Chapter 35: Broken

51 2 0
                                    

Chapter 35: Broken

.
.
.
.

Aki's POV

Lumabas ako ng restaurant matapos mag text sa akin ni Red. Kakababa niya lang sa isang magarang sasakyan, napansin kong napangiwi pa siya ng bumaba dahil sa pagkakatuon ng kaniyang kanang braso. Dapat pala hindi ko na lang siya ininvite, mukha kasing hindi pa magaling ang balikat niya matapos ang nangyaring pagbaril sa kanya two weeks ago.
Bulong ko sa sarili ko habang lumalakad papalapit sa kanya. Hindi na ako nagulat sa nangyari kasi natural lang sa mga anak na ang magulang nila ay nasa mataas na puwesto sa politiko. Naiinggit nga ako kay Red, kasi she still have her mother and father, even her siblings. Unlike me, that my parents died when I was in grade school, kaya sa kapitbahay ng Tita ko ako tumira. Kasi mas close ko ang kabitbahay ni Tita hindi katulad sa kanila, kaya noong nakagraduate ako ng high school lumipat na ako ng school dahil medyo may kamahalan ang tuition sa Boston. Ipinagpatuloy ko ang pagmomodeling ko para matustusan ang pag aaral ko, after four years nakatapos ako sa kursong HRM.

"Sorry medyo natagalan." Salubong na sambit sa akin ni Red.

"Okay lang." Sabay ngiti ko sa kanya, pumasok na kami sa restaurant at sumalubong sa mga kaibigan ko. Pinaupo ko si Red sa table kung  saan ako nakaupo, magkatabi kami sa mga sandaling iyon. Nagsimula na kasi ang party kaya nagsisimula na din ang mga pakulo ng mga kaibigan ko.

.
.
.
.
Makalipas ang ilang sandali lumipat kami sa basement ng restaurant kung saan matatagpuan ang maliit na bar. Kasama ko ang mga kaibigan ko at katrabaho sa pagmomodeling sa mga oras na iyon, napansin kong nagtaka naman sila ng makita ang kasama ko.

"Red mga katrabaho ko pala, di ko na sila napakilala sayo noong sumama ka dati sa party dahil kailangan mo na ding umuwi." Nakangiti kong sabi kay Red.

"Guys meet Red, at alam kong kilala niyo siya."

"Nice to meet you Red, ako yung katabi mo noong nakatanggap ng award si Aki. I'm Justin." Inilahad ni Justin ang kamay niya at tinanggap naman iyon ni Red.

.
.
.
.
.

Pagkalipas ng ilang oras ay naisipan ko ng ihatid si Red sa kanila, mag eeleven na kasi ng gabi.

"Justin samahan mo akong ihatid si Red." Agad namang pumayag si Justin sa mga sandaling iyon, mabuti na lang hindi masyadong nakainom si Justin kaya ma's kahalili ako sa pagdadrive.

"Hindi niyo na ako kailangang ihatid pa, naghihintay si Kuya Rey sa labas ng restaurant kaya okay lang na kahit hanggang labas niyo na lang ako ihatid. Nga pala salamat, kahit papaano nabawasan ang lungkot at pagkaboring na nararamdaman ko." Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng marinig iyon mula kay Red, so ibig sabihin may pinagdadaanan siya? Tanong ko sa sarili ko sa mga oras na iyon.

Tumayo mula sa upuan si Red, muntik pa siyang matumba ng subukan niyang sumayaw. Naparami na kasi ang kanyang inom kaya medyo may tama na.

"Aki, nagtext sa akin ang Mommy kailangan ko na daw umuwi. Ihatid na natin si Red sa labas?"

"Sige sige, kukunin ko lang ang bag ko." Pagkatapos niyon ay agad na naming inihatid si Red sa labas, sinalubong naman agad kami ng driver niya, ito siguro ang tinutukoy niyang si Kuya Rey.

.
.
.
.
.

