THE RULES (WHYS?)

385 12 3
                                    

Jepoy

"Ano na kaya ang ginagawa ng dalawa ngayon? " tanong ni Ken sa akin habang nagkakape kami sa isang coffee shop. 

"I hope they could still make it." sabi ko. 

"Siempre naman, ano!  Walang gustong matapos ang lahat sa kanila." sabi niya. 

"Ba't hindi kaya natin sila ibalik sa Silay?  Diba,  doon naman talaga nagsimula ang lahat? " suggestion ko. 

Nanlaki ang mga mata niya na tila interesado siya sa suhestiyon ko.  "Oo nga no?  Tapos pababayaan nalang nila ang anak nila ganun?  Maglalandian lang sila ulit doon? "

"No.  That's not the point. Hindi nila maayos ang lahat kapag hindi rin sila maayos." sabi ko.

"So, what are you planning to do now?" tanong niya.

Binigyan ko siya ng isang ngiti.


Meanwhile..


Claire


Napabuntong hininga ako ng makita ang temperature ng lagnat ko. Napabaling ang paningin ko kay King na naglalagay ng malamig na tubig sa bowl mula sa kusina. I rolled my eyes in annoyance. "Pesteng buhay naman ito. Ano ba kasing ginagawa nito dito. eh, maghihiwalay na din naman kami." pabulong na wika ko sa sarili.

Mabilis na umayos ako ng upo ng bumalik na siya sa sofa. Awkward. Awkward talaga.

Marahan niyang inilapag ang bowl na may bimpo at naupo sa tabi ko. "Okay. Umusog ka ng konti." sabi niya habang pinipiga ang bimpo sa crystal bowl.

Napakunot naman ang noo ko. "Ako pa mag-aadjust?!" pasigaw na tanong ko dahil talagang mainit na ang ulo ko.

Humugot siya ng malalim na hininga at umusog mas malapit sa akin hanggang sa magdikit na ang mga braso namin. God. Parang may kuryente paring dumadaloy sa ugat ko kapag dumidikit ang balat ko sa kanya. Like how it feels before. Napalunok ako ng ng laway ng marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at maingat na iniharap ako sa kanya.

"Pagtiisan mo muna ako, wala kasing mag-aalaga sayo." wika ng malamig na boses niya at tila may kung anong kaluluwa ang sumapi sa akin ng dumampi ang malamig niyang hininga sa pisngi ko.

Umiiwas na ako ng tingin dahil baka kung ano pang maalala ko kung magkatagpo ang mga mata naming dalawa.

Pero gusto kung pag-usapan namin ang tungkol sa amin.

Napapisik ako ng hinaplos na niya ang napakalamig na bimpo sa noo ko. "Ba't sobrang lamig!" inis na sigaw ko.

"Para bumaba ang lagnat mo. Okay?" wika ng napakakalmado niyang boses.

"Ako na nga." aagawin ko na sana ang bimpo ng inilayo niya ito sa akin.

Muli niya akon isinandal sa sofa. "Ako na." kalmado parin ang boses na sabi niya."

Bakit hindi siya gumaganti ng sigaw sakin?

Bakit niya pa ako inaalagaan?

Bakit ganito?

Ginugulo niya na naman ba ang isip ko katulad ng ginawa niya dati? Ayaw niyang ma-fall ako noon pero nilalandi niya naman ako. Ngayon gusto niya na akong hiwalayan tapos ayaw naman akong pabayaang alagaan ang sarili ko.

Napakadami kung tanong na gustong itanong sa kanya.

Bakit  gusto niya akong hiwalayan?

Bakit kung saan mas kailangan ko siya?

"King.." walang emusyong tawag ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Bakit?" tanong niya habang pinupunasan ang mukha ko.

Ilang sandali ay hindi ko na napigilan ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Ayokong magmukhang tanga pero kailangan ko rin namang malaman ang totoo. Kung bakit ayaw na niya. Kung bakit hindi na kami pwede. At kung bakit hindi na pwedeng ipagpatuloy pa.

"Bakit?" tanong ng namamaos kung boses at nag-angat ng paningin sa kanya.

Nakatitig siya direkta sa mga mata ko. Napalunok siya napayuko.

"May nagawa ba ako? Dahil ba kay Jepoy? Dahil  ba nakita mo kaming magkayakap? Dahil napabayaan ko ang anak natin? Dahil iniwan kita habang coma ka?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

Humagulgol ako ng wala siyang naisagot sakin. Umiyak ako sa likod ng mga palad ko.

"Claire.." Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko.

Matagal na tumitig siya sa akin.

Inipit niya ang buhok na nakakalat sa mukha ko sa likod ng tenga ko at kinuha ang ulo ko at inihiga ito sa dibdib niya. "Shh. Tahan na.."


Ptngna.


Anong ginagawa mo? Bakit palagi mo nalang akong pinaglalaruan.


"I will always be there for you, Claire. No matter what." sabi niya.

"Then why?" namamaos na ang boses na tanong ko.

"You just don't deserve someone like me. Weak."


WHY, KING. WHY?


--------


FTA:

I'm working on a NEW story guys! Visit my profile more often. Hihi. Who's excited?


THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now