Chapter 1: Meet Red

328 8 0
                                    

CalishaDee

Guys try niyo ang books niya, cute daw siya 😅.
Hindi ko magawa ang dedication sa browser, sira ang laptop ko kaya sorry✌️.

.

.

.

Chapter 1: Meet Red

Kung mapapansin niyo sa mundong ito hindi lahat ng tao pantay pantay ang tingin sa isa't isa. Karamirahan sa kanila masyadong mapanghusga, sakim, walang respeto, hindi marunong tumanaw ng utang na loob at mapagmataas.

Iyan lang naman ang isa sa speech ni papa kanina sa SONA niya, oo SONA yung State Of the Nation Address. Yung ginagawa ng president taon taon, hayy alam niyo naman siguro kung anu ang ibig sabihin no'n.

After ng SONA ay agad na rin kaming umuwi, nakakapagod ang araw na ito kahit na wala ako masyadong ginawa. Nasa kuwarto ako ngayon at nagpapahinga, gusto kong matulog pero hindi ko magawa dahil may bumabagabag sa aking isipan. Pero siguro dala lang ng pagod, nga pala may assignment pa akong gagawin.

"Red!" Napalingon ako sa pinto ng kuwarto ko ng marinig ang sigaw ni Manang Fe mula sa labas.

Agad akong tumayo at lumabas ng kuwarto.

"Paalis na ang mama at papa mo." Dali dali akong bumaba ng hagdan para habulin sina mama at papa, patungo sila sa US para sa meeting ni papa with President Graham.

"Pa!" Sigaw ko sa kanila, pero nakaalis na ang sasakyan nila.

"Pasensya na Red nagmamadali sila." Napasimagot akong napatingin kay Ate Gema habang hawak ang kamay ni Rhian.

"Okay lang po. Sige po aakyat na ako." Nakatungo akong bumalik sa kuwarto ko matapos iyon.

By the way I'm Red Chavez, mahaba masyado ang pangalan ko kaya Red na lang ang itawag niyo sa akin. Ewan ko ba sa magulang ko kung bakit ang haba haba ng pangalan ko. Hayy makapaggawa na lang ng assignment, may pasok pa ako bukas.

.
.
.
.
.

Kinabukasan

Maaga akong umalis ng bahay patungo sa paaralan. Habang nasa sasakyan ay napansin ko ang isang kumpol ng estudyante, napatigil ang sasakyan ng biglang may humarang sa dinadaanan namin papasok ng school.

"Kuya anung meron?"

"Pasensya Red hindi ko alam."

"Pwede na po ba akong bumaba?"

"Malayo pa ang classroom mo.".

"Okay lang po, dadaan pa naman ako sa library."

Agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa library, hindi ko na pinansin pa ang mga estudyante na nagkakagulo sa parking lot.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Red!" Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko si Abby lang pala kasama ang boyfriend niyang si Jerrson.

"Abby." Masaya kong sambit habang papalapit silang dalawa.

Abby is my  friend, since grade school classmate ko na siya until now. Pero minsan hindi kami magkasama dahil magkaiba ang course namin sa isa't isa. She is soon to be  Engineer, siya yung kaibigan kong hindi nauubusan ng topic kahit kailan. And her boyfriend Jerrson is also soon to be Engineer, hayy ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila ang maging engineer, samantalang ako ayos na sa akin kahit anung course ang kunin ko ang mahalaga may natapos ako at nakapagself study pa, diba?

.
.
.
.
.

Third Person

"Ms. Chavez please answer number one." Agad tumayo si Red para sagutan ang assignment, after 10 seconds ay agad niya ring nasolve ang math problem na ibinigay ng kanyang professor.

"Explain how you get the answer Ms. Chavez."
Bago ipaliwanag ni Red ay tumingin muna siya sa isang babaeng kumukuway sa kanya.

"I  multiply the given number to itself to find the whole number, and divide it into 4 as the four sides of the cube. As a result I get the whole number that is equal to the given answer which represent that it is the same."

"Thank you Ms. Chavez." Umupo na rin agad si Red after niyang ipaliwanag ang sagot niya.

.
.
.
.
.

"Ituro mo naman sa akin kung papaano? Hindi ko kasi magets masyado eh." Salubong na sambit ng babaeng kaninang kumakaway sa kanya kanina.

"Anu ka ba Chelsy, ikaw nga itong witty sa ating dalawa tapos ikaw ang magpapaturo." Nakangiting sambit ni Red sa kaibigan.

.
.
.
.
.
.

Someone's POV


"Ma! Saan niyo po inilagay ang sapatos ko!" Napalingon ako sa sumigaw mula sa kuwarto ng aktong lalabas na ako ng bahay para pumasok.

"Jozza bilisan mo! Late na ako!" Sigaw ko sa kapatid ko na kanina naghahanap sa sapatos niya.

"Wait lang kuya! Papariyan na, wait lang!"
Sagot sa akin ni Jozza, sumakay na ako sa kotse matapos kong pagsabihan si Jozza. Napatingin ako sa back seat ng maramdamang sumakay na si Jozza.

"Jozza sa susunod gabi pa lang ihanda mo na ang gamit mo. Alam mo namang maraming trabaho si Mama tuwing weekdays."

"E kuya sobrang antok na kasi ako."

"Sa susunod ha."

"Opo." Napasmile na lang ako sa pagiging humble ni Jozza sa akin. She is my one and only cute little sister.

I'm Josh De Guzman and the girl at the back is my little sister Jozza Kye De Guzman.
7:05 na ng umaga kaya late na kami sa school.

.
.
.
.
.
.
.

Third Person

Mabilis na nakarating sina Josh sa school, pero late na siya ng pumasok sa una niyang klase.

"Mr. De Guzman your late!"

"Good morning po, sorry po I'm late."

"Take your seat. And do your activity." Agad ding umupo si Josh sa bandang gitna ng klase, naka alphabetical arrangement ang upuan kaya nasa kalagitnaan ang upuan niya.

"Your seatmate is your partner for this activity. The submission is on friday so you have three days to finish this activity."

"Josh right?" Napalingon si Josh sa kanan niya at napasmile ng makipagkamay sa kanya si..

"I'm Red, ako na ang bahala sa materials. Idea mo na lang ang itulong mo."

"Uhm kailan natin sisimulan?" Nahihiyang tanong ni Josh.

"Classmate kita sa PE diba?" Napatango tango si Josh bilang sagot.

"After no'n tsaka natin pag usapan." Agad na tumayo si Red at umalis kasama si Chelsy palabas ng room. Nakasmile lang si Josh sa mga sandaling iyon.

.
.
.

"Josh sinong kapartner mo?"

"Hoy Josh!"
Sigaw ni Hero sa nakatulalang si Josh.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ni Josh.

"Kanina ka pa namin kinakausap, sino ba kasi ang tinitingnan mo?" Tanong ni Dan kay Josh na nakatingin sa kawalan. Humarap si Dan sa nakatulalang si Josh.

"Ah wala, wala may iniisip lang ako." Pagdadahilan ni Josh sa kaibigan.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now