Chapter 8: Her situation

42 2 0
                                    

Chapter 8: Her situation



.
.
.
.
.

Red's POV

Agad akong lumayo kay Josh ng lumapit siya sa akin, nagulat ako sa mga ikinikilos niya. Nilingon ko siya ng makalapit ako sa kinatatayuan nina Jozza.

"Red, si Josh?" Napalingon ako sa mama ni Josh na malaki ang ngiti habang hawak ang mga flowers na ipinabili ko kay Kuya Rey.

"Uhm nasa loob po." Sabay turo sa direksyon kung saan nakaupo si Josh, hindi siya nakatingin sa akin kaya medyo napaisip ako. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya, I did not expect na bigla siyang lalapit sa akin at bubulungan ng ganoon kalapit.

"Ate, okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Jozza na nakadress, umupo ako at inayos ang dress niya.

"I'm fine Jozza, sige maglaro ka na doon." Malambing kong sambit kay Jozza na masayang masaya na nakikipaglaro sa mga kaibigan niya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Josh's POV

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko kanina kay Red, napansin kong papalapit si mama sa kinauupuan ko. Agad akong tumayo at sinalubong siya.

"Josh, bakit nandito ka sa loob?" Imbes na sagutin ang tanong ni mama ay niyakap ko na lang siya.

"Ma, I'm so happy for you."

"Ako din anak, masaya ako para sayo. Basta ang paalala ko, huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Red."

"Ma, paano kung dumating ang araw na malaman niya na mahal na mahal ko siya?" Nanlaki ang mata ko ng itanong ko iyon.

"Anu? Pakiulit, Josh."

"Uhm wala Ma, ang ang sabi ko po paano kung malaman po niya na sobrang mahal na mahal ko ang mama ko?" Pagpapalusot ko kay mama.

"Josh magkaiba ang pagmamahal sa magulang at sa kasintahan. At alam kong alam din iyon ni Red."

Natamimi na lang akong tumango tango sa sinabi ni mama.

.
.
.
.
.
.
.
.

Kinabukasan

Red's POV

"Red hinihintay ka ng papa mo sa pool side."

"Pupunta na po." Agad akong tumayo sa kinauupuan ko ng lumapit sa akin si mama. Nagmadali akong tumungo sa pool side, tanaw ko si papa na nakaupo habang may kausap sa kanyang cellphone. Agad din naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tapat ng kinauupuan niya. Pansin kong napatingin siya sa akin, tiningnan ko lang din siya.

After a couple minutes natapos na rin ang pakikipag usap niya sa kabilang linya ng cellphone niya.

"Nasaan na ang lalaking iyon?" Bungad na tanong ni papa sa akin. Inayos ko muna ang palda ko bago ako sumagot sa tanong niya.

"Papunta na po."

"Mamaya na lang kita tatanong ulit kapag nandito na ang lalaking iyon." Napakurap kurap ako sa sunod na sinabi ni papa. Hindi ko alam ang sunod na gagawin dahil sa sinabi niya.
So maghihintay ako ng matagal. Sambit ko sa isipan ko habang nakatingin kay papa na may kausap ulit sa kabilang linya.

.
.
.
.
.
.

"Uhm excuse me po." Napalingon ako ng marinig ang boses na iyon.

"Good Morning po Mr. President."

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now