CHAPTER • 15

1.5K 35 13
                                    


KING's POV

Hindi nga siya pumunta sa pupuntahan niya. Gumuhit ang ngiti ang tila mas lumakas ang loob ko nang makita ko siyang nakikipagsisiksikan sa mga audience at hinahanap niya ako.

Nang matagpuan niya ako ay kumaway siya at bumulong ng Goodluck.

I don't know. Hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon kapag wala siya. Dahil lagi siyang nakabuntot sa akin hindi na ako sanay na hindi siya nakikita at nabu-bully araw-araw.

There's something about her that gives me this weird happiness.

Parang napakagaan ng buhay kapag kasama ko siya.

Parang kaya kung gawin ang lahat kapag nandiyan siya.

(Song: Basta't Kasama Kita by Daryl Ong)

Parang kaya kung gawin lahat kapag nakikita ko siya.

Nagsimula na laro at dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ng boses niya.

Bawat shoot ko ay napapahampas siya sa katabi niyang hindi niya naman kilala. 😂

Sa tuwing bumabagsak ako nauuna pa siyang tumakbo para patayuin ko kesa sa mga team mates ko.

Pagkatapos ng mahabang laro.

We won.

__________

"Grabe ka! Ang galing-galing mo pala maglaro tarantado ka. Bakit hindi ka naglalaro don sa bahay? Di ba may basketball court naman tayo dun?" Masayang wika niya. Parang siya ang nanalo sa taas ng energy niya.

Naglalakad na kami pauwi at pagod na pagot na ako habang siya mataas parin ang energy.

Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko nakatanggap ako ng text message.

"Sunduin mo ako bukas sa airport." Text message mula kay Abbie.

"Samahan mo ko bukas sa airport. Darating na si Abbie." Wika ko at naunang pumasok ng bahay.

___________

CLAIRE's POV

Nagbabasa ako ng notes ng makatanggap ako ng text message. Unknown number.

"Hi. This is Jepoy Buenavista. Miss Tessa told me na gusto mong sumali sa fund raising program? Pero wala ka kanina sa meeting. Can we have a meeting together? I don't have enough time within this week eh. If you want we can have dinner now."

Alas 7 palang naman ng gabi ng tumingin ako sa orasan.

Agad na nagreply ako at nagbihis.

Tumungo sa isang coffee shop na sinabi nito.

Napalunok ako ng sunduin niya ako sa harap ng Café Velo.

He's so freaking handsome.

Leche hindi ako nakapaghanda ng maayos.

"Hi. I'm Claire." Bati ko at nakipagkamayan sa kanya.

Inalalayan at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

He offered me a seat too.

"Miss Tessa didn't told me sobrang ganda pala ng Claire." Ngumingising wika niya. "Hindi tuloy ako nakapaghanda."

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon