Chapter 46: Article

23 1 0
                                    


Red's POV

Lumipas ang ilang linggo hanggang dumating ang araw ng Biyernes kung kailan may gaganaping 1 day tour sa isang Art Museum, maaga akong gumising dahil sa excitement maging si Serra na medyo kaclose ko na din kahit papaano, hindi ko akalain na bibigay ako sa pagiging maldita sa kanya ngunit ang totoo niyan hindi naman talaga ako maldita ayaw ko lang ipakita ang kahinaan ko, ngunit ng mabanggit sa akin ni Josh ang mga advice na natutunan niya sa manager niya ay napagtanto ko na hindi ko kailangang gawin iyon kay Serra, lalo pa at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Manang Fe kaya magmula noon ay pinakisamahan ko na si Serra maging sa mga gimik niya kasama ang mga kaibigan niya, sila ang mga babaeng nakita ko sa library ilang linggo na ang nakakalipas, tanda kong tinarayan pa ako ng isang babae matapos niyang mapansin na nakikinig ako sa pinag-uusapan nila. Si Alissa, Koren, Leesa, Chelsea at Dessa ang mga kaklase ko sa lahat ng subject na kaibigan ni Serra magmula noon hanggang ngayon.

Bumaba na din ako ng mapansin ang oras, mabilis akong naligo at nagpalit ng damit maging sa pag-aayos ng gamit, isang shoulder bag lang ang dala ko kung saan ang laman ay isang pamalit na blouse, sketch pad, camera, monopod, notebook, ballpen, mga cosmetics na bihira ko lang gamitin, handkerchief at ang pocket money ko. Si Serra naman ay abala sa kusina ng makababa ako matapos ayusin ang gamit ko at ang shoulder bag naman niya ay nakalagay sa sofa, inilagay ko din doon ang bag ko at tumungo sa kusina, tinulungan ko siyang magprepare ng breakfast namin.

"After ng tour samahan mo ako." Pansin kong napatingin siya sa akin ng banggitin ko iyon, alam kong may lakad din siya kasama ang mga kaibigan niya after tour ngunit kailangan ko siya para mamaya kaya siguro sa susunod na lamang siya pumunta sa lakad kasama ang mga kaibigan niya.

"Saan po?"

"May pupuntahan lang tayo after tour." Sumulyap ako sa cellphone ko ng mapansin ang pag-ilaw niyon, nabasa ko ang isang maikling message sa akin ni Josh kung saan siya ang pupuntahan namin ni Serra mamaya.

"Ako na ang magsasabi kay Dessa na hindi ka makakasama sa lakad niyo." Hindi ko na itinuloy ang kinakain ko ng biglang tumawag si Manang Fe, agad ko naman iyong sinagot at tumungo sa living room.

"Red mag-iingat kayo ni Serra ha?"

"Yes po Manang."

"Sige, kung sakali mang magkaemergency nasa labas lang ng building si Rey." Ramdam ko ang pag-aalala sa akin ni Manang Fe ngunit mas mabuti siguro kung maging independent din ako paminsan minsan, alam kong may pagkadelikado ang plano kong pagpasok sa isang school kung saan hindi gaanong marami ang security para sa akin, ngunit hindi habang buhay ay palagi akong nakakulong sa bahay at lalong lalong hindi sa lahat ng pagkakataon ay may taong isusugal ang buhay para sa akin. Ako ang kauna unahang anak ng Presidente kaya may pagkarisky ang paglabas ko ng walang kasama na kahit sinong bodyguard, ngunit may tiwala ako kay Serra, at sa professor namin na nagdesisyon na gawin sa isang Museum ang last session ng activity namin.

.

.

.

Sa ilang minuto na paglalakad ay narrating din naming ang school, maya maya pa ay napansin ko ang iba pa naming kaklase na nag-aabang sa may field kung saan may isang bus na nakatigil.

"Red, Serra may reservation seat na kayong dalawa!" Napangiti na lang ako ng tawagin kami ni Lessa habang kumukuway kuway sa amin ni Serra.

Sumakay na din kami agad ng mapansin na nagchecheck ng attendance si Mr. Aquino na nasa tabi ng driver, isa isa niyang chineck ang bawat estudyante na nakaupo na sa kani kanilang upuan. Nasa bandang gitna kami ng bus, katabi ko si Serra habang nasa unahan naming si Lessa at Koren, si Chelsea at ang boyfriend niya na nasa kabila, si Alissa at Dessa naman ang nasa likuran ng magjowa.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now