CHAPTER • 23

1.5K 34 9
                                    


CLAIRE's POV

I'm on duty nang dumaan si King sa Pathology Department tulak-tulak ang x-ray machine.

Ni hindi man lang lumingon.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakapasok na ito sa emergency room.

"LQ kayo?" Biglang tanong ni chismosang intern.

"Anong LQ?" Wika ko at umiwas na sa kanya.

"Miss Claire, patient on ER for CBC." Wika ng MedTech sa akin at mabilis ko namang tinungo ang patient ko sa ER.

Aksidenteng nagkasalubong kami sa hallway.

Sandaling pinatigil ko siya at hinarap. "Hoy lalaki. Galit ka ba sa kin?" Pabulong na tanong ko.

Matagal na tinitigan niya muna ako. "Libre mo ko ng lunch." Tanging wika niya at nagpatuloy sa pagtulak ng x-ray machine.

Napakunot ang noo ko.

________

Sabay kaming nag-lunch.

Naninibago na ako sa kanya. Lately, napakatahimik niya. Lamon lang siya ng lamon habang ako nakatitig lang sa kanya.

"Hoy." Agad na natauhan ako.

"King may problema ba tayo?" Nagtatakang tanong ko. "Dahil ba tinigil na natin ang deal?" Dugtong na tanong ko.

"Bakit? Okay lang bang halikan kita ulit?" Nakangiting tanong niya.

Nabuhayan na ako ng loob ng ngumiti na rin siya.

"Ewan ko sayo. Kamusta na pala kayo ni Safi?" Tanong ko.

"Nag-uusap na kami through chat. Phone calls." Sagot niya. 💔

"Ah."Maikling sagot ko.

"Kayo? Kamusta na kayo ni Jepoy?" Balik na tanong niya.

"Wala. Wala namang nangyayari sa takbo ng friendship... namin."

Nagkibit-balikat lang siya. "Di ba gusto kang ligawan non?"

Kapag sinabi ko kaya ngayon na ayaw kung magpaligaw kasi mahal ko na siya.. Pipigilan niya ba ako?

"Hindi. Hindi ako pumayag.." sagot ko at dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin.

Bumilis na ang tibok ng puso ko ng magtagpo na ang mga mata namin.

"Bakit?" Tanong niya.

Pumekeng ngiti ako. "Kasi... ano-"

Sabihin mo na kaya Claire? 😏

"Kasi, King ano-"

Sabihin muna...

"Gu-"

"Claire?"

Naagaw ng isang pamilyar na boses ang atensyon ko. Si Jepoy.

Inis na napasandal si King sa upuan niya.

"Jepoy. Hi." I said, awkwardly.

"Sorry to bother you both. Pero paalis na rin naman ako. I'll see you around, Claire?" Wika nito at tango lang naging tugon.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now