CHAPTER • 13

1.5K 38 6
                                    


Buhay tapasero at tapasera na naman kami. Dumaan na ang unang buwan ni King dito sa Silay. Medyo, natututo narin naman siya kahit papaano. Konting reklamo nalang ang naririnig ko sa kanya. Mas napapadalas nga lang ang pagbu-bully niya sa akin. Pero okay lang, basta may progress sa pagbabago niya.

Sa tubuhan kami nagtratrabaho pero nasa gitna ng palayan ang bahay-kubo namin. Kay medyo mahaba-haba pa ang nilalakad namin bago makaabot sa trabaho namin.

Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian namin kaya tinawag ko na siya.

"King kong!!!" Sigaw ko at nag-echo ang boses ko sa paligid.

Walang sumasagot.

Habang naglalakad ako sa buong bahay ay nagulantang ako sa sandamakmak na putik na binato niya sa balat ko.

What the ??!!'

Nang lumingon ako ay nasa palayan siya at punong-puni siya ng putik sa katawan. 😂

Hindi pa siya nakuntento ay binato niya ulit ako ng putik hanggang sa nanggigil ako at bumaba rin sa palayan at nagbatuhan kami ng putik sa katawan.

Hindi niya rin pinaligtas ang mga pisngi ko at hinaplos niya din ang mga putik sa pisngi ko.

I've never seen him this happy.

"Halika na nga baka pagalitan pa tayo dito." Aakyat na sana ako ng hinila niya ako pabalik.

His mud-covered hand touch my face as he slowly pulled my chin reaching for my lips.

His soft cold lips touch mine.

Why is he doing this? Ayaw niya akong ma-fall in love but why is he treating me like he owns me. I don't know exactly how I feel right now. Parang napaka-espesyal ko.

Bes. Baka kina-career muna ang pagiging PASS TIME lang niya ha? Oo. Bawal ka talagang ma-in love kasi sa una palang, tinapat ka na niya na hindi ka niya kahit kailan sasaluhin. Hinding-hindi.

Don't expect to much self. Trabaho lang. Walang pusuan.

Magkasunod na naligo kami at sabay na kumain ng tanghalian.

Isa sa mga naging paborito naming gawin ni King sa farm, magkape tuwing hapon at magkwentuhan ng walang kwentang bagay. Ewan. Kahit nagkakape kami sa hapon mahimbing parin ang tulog namin sa gabi.

"Hoy. Wala ka ba talagang isi-share sa akin na makabuluhan sa buhay mo?" Tanong ko.

"Napaka-chismosa mo talaga." Sita niya.

"Magkwento ka naman kasi tungkol sa sarili mo. Sa past mo. Para mas makilala kita diba?" Sabi ko pa. "Nagmahal ka na ba?" Interesasong tanong ko. Curious ako kung nakaramdam ba ng katiting na love ba ang taong 'to. Ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit nagkakaganito ang isang tao?

"Oo." Sagot niya na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwalang sinagot niya ang tanong ko. "Nagmahal na ako noon...

At mahal na mahal ko parin siya ngayon." Dugtong niya.

Hindi ko alam pero parang may maliit na bagay na tumusok sa puso ko. "Si Abbie?" Tanong ko.

"No." Mabilis na tugon niya. "Iba siya sa lahat." Aniya. "I broke her heart. Ngayon para akong gago sa kahahanap sa taong ayaw ng magpakita."

Napakunot ang noo ko. "Anong nangyari?"

"I became so selfish before. Gusto ko lagi nandito lang siya sa tabi ko. Ayokong naghihiwalay kami. I became so obsessed of her na kahit sarili niyang pangarap ayoko ng gawin niya. She quit radtech kasi mas gusto niyang mag-aral ng culinary sa ibang bansa. Ako pa ang nagalit. Ako pa mismo ang kusang tumaboy sa kanya. I broke her heart so much. Isang taon na mula nang umalis siya. Hanggang ngayon, naghihintay at hinahanap ko parin siya."

"Kaya ba naging ganito ka?"

"Ganito na ako noon pa man. And that's what made me fall in love with her. Mahal niya ako kung sino man ako. Hindi dahil si King ako."

"If you really wanted her back. You have to change, King. Para sa mahal mo."

"Kapag nagkita talaga kami ulit. Hinding-hindi ko na talaga siya pakakawalan."

"King, kaya dapat itigil muna 'yang pambababae mo."

"Actually, I'm also doing this for a reason."

"What reason?"

"Kung kaya ko pa bang magmahal maliban sa kanya. Pero no one succeeed to make me fall in love. Siguro siya lang talaga ang kaya kung mahalin. Kaya nga ayokong mahalin mo ko..."

Natahimik ako.

"Kasi hangga't hindi ko nararamdaman ang nararamdaman mo. Walang patutunguhan 'yang nararamdaman mo. Masasaktan ka lang."

Napalunok ako ng laway. "Trabaho lang naman 'to, King. 'Wag kang mag-alala, tutulungan kitang baguhin ang sarili mo. At pagkatapos, hahanapin natin 'yang mahal mo. Magkakabalikan kayo."

"Thank you, Claire."aniya saka pumasok na sa loob.

Why do I feel this way?

Ang puso ko.

••••••••••••••••••••••••

THE RULES (Under Major Editing)Where stories live. Discover now