Chapter 42: I hate when I care somebody

20 1 0
                                    

Chapter 42: I hate when I care somebody

Red's POV

Kakauwi ko lang ng dorm matapos makipag usap kay Josh.

FLASHBACK

"I'm sorry kasi pumayag agad ako na itigil natin ang relasyon natin noon. Nang makaalis ako sa lugar na iyon ay bumalik ako sa sarili ko lalo na ng mapansin na maling barangay pala ang napasukan ko, kaya napagdesisyunan kong balikan ka dahil ayaw kong matigil ang meron tayo noon, at hanggang ngayon ay umaasa ako na sana ako pa rin ang laman niyan." Sabay turo niya sa bandang dibdib ko. Nakatingin lang ako kay Josh habang nagsasaglita siya, wala na akong naririnig na boses pero nabuka pa rin ang bibig niya habang paiwas iwas na sumusulyap sa akin. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang lalaking nagbigay dahilan para intindihin ko ang sitwasyon ko sa pamilya ko. Alam kong masakit ang ginawa ko sa kanya, hindi ko din kasi alam ang gagawin noong araw na iyon.

"I'm very sorry too, dahil naging selfish ako. Hindi ko iniisip kung ano ang mararamdaman mo kapag ginawa ko ang bagay na iyon, kaya kasalanan ko ang lahat. Umaasa din ako na sana ako pa din ang laman niyan." Tinuro ko din ang dibdib niya at napangiti siya sa huli kong sinabi. Alam may darating na consequence sa buhay namin pareho, pero iisa lang ang buhay namin pareho kaya gagawin ko ang lahat maibalik ko lang ang dating saya sa dibdib ko kapag kasama ko ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"You know what? Ang saya saya ko ng malaman ko na hindi ka nagka amnesia, akala ko game over na ang lahat, sobrang nanghina ako noong mabalitaan ko ang nangyari sayo, pero kahit ganoon ay mas pinili kong ipagpatuloy ko ang gusto mo para sa akin, sinunod ko ang sinabi mong ipagpatuloy ko ang pagsusulat ng kanta at kantahin iyon sa harap ng maraming tao, pero alam mo ba ang pinanagbigay lakas sa akin ay noong nalaman ko ang lahat lahat kay Manang Fe." Ngiti lang ng lalaking nasa harap ko ang nakakapagpawala ng kaba sa dibdib ko, wala na akong pakialam kung dumating yung time na magkaproblema muli, dahil sadyang nadating ang problema at kaya naming bigyan ng solusyon iyon na magkasama.

"I still love you Red."

"Me too Josh, I always love you." Naluha ako ng sabihin ko iyon sa harap niya, hindi ko alam pero masaya ako na kinakabahan sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti naman ako, hindi ito ang unang beses na nayakap ko siya pero ito ang pinakanapanatag ako. Ayaw ko ng takutin ang sarili ko sa simpleng bagay, hindi ko malalampasan ang susunod na pagsubok sa buhay ko kung ang pinakakinatakutan ko ay hindi ko maharap harap. Hindi ko na hahayaan na matakot muli ako, hindi naman sa nagrerebelde ako sa magulang ko. Mahal ko si Josh at ayaw kong pigilan nila ako na mahalin ang taong gusto ko. 

END OF FLASHBACK

Nakangiti ako ngayon habang nakaupo sa sofa, mag-isa lang ako sa dorm ngayon at nabasa ko ang message sa akin ni Serra. Mukhang nagsasaya din siya ngayong gabi, sinubukan kong humiga sa sofa habang nakangiti at nakatingin sa kisame. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil ayos na kami ng lalaking mahal ko at mahal din ako.

"Bye Serra!" Agad akong bumangon sa sofa ng may marinig na sumigaw mula sa labas ng dorm, sumilip ako sa bintana at nakita ang isang babae na naglalakad palapit sa dorm. Napakunot ang noo ko ng makilala iyon, si Serra iyon at mukhang lasing siya.

"In your head, in your head zombie! Zombie! Zombie! Hay buhay."

"Serra." Salubong ko sa kanya habang pakanta kanta pa siya sa tapat ng pinto ng dorm, ngumiti lang siya at naglakad papasok, dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang pitcher ng tubig.

"Baket indi pe po kyo natu tulog?" Paputol putol niyang tanong sa akin habang nagsasalin ng tubig sa baso na hawak niya, lumapit ako sa kanya at tinulungan siya sa paglalagay ng tubig tapon tapon na kasi ang tubig sa mesa.

I Hate You, I Love You  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora