Chapter 44: Teriyaki Chicken

40 1 0
                                    

Chapter 44: Teriyaki Chicken

Red's POV

Nasa likod ako ni Serra habang naglalakad papasok sa isang restaurant, mabuti na lang at hindi ganoon kadami ang tao kaya mabilis kaming nakatapos sa pamimili ng mga gamit na kailangan namin sa dorm. 

"Kung wala po kayong reservation table ay kailangan niyo pa pong hintayin na matapos ang iba naming costumer." Napatingin ako sa lalaking kausap ni Serra, ibinaba ko ng kaunti ang suot kong sunglasses at kinalapit ang balikat ni Serra, lumingon naman agad siya at lumapit sa akin.

"Sa fast food na lang tayo kumain." Bulong ko sa kanya, pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa lalaking kausap niya kanina.

"Sige po, salamat na lang." Tumingin sa akin ang lalaking iyon ng sabihin iiyon ni Serra, kaya napangiti na lang ako sa kanya at tumalikod.

"Si Miss Chavez po ba ang kasama niyo?" Namilog ang mata ko ng marinig iyon, pero hindi ko pinahalatang narinig ko ang tanong niya sa halip ay lumapit kay Serra at hinawakan sa braso paalis sa restaurant na iyon.

"Sandali lang po ma'am!" Sigaw niya ng makalabas kami sa restaurant, pero hindi na namin inabala na lingunin ang lalaking iyon. Hila hila ko si Serra hanggang sa makarating sa isang fast food na malapit lang sa restaurant na pinaglabasan namin.

"Ma'am sigurado po ba kayo na dito tayo kakain?" Tanong sa akin ni Serra habang naghahanap ng mauupuan sa loob.

"Oo naman, namiss ko ng kumain dito. Doon na lang tayo." Turo ko sa isang table na nasa bahaging sulok, kakaunti lang ang tao doon at iilan lang ang table. 

"Ako na po ang kukuha ng order."

"Okay, aloha lang ang akin at blueberry float." Sagot ko ng makaupo sa table na napili namin. Inilapag niya ang ibang eco bag na dala niya sa tabi ng kinauupuan ko. Inilabas ko mula sa aking bulsa ang aking cellphone ng magvibrate ito. Maya maya pa ay umalis na si Serra at pumila sa may counter, ako naman ay nakaupo dito sa may table habang katext si Josh.

"Pasensya na hindi kita nasamahan sa mall, hectic lang talaga ang schedule ko maghapon. Pero babawi ako sayo bukas :)" Napangiti ako ng mabasa ko ang message niya sa akin, agad ko naman siyang nireplayan, ngunit biglang lumabas sa screen ng cellphone ko ang number niya. Agad kong inislide ang phone icon at itinapat ang cellphone sa aking tainga.

"Hello Red." Napangiti na lang ako ng marinig ang boses ng lalaking mahal ko.

"Hello, kamusta ang taping niyo?" Tanong ko sa kanya sa mga sandaling nakangiti ang labi ko.

"Ayos naman, dahil mabilis kaming natapos. Break time naming ngayon ng 10 minutes then pagkatapos ay sa next appointment naman, sa studio para sa rehearsal namin for next day. Ikaw kamusta ang pamimili niyo ni Serra sa mall?"

"Okay naman, nasa Jollibee kami ngayon."

"Jollibee? Bakit hindi sa private restaurant?" Tanong niya, kaya mas lalo akong napangiti sa pag aalala niya.

"Kasi wala kaming reservation table, tsaka namimiss ko na din ang kumain dito. Nandyan naman si Serra, okay lang ako, okay lang kami."

"Sige sige, basta mag iingat kayo ha? Lalo ka na, okay?" Nakakamiss ang kasweetan ni Josh, akala ko hindi na babalik yung dating meron kami pero ngayong araw naramdaman ko muli ang pagiging kompleto at walang pagkukulang kahit hindi pa namin ipinapaalam sa magulang ko at sa magulang niya. Mas makabubuti siguro na kaming dalawa pa lang muna ang nakakaalam, para makaiwas sa maaaring maging issue, lalo na kay Papa.

.

.

.

Josh's POV

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now