CHAPTER • 24

1.5K 31 8
                                    



Naka-scrub suit na ako at handa nang pumasok ng duty ko. Pagkalabas ko ay gwapong-gwapo sa white coat niya na si King ang nakasandal sa gilid ng pinto ko.

"King.." tawag ko.

"Tara na." Wika niya at hinila ang kamay ko.

Shit.

Nagpumigil ako. "Kasi king-" paano ko ba sasabihin 'to? "Kasi King, si Jepoy ang maghahatid sa akin ngayon." Sobrang kabadong wika ko.

Batid ko sa mukha niya ang inis. "Anong karapatan niyang ihatid ka? Pauwiin muna. E-text mo." Wika niya sabay hablot ng cellphone sa kamay ko.

Mabilis na binawi ko ito sa kanya. "King kasi kami na. Okay? Kaya, sa kanya ako sasama." Labag na labag sa kalooban na wika ko at mabilis na tumakbo palabas ng bahay kung saan naghihintay sa akin si Jepoy.

Hindi na ako makatakas sa lunch break dahil sinundo niya ako sa Pathology Department.

"Kumain kana?" Nakangiting tanong niya.

"Hi-hindi pa. Pero busog pa ako eh-" hindi pa ako tapos magsalita ng hilain niya na ang kamay ko palabas. Nagpumigil ako.

"Claire, I miss you. Okay?! Simula ng dumating ang Jepoy na 'yan nakalimutan mo na ako. Kaya tara na."

I was left speechless sa sinabi niya. He-he miss me?

Habang kumakain kami ay nakatitig lang ako sa kanya. Gusto ko rin sabihin sa kanyang miss na miss ko na rin siya. 💔

"Gusto mo mag-roadtrip ulit tayo after duty? Manuod tayo ulit ng sunset sa Balaring." Sabi niya.

"King, susunduin ako ni Jepoy eh." Rason ko.

"Kapag hindi ka sumama sakin bubugbugin ko talaga ang Jepoy na 'yan." Seryosong wika niya.

"King naman.. Boyfriend ko siya."

"Wala akong pakialam."

"King..."

"Claire, may responsibilidad ka pa sa akin. Binabayaran ka pa ng mommy ko.  Kailangan nandiyan ka parin kapag kailangan kita."

Napayuko na lamang ako.

"Kapag hindi siya naging mabuting boyfriend sayo. Isumbong mo sakin agad bubugbugin ko 'yun." Wika niya habang tuloy ang pagkain. 

___________

Pumunta kami ng Balaring pagkatapos ng duty namin. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ng makita ang sunset.

"King, di ba ikaw naman ang nagsabi na pwede akong magpaligaw sa kanya? Bakit ngayong kami na, parang ayaw muna?" Nagtatakang tanong ko.

"Sinabi ko 'yun. Hindi ko sinabing agad-agaf sagutin mo. Parang hindi ka nga niligawan nun?!" Singhal niya.

"Mahal mo ba 'yun?!" Dugtong na tanong niya.

Namumuo ang mga luhang nilingon ko siya. "Hindi." Naiiyak na sagot ko.

Nanatili siyang tahimik.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now