Red's POV

Sa loob ng isang linggo, walang nag bago sa daily routine ko maliban sa paggaling ng sugat ko matapos akong mabaril. Parang mas gusto ko pang may mangyari muli sa akin kaysa nandito lang ako sa bahay. Mabuti na lang kapag may lakad si Aki isinasama niya ako, pero mukhang busy siya ngayon kasi kahit text wala akong natatanggap mula sa kanya. Gayundin si Justin, noong nakaraang linggo nakipagpalitan ako sa kanya ng cellphone number kaya kahit papaano kapag busy si Aki si Justin ang nakakausap ko. Sana hindi sila maging katulad ng ibang tao na basta na lang ako iniwan kahit alam nila na di ko kaya na malayo sa kanila. Broken na nga ako dito sa bahay pati ba naman sa iba kong kasama sa labas magiging gayundin.

.
.
.
.

Someone's POV

"Ma'am wala po ba kayong bagong ipapagawa sa amin?" Tanong ng isa sa mga tauhan ko habang nakatayo sa harap ng office table ko.

"I will inform you about that." Sagot ko sa tauhan ko, napapaisip kasi ako. Bakit ko ba ginagawa ang bagay na ito? Bakit gusto kong mawala ang babaeng iyon sa aking paningin? Bakit gusto ko siyang mapahamak? Wala naman siyang ginawang kasalanan para gawin ko sa kanya ang mga bagay na ganito? Teka bakit ako naaawa sa kanya? Hindi ko dapat siya kaawaan, matapos ang lahat ng nangyari noong nasa high school ako kaawaan ko ang katulad niya na naboboring lang sa sarili niya habang patuloy pa din siyang grounded. Sorry sa kanya pero hindi ko dapat itigil ang mga matagal ko ng plano para iparanas sa kanya ang palaging kaawaan at pag usapan.

"Ma'am may bisita po kayo." Isang lalaki ang pumasok kasama ng isa sa mga tauhan ko. Nakawhite T-shirt siya habang naka black pants. May suot din siyang facial mask na puti. Makalipas ang ilang linggo ngayon lang muli nagpakita ang lalaking ito. Sambit ko sa isipan ko habang nakatingin ng diretso sa lalaking iyon.

"Long time no see." Salubong niyang bati sa akin, nainis ako sa inasta niya sa mga oras na iyon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I came here not to bother you, I just want to tell you about this man. Do you know him?" He asked as I pulled out my small cabinet under the table, then I grabbed the brown folder, there I search for the name of the man in the picture. But I cannot find it, so I used my data info in my computer. I immediately search for the possible name I lastly remembered. Few seconds later, I finally  got the full info of that man. Napapansin niyo ba kung bakit ako biglang nag English, e kasi naman itong lalaking nasa harap ko ay englishero, pilipit kasi ang dila niya kapag nagtatagalog kaya pabulol bulol siya.

"So do you know him?" I looked at him when he said that and get back my attention on my monitor. I scroll down the cursor and read some information of the man he is talking about.

Sa dinami dami ng pwedeng itanong ng lalaking ito bakit ito pa? Bakit siya pa? Napakahirap pa naman hanapan ng butas ang lalaking ito. Agad ko na lang ipinirint ang lahat ng information mula sa profile hanggang sa personal background ng lalaking tinatanong niya sa akin.

"He graduated last summer in Boston University, and he is now in States." I said as I hand him the hard copy of the information.

"Thank you, by the way what are you going to do with Red?" Napasinghap ako sa tanong niya, dahil hanggang ngayon pinag iisipan ko pa rin kung itutuloy ko ang matagal ko ng plano na sirain ang buhay niya.

"Mind your own business. It's private for now." Nakasimangot kong sabi sa kanya. Agad naman siyang tumayo at lumabas ng marinig iyon mula sa akin, pero sumulyap muna siya sa akin bago umalis. Napabuntong hininga ako sa mga oras na iyon, hindi pa din kasi ako makapag isip ng ayos. Nagdadalawang isip pa din ako sa mga pinaggagawa ko at gagawin pa namang.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now