Chapter 29: Fans Club

40 1 14
                                    

Chapter 29: Fans Club

.
.
.
.

Red's POV

Kakauwi pa lang namin galing hospital, tahimik ang bahay ng makarating kami. Namiss ko ang bahay sa mga sandaling iyon, ilang linggo din kasi ako nakaconfine sa hospital kaya di na ako nakakabisita sa bahay.

"Anak magpahinga ka muna." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, si Mama pala. Tumungo na ako sa kuwarto ko at agad na pumasok. Wala na akong pakialam kung mapansin nila ako na alam ko ang kuwarto ko, gusto kong magpahinga at mapag isa. Hindi ko din kasi magawang lapitan ang kambal, ayaw kong madamay ang kalooban ko sa kanila.

Tok tok tok

"What?!" Galit kong tanong ng marinig ang katok mula sa pintuan ng kuwarto ko.

"Ate okay na po kayo?" Biglang nagbago ang expression ng mukha ko ng makita si Renz, takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata niya, nakasilip siya sa maliit na siwang ng pinto  ko.

"I'm sorry, akala ko kung sino." Mahina kong sambit pero sure akong rinig niya ang mga salitang binitawan ko.

"Ang sabi po kasi nila, nagka amnesia po kayo." Hindi ako makapagsalita sa mga oras na iyon, gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Ayaw kong malaman niya na nagsisinungaling ako.

"Gagawa po kami ni Rhian ng paraan para bumalik ang mga alaala ninyo." Bigla niya akong niyakap kaya napaluha na lang ako, ginantihan ko ang yakap niya na mas lalong nagpaluha sa akin sa mga sandaling iyon. Namiss ko ng sobra ang kapatid ko, sila lang kasi ang nagpapalakas ng loob ko kapag wala sila Mama at Papa. Tapos ganito pa ang igaganti ko sa kanila.

Renz sorry pero kailangan kong gawin ang bagay na ito, promise after this hindi ko na uulitin pa ang ganitong bagay.

"Don't worry ate me and Rhian are always here for you. We're going to do everything just to remember who really you are."

"Thank you, Renz right?"

"Opo, naalala niyo na po ako?"

"Sorry pero si Manang Fe lang ang naalala ko." Nakita ko sa mukha ni Renz ang pagkalungkot ng bitawan ko ang mga salitang iyon.

"Pero maaalala mo naman kami diba?"

"Siguro, pero gagawa ako ng paraan para mabilis ko kayong maalala."

"Ate kailan pa po kayo nakauwi?" Pareho kaming napatingin ni Renz mula sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Rhian na kagigising lang at gulo gulo pa ang buhok. Lumapit siya at agad akong niyakap.

"Bakit ngayon lang po kayo umuwi?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Rhian sa halip ay napatungo, mas hirap pala ng sitwasyong pinasok ko. Sambit ko sa isip ko.

"Rhian po pala ang pangalan niya." Pagpapakilala ni Renz sa kakambal niya.

"Ay oo nga pala, akala ko po kasi nagbibiro lang si Renz na nakalimutan niyo kami."

"Gagawa naman ng paraan si ate para maalala niya tayo. Tsaka tutulungan natin siya." Napatingin na lang ako kay Renz ng sabihin niya iyon, iba din mag isip ang batang ito parang si Papa, matalino.

"Sige para bumalik na yung ate namin na sweet at maganda." Pagbibiro ni Rhian sa gitna ng pag aalala ko sa kanila.

.
.
.
.
.

Maaga akong natulog matapos makita ang kambal, nagpahatid na lang ako kay Manang Fe ng dinner dahil tinatamad akong bumaba.

Kinabukasan

I Hate You, I Love You  Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