Chapter 21: MESSAGE

33 1 8
                                    

Chapter 21: MESSAGE

.
.
.
.
.
.

Red's POV

Nakatingin lang ako kay Josh habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Kinakabahan ako na masaya, kinakabahan dahil nasa mataong lugar ako kung saan marami ang maaaring pwedeng dumukot sa akin masaya dahil nakikita kong masaya si Josh sa pangarap niya.

"Sinong kasama mo?" Bungad niya agad na tanong na ikinasimangot ko naman dahil hindi niya ba ako namiss.

"Bakit?"

"Hindi mo ba kasama si Kuya Rey at Kuya Arjay?"

"Nasa labas sila." Nakasimangot kong sambit, pero nawala din agad iyon ng maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak na sa kamay ko.

"Sa loob tayo." Hila hila ako ni Josh papasok ng bar, aaminin ko this is my second time na pumasok ng bar. First time is when I was in high school, sa sobrang galit ko kay Papa naisipan kong maglayas kasama nina Chelsy pero wala pang isang oras umalis na rin kami agad dahil may nakaaway si Chelsy and di ko na tanda kung sino ba ang nakaaway ni Chelsy that time.

"Dito ka muna, kailangan ko na kasing bumalik sa stage."

"Sige oorder na lang ako ng pineapple juice." Nginitian ako ni Josh bago umakyat ng stage.

"This last song is for my precious, wonderful and beautiful girl in my life. Hope she like this song, the song I composed last week when I was on our field trip." Josh start to strummed his guitar while Hero composing the chimes to make it connected to the melody.

Verse:

Masakit sa ulo
Ang umagang puno ng gulo
Nakikisabay pa ang aking pagkalito
Kung ano ba talaga ang nararamdaman kong ito.

Kahapon pa ako nagkakaganito,
Please naman sana malaman ko
Ang hirap sagutin ang lahat
Lalo na kapag ika'y kaharap.

Pre Chorus:
Kaya sana, sana talaga
Aking maalala lahat ng 'yong ginawa
Na siyang nagpapabaliw sa akin ng sobra

Chorus:
I hate you, I love you
Baliw na baliw na ako
I hate you, I love you
Ano ba talaga itong nadarama ko?

Hate kita pero mas love kita
Nalilito ako sa dalawa
Ano ba talaga?
Sana naman kahit isa, masabi ko na.

Bridge:
Oo na, ito na talaga
Sasabihan ko na ng bonggang bongga
Para matigil na rin
Ang pagpapantasya ko sayo
At para na rin malaman mo
Kung ano ba talaga ang aking nadarama

Sa bawat salita at liriko na binitawan niya ay siyang naiimagine ko kasama si Khem.

Wait bakit biglang sumagi sa isipan ko si Khem?

Napainom ako ng juice ng sumagi iyon sa isip ko, sa dinami dami ng pepwede kong maimagine si mayabang pa talaga na nakangiti habang....

Teka lumalayo na ako sa katotohanan, ako at si mayabang no, never, it never going to happen. Mamamatay muna ako bago mangyari ang bagay na iyon, no wait, never, never, yuck na lang. Hayy ano bang nangyayari sa akin, nakakainis pati ba naman dito sisingit ang mayabang na iyon. Tsaka mabuti sa kanya at si Monique ang nakatapat niya, wait speaking of Monique nakita ko sila noong nakaraang araw parang nag aaway na ewan, haist bahala sila sa buhay nila may mga isip na sila, tsaka bakit ko pa aalalahanin ang bagay na iyon e relasyon nila iyon, tsaka anong karapatan ko para mag alala.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now