CHAPTER • 35

1.3K 22 4
                                    


•Warning to readers below 18. This is super rated 19+. Hahaha. 🔥•

SAFI's POV

Parang dinudurog ng pinung-pino ang puso ko habang pinapanuod sila. And the way he kiss her, that's how he kiss me before. Ganyan na ganyan.

He really loves her.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako sa kakaiyak sa loob ng sasakyan ko.

"Hindi. Hindi ako papayag, King. Sa akin ka lang magiging masaya. Sa akin lang walang iba.."

KING's POV

"Wag mong walain ang singsing ha? This is the symbol of our love. Kaya oras na tinanggal mo 'yan. That means hindi muna ako mahal.." wika ko at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Grabe naman 'to. Paano kapag maliligo ako, maghuhugas ng plato.."

"Basta ayokong kunin mo 'yan. Masasaktan ako." Sabay hawak sa dibidb ko at sumimangot.

Napangiti siya at niyakap ako. "Sige na. Hindi na. "

Nakangiting nag-angay siya ng paningin. "I love you, King."

"I love you too." Tugon ko at hinalikan siya sa noo.

Magbakasyon kami sa Patag. Sikat na puntahan ito sa Silay dahil sa malamig na panahon at magagandang tanawin dito.

Nag-stay kami sa isang rest house na nirentahan ko para sa aming dalawa.

Isang mainit na coffee ang hinanda ko para sa kanya habang mahimbing pa siyang natutulog. Napakaganda ng view mula sa balkonahe ng rest house. Matatanaw mo mula dito ang napakagandang view ng mga nagtataasang puno at bundok na nababalutan ng makapal na fog. Sa malayo naman matatanaw mo ang syodad.

Inakyat ko siya sa attic kung saan ang kwarto ng rest house. Doon mahimbing na nakahiga siya sa sarili kong damit na sobrang luwag sa kanya. She's wearing my plain white t-shirt na hanggang ibabaw ng tuhod niya.


CLAIRE's POV

Isang malambot at malamig na labi ang gumising sa akin. Nakangiting inimulat ko ang mga mata.

"Good morning," bati ng malamig niyang boses at muling ibinaon ang labi sa akin. He crawled in my top at nakipaglaro sa mga labi ko.

Yes. Since we are free from everything. We can do everything. Everything.


Tumigil siya at nakangiting tinitigan ako. "Anong gusto mong breakfast? I only prepared coffee.."

I bit my lower lip scanning his entire face, hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa labi niya.

He chuckled. "Parang alam ko na ang breakfast na gusto mo."

Tumawa ako ng marahan. "Mali ang iniisip mo.."

" Paano kapag pareho pala tayo ng gustong.... breakfast?" He bit his lower lip releasing soft laughters.

Napalunok ako ng laway ng nagkapalitan na kami ng tingin..

"Pwede?" Pabulong na tanong niya at napalunok..

THE RULES (Under Major Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن