CHAPTER • 12

1.6K 48 18
                                    



"Normal naman pala, eh." Wika ko ng lumabas sa OPD. Binigyan lang ako ng doctor ng antibiotics.

Nakaugalian na yata naming sabay na umuuwi kaya tahimik na naglalakad kami sa kalye pauwi.

Ang dami kung iniisip habang siya naman ay busy sa cellphone niya.

"Ilang taon na pala kayo ng girlfriend mo?" Pambabasag ko sa katahimikan namin.

"I don't know." Agad na tugon niya habang nakatuon ang atensyon sa cellphone.

"Seryoso ka? Hindi mo alam? Eh, ano naman 'yung kurso niya?" Usisa ko pa.

"She's not on school. She's a model." Tugon.

Nanlaki ang mga mata ko.

Wow.

Iba nga naman talaga ang kamandag ng lalaking ito. Pang-class A.

"Kaya pala mahal na mahal mo siya. Pero nagtataka lang ako kung bakit pinapahanapan kapa ng Mommy mo ng girlfriend. Siguro bad influence siya. Kasi kung matino siyang girlfriend. Hindi ka ganitong klaseng tao." Wika ko.

Napikon na naman siya sa akin.

"Ewan ko sayo. I don't really love her. Maybe she's important because I need her."

Napakasama talaga ng taong 'to.

"Alam mo, King. Siguro kung pipilitin mong magbago. Kahit paunti-unti lang. Kaya muna naman, eh. Magiging magaan at mas makabuluhan ang buhay mo dito sa mundo. Hindi mo ba ni minsan inisip na mas masarap maging masaya at magmahal? 'Yung feeling na balang araw kapag matanda kana, maaalala mo lahat magagandang memories mo mapapangiti ka nalang? Ayaw mo nun?"

Hinarap niya ako. Emotionless. "AYOKO."

Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkakaganito.

Pero kung aalamin ko ang puno at dulo. Baka pwede kong maging alas 'yun. Hmmm.

_________

"Oh, bakit hindi pa kayo nakabihis?" Nagtatakang tanong ni Keanu. Nagkatinginan naman kami ni King.

"Bakit?" Tanong ko.

"Birthday ngayon ni Thea. Debut niya. Invited tayong lahat dito." Wika niya.

Si Thea ang 17 year old na nai-one night stand ni King. Terrible.

Nagbihis kami ng casual attire. Nagsuot ako ng matte gold above the knee dress at naglagay ng konting kulot sa buhok ko. Naglagay ng konting make up at lumabas na.

Kumatok ako sa kwarto nina King pero ng buksan ko ito wala na siya doon.

"Nasa baba na lahat, hija." Wika ni Tita Bety.

"Ah, ganun po ba tita? Sige po. Bababa na ako." Paalam ko.

"Sandali."

Tumigil ako sa pagtakbo.

"Sino ka? Saan mo dinala ang pamangkin ko?" Biro pa nito.

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now