan ko.. Ikaw lang, ha?"

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan ito. Yumuko ako at umiyak ng umiyak.

"There is no.. happy ending for us." Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit sa mga oras na ito. "Some things are not meant for us."


Umiling siya. "Some things are always worth fighting for. Aalis tayo dito."

"Hindi. Hindi tayo aalis, King. Itutuloy mo ang kasal mo kay, Ate. Ito nalang ang tanging paraan na alam ko. Ayokong mawala si Ate, ayoko ring mawala ka.. Wala na akong choice."


Bumagsak ang mga balikat niya. "Pero ayokong ikasal sa kanya, Claire." Wika ng mga nagmamakaawa niyang mga mata. Muli ay niyakap niya ako. "Claire..."

Marahang itinulak ko ang dibdib niya. "Itigil nalang natin 'to.."

Ilang beses siyang umiling. "Claire.."


THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now