CHAPTER • 43

1.2K 30 7
                                    


•Please keep on repeating the video until the end of this chapter•

Since wala kaming trabaho ni Ken ngayon buong gabi kaming maglalakwatsa. Mahal na mahal ko talaga ng baklang ito. He's my life saver. Kung wala siya siguro nabaliw na ako ngayon.


So we parked our car sa parking lot bago pumasok sa mga villas. Gusto man ni King na sunduin ako. But I wanted to keep us safe kaya kami na ang tumungo sa Villa nila. Medyo malayo nga lang ang nilakad namin ng bakla.

Isang mahigpit na yakap ang binati sa akin ni King ng pagbuksan niya kami ng pinto. "Gosh!! I miss you." Gigil na wika niya habang mas lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Nagtaka siya at bigla akong binigyan ng nagtatakang tingin. Nakalimutan ko palang ipakilala si Ken.

"King.. this is Ken, my best friend." Pagpapakilala ko.

Namaywang siya. "Who told you to make friends with a boy?" Nakakunot ang noong tanong niya.

Nagulantang siya ng bigla bumeso si Ken sa kanya at kumikembot na pumasok sa villa.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat kaya hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon siya.

"Masyado kang O.A." Natatawang wika ko at muli siyang niyakap.

"Where's your group of friends?" Tanong ni Ken habang komportableng naupo sa sofa at nag-on ng tv.

"Nasa pool sila. Sa taas." Nakangiting tugon ni King habang nakaakbay sa akin.

"Pool? You mean.. Nasa kanilang mga boxers sila ngayon?" Naka-kagat labing tanong ni Ken.


He chuckled. "Exactly!"

Mabilis na tumayo ito. " Sige bestie, parang sobra na akong naiinitan. Magsu-swimming muna ako.. Bayie!" Aniya at tumakbo paakyat ng hagdan.

Kami naman ay naupo sa sofa.

Nahiga ako sa dibdib dahil sobrang namiss ko siya.

He's brushing his fingers through my hair. Habang pinakikinggan ko ang bawat tibok ng puso niya.

"What do you want to eat? To drink?" Sunod-sunod na tanong niya.

"I think I want.. you." Sabay angat ng mukha.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi naming dalawa at nagpapalit-palit ng tingin ang mga mata niya sa mga mata at labi ko.

"So you've been craving for me?" Nakakagat-labing tanong niya habang iniipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.


Umusog ako mas malapit sa kanya para  maabot ang malamig at napakalambot na labi nito. "Exactly." Tugon ko giving him a seducing look. He was about to kiss me ng mabilis na tumayo ako. "So, ano bang pwede nating lutuin dito?" Tanong ko at tumungo sa kusina.

"Actually hindi ko alam ang mga ingredients na 'yan." Tugon niya at sumunod sa akin sa kusina.

"Eh, maiinom?" Tanong ko sabay bukas ng ref.

"We only have soda and beer. You know, we're not a juice person anymore."  Aniya at kumuha ng canned beer at soda. Inabot niya sa akin ang soda at sa kanya ang beer.

"I'm sorry but I'm not a soda person too." Sabi ko sabay kuha ng sarili kong beer sa ref.

Naupo kami sa mini-bar na kusina nila. "So, let's talk.. about the five years. Five freaking years.." sabi ko at nakaupong humarap sa kanya.

"Ikaw ang dapat magsabi sa akin. Iniwan mo ako sa ere mag-isa." He gave me a sharp look at tumuros ng beer. "You have to pay for it, babe.." aniya sabay taas ng kilay niya.

"Of course, I will." Nakangiting tugon ko sabay turos ng beer din. "But seriously, I'm sorry, King. For leaving you nothing but pain. Niloko pa kita buong gabi."

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag at messages ko?" Sunod na tanong niya.

"Ayaw ni papa ng relationship natin, King. I don't know why.. Dagdagan pa ng ma-stroke siya. Mas naging mahigpit siya sa akin hanggang sa gusto niya kaming ipakasal ni Ken.."

Nagulat siya. "Ni Ken?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. "But don't worry, Ken is my life saver.. For now sana maintindihan mo na hindi pa tayo pwedeng lumabas masyado.. Magtatagal ba kayo dito?"

"Hindi kami magtatagal dito kung sasama ka sa akin pabalik ng Pilipinas." Sabay ngiti.

Halos lumabas ang eye balls ko sa sinabi niya. "Gusto ko man, King.. But papa is still recovering.."

Ngumiti siya. "Then we'll stay here.." simpleng sagot niya.

"Pero, paano ang buhay niyo doon? Ang trabaho niyo? Ang trabaho nila.."

"Don't worry, they are so excused." Nakangiting wika nito. "They work for me.." aniya sabay kindat.

Napakunot ang noo ko. "Work for you? Hindi ka ba nagtratrabaho? Hindi mo pinursue ang pagra-radtech?" 

"I pursued it. They are my radtechs.." sabi niya pa.

"What do you mean?"

"I own a diagnostic centers." Sabi niya na ikinamangha ko.

"Wow.. I can't believe magkakaroon pa ng direksyon ang buhay mo kesa sa akin." Natatawang wika ko. "I'm so proud of you, King.." I gladly said.

"Sana naman, kahit maraming puso ang inaalagaan mo. Puso ko lang ang #1 priority mo." Aniya sabay kindat at pisil sa tagiliran ko.

Nakangiting hinaplos ko ang pisngi niya. "Siempre naman.." tugon ko.


He planted me a kiss and kiss it and kiss it. Tumayo ako habang patuloy na hinahalikan siya. I spread both of my legs and sat on his lap. Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang tuloy ang trabaho ng mga labi namin..

"Sino mas malandi ngayon?" Bulong niya at nagpatuloy sa paghalik.

Natawa ako ng marahan at bumaba sa kinauupuan ko. "Malandi pala ha.. Manigas ka." Natatawang wika ko at umalis sa kusina leaving him with a 'nabitin' face.

"Babe.. hoy. I was just kidding?" Pagsisigaw niya habang tinatahak ko ang hagdan papunta sa taas. "Claireeee.. pssst!"

"Bahala ka.."

••••••••••••••

Notes/

This chapter is on 🔥. This is my favorite.

If you've been here since first chapter? Anong chapter ang favorite niyo and why?

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now