CHAPTER • 36

1.3K 21 0
                                    


Nag-swimming kami. Kumain ng masasarap na pagkain. And since my boyfriend has a good photography skills, picture dito, picture doon. Patag is just beautiful. It is well preserve and I love how people of Silay took care of it. Dati walang pumupunta dito. Pero ngayon, malakas na ang turismo dito dahil marami ng nadiskubreng falls, springs.. And also if you go hiking, halos mahalikan muna ang mga ulap. And that was the last thing we did also. We went hiking.

"Can you do something for me before you go?" Tanong nito habang nakaupo kami sa tuktok ng bundok, lumalanghap ng malamig na simoy na hangin at ini- enjoy ang napakagandang view ng mga nagtataasan ding bundok sa harap namin.

Nakangiting lumingon ako sa kanya habang nakamasid parin siya sa magandang tanawin. "Ano 'yun?"

Humugot siya ng malalim na hininga at lumingon sa akin. "Trust me." Sabi niya. "Alam mo kasi, maraming pagsubok ang darating sa atin. Nandito ako, nasa Greece ka. Hindi natin kasama ang isa't-isa. Alam mo naman.. saksakan ng gwapo ang boyfriend mo."

Natawa ako at napahampas sa balikat niya. "Loko."

Tumawa siya ng marahan at mabilis na sumeryoso din ang mukha niya. "But I'm serious, Claire. As long as you trust me, walang makakatibag sa atin. Meron talaga kasing mga taong darating sa buhay natin na susubukin ang tatag ng relasyon natin. There will be temptations, depressions.. Kasi malayo tayo sa isa't-isa. Dadaan tayo sa punto ng buhay natin na magdadalawang isip ang mga utak natin.."

Humugot ako ng malalim na hininga ng kunin niya ang kamay ko.

"Whatever it is. Wala kang ibang paniniwalaan maliban sa akin, okay? I will never do the same mistake again, Claire. Ayokong maulit sa atin ang nangyari sa amin ni Safi."

Hinaplos ko ang pisngi niya. "I trust you." Buong pusong sabi ko na nagdulot ng labis na saya sa kanya.

"I love you.." naluluhang wika niya.

"I love you too, King."

____________

Isang tawag mula kay Mama ang natanggap ko ng makabalik na kami sa rest house. Nagluluto si King sa kusina habang nagliligpit naman ako ng mga gamit namin dahil uuwi na kami bukas ng umaga.

"Hello, Ma." Masayang bati ko.

"Kamusta ang stay niyo diyan?" Tanong ni Mama.

"Okay na okay, Ma. Kayo po ni Papa diyan?" Tanong ko.

"Hindi kami OKAY." Tanong nito na tila namamaos ang boses.

Napakunot ang noo ko. "Ma, anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko.


"You chose the wrong guy, Claire. Umuwi kana dito at aalis na tayo.." saka ibinaba ang cellphone without telling me the reason why.

Kinakabahang nilingon ko si King na masayang naghahanda ng hapunan namin.

Bakit? Ano ba itong nararamdaman ko?

Napansin niya ang reaksyon ko ng napalingon siya. Agad na nilapitan niya ako.


"Bakit?" Nag-aalalang tanong niya.

"Baka kailangan na nating umuwi, King?" Naiiyak na wika ko.

"Why?" Tanong niya.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now