CHAPTER • 51

984 31 11
                                    


Ipinagluto ko si ate ng paborito niyang chicken adobo. Paboritong-paborito niya kasi ang pagkaing pinoy. Kami kasing mga Pilipino dito, kahit wala kami sa Pilipinas, nagluluto parin kami ng mga pagkaing Pinoy dahil feeling namin nasa Pilipinas pa din kami.

Masayang inihanda ko sa lamesa ang mga pagkain. Si Ate na nakaupo sa lamesa ay hindi mapakali. Tila may hinihintay siyang pumasok mula sa pinto. Si King.

"Ate, hayaan mo muna si King. Baka may binili lang para sayo." Wika ko kahit nakakasama sa loob.

"Uuwi na ako sa bahay ko." Wika niya.

"Ate. Hindi ka pa magaling. Kailangan pa kitang alagaan." Sabi ko.

Bumagsak ang balikt niya.

"Kung ayaw mong magkita kami palagi ni King dito-sige ate.. Maghahanap muna ako ng villa." Sabi ko pa. "Pupuntahan nalang kita kug kailangan kitang tingnan."

"Hindi muna ako kailangang puntahan. Tawagan mo nalang ako. Nandito naman si Mama eh." Aniya at sinimulang kainin ang hinanda ko.

Halatang ayaw niyang nagkikita kami ni King dito. Lalo pa noong isang gabing nakita niya si King na binabanggit ang pangalan ko.

Napansin niya ang daliri ko na hindi na suot ang singsing.

"Hindi na matutuloy ang kasal niyo?" Tanong nito.

Napayuko ako. Nagpigil ako sa pag-iyak. "Oo, ate. Sige na, kumain kana." Mabilis na tumungo ako sa banyo para punasan ang bumagsak komg mga luha.

Ayokong nakikitang nasasaktan ako. Ayokong makadagdag pa sa pinapasan niya.

___________

Nag-impake ako ng ilang nga damit dahil pansamantalang titira muna ako sa villa. Sasamahan naman ako ni Ken at hati kami sa babayaran kaya hindi naman ako magagastusan ng malaki. But of course, malayo sa villa nina King ito. Mas mabuti na sigurong hindi muna kami magkita.

Hatak-hatak ko ang maliit na maleta habang palabas ng bahay namin.

Nakatitig lang sa akin si ate. Wala siyang pakialam.

Nang makarating sa gate ay agad ko itong binuksan. Nagkataong pagbukas ko ay nandoon na nakatayo si King.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako sa kaba. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sandaling napako kami sa kinatatayuan namin.

"King, nandiyan kana pala! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" Sigaw ni Ate May. Umiwas na ako ng tingin at nakayukong dumaan sa tabi niya ng bigla siyang magsalita.

"Pupuntahan kita mamaya." Bulong niya. Nag-angay ako ng paningin at nakangiting kumindat siya.

Nagpatuloy siya sa pagpasok at ako naman ay halos mahimatay sa ginawa niya. Nakita kaya ni ate 'yun?

"Girl, nakita ko 'yun ah." Kinikilig na wika ni Ken at kinuha ang maleta ko.

" 'Wag mong sabihin sa kanya kung nasaan ako. Okay?!" Sabi ko at pumasok na sa kotse.

Nang makarating sa villa namin ay agad kung binagsak ang sarili ko at natulog habang si Ken na ang nagligpit ng mga gamit namin.

"Girl, lalabas pala kami ng mga friends ni King ha?" Paalam ni Ken. Nakakunot ang noo kong bumaling aa kanya.

"Talaga? Bati na kayo ni Thea?" Nagtatakang tanong ko.

"Well, since nalaman kong taken na si Tommy. Naging close kami. Pareho kasi kaming sawi kay Tommy eh." Naka-sad face na wika niya.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now