THE RULES: TIME MACHINE

235 8 2
                                    

KING's POV

(Song: Time Machine by Six Part Invention)

She fell asleep in my chest. Bumaba na ang lagnat niya at nakatulog siya sa kakaiyak. This is the reason why I don't want to go on with our relationship. Ayoko ng nakikita siyang nasasaktan at nahihirapan. Alam ko, magiging okay lang siya kapag dumaan ang maraming panahon. Alam ko, makakalimutan niya din ako. Napasimangot ako at nagpigil ng mga luha ng maalala ko lahaaaaat ng masasaya naming araw.

Sa totoo lang ayoko naman talaga siyang iwan. Pero ito nalang ang alam kung paraan para mapalaya siya sa sakit. Sobra-sobra na ang paghihirap niya. Ayoko ng madagdagan pa.

Naramdaman niya ang pag-iyak ko kaya nagising ko siya. Mabilis na pinunasan ko ang mga luha at tila bumilis ang paghinga niya ng habang nakatitig sakin. Namuo ang mga luha sa mga mata niya habang nagpapalitan kami ng tingin.

(Play the song)

"Bakit mo ginagawa ito?" namamaos na tanong niya at tuluyang bumagsak ang mga luha.

Napahagulgol ako at napatakip sa mukha ko. "Bumalik tayo ng Silay, Claire. Kahit isang linggo lang. Gusto ko lang ipaalala ulit sayo lahat. Kung paano tayo nagsimula. Kung paano nabuo ang hindi ko inaasahang pag-ibig sayo. Gusto kong maramdaman ulit iyon, Claire. Kahit sa huling pagkakataon." hirap na sabi ko kasi panay singhap ko sa kakaiyak.

"Kaya ko namang iparamdam sayo iyon araw-araw, King." sabi niya pa. .

"Suko na ako, Claire. Suko na ako na nakikita kang ganyan. You deserve a better world. A better life. At oo, Claire. Napapagod na akong hanapin si Seve. Nawalan na ako ng pag-asa."

Bumagsak ang mga balikat niya at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya at para akong pinapatay kapag nakikita ko siyang ganito.

"Wala ng tamang nangyayari sa kwento natin." huminga ako hinawakan ang kamay niya. " Pareho na tayong pagod. Hanggang dito nalang yata ang kwento natin. Ang kwento ni King & Claire."

Humagulgol siya at wala akong nagawa kundi panuorin siya. "Claire ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pero kung ang tanging paraan para may magandang mangyari rin sa buhay mo ay bigyan ka ng kalayaan, ibibigay ko ng nararapat sayo kahit alam kung madudurog ako."

"Pero paano kung sabihin ko na ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko? Hindi mo ba naisip? Na mas masasaktan ako kapag nawala ka?"

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit sa sinabi niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

"Claire.."

"King, leaving me wouldn't make me find myself. Because I will always find my way back to you because I know my life would always be better with you in it."

"And King, if you think you're weak, bakit mo ko nakilala? Nakilala mo ko kasi ako ang magiging kasangga mo. King, kung nahihirapan kang nakikita akong nasasaktan mas nahihirapan akong isipin na itinutulak mo ko palayo."

Sa mga panahon na iyon napatitig lang ako sa kanya. Sa likod ng mga luhang ito ay ang ngiti niya ng una ko siyang makita. Noong una kong masilayan ang maganda at maaliwalas niyang mukha. Sa likod nito ay ang nakakahawa niyang tawa at nakangiting mga mata. Parang sinampal ako sa katotohanang imbis na iwan ko siya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Kung gusto ko talaga siyang maging masaya, ako mismo ang gagawa ng paraan para ibigay iyon sa kaniya. Kasi ako ang asawa niya,ako ang King niya.

Napangiti ako at tila may kakaibang lakas na sumapi sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Bumalik tayo sa Silay at balikan natin lahat." anyaya ko sa kaniya at umabot hanggang tenga ang ngiti niya.

"Kahit saan, sasama ako sayo." paos na wika niya at sa muling pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon. Muling nagdapo ang mga labi naming dalawa. Ang mga labi niya ay kasing-tamis noong una ko siyang maramdaman.

"Mahal na mahal kita, Claire." I whispered in the middle of our Kiss.

"Mahal na mahal din kita, King."

THE RULES (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon