Chapter 39: Eye roll

26 1 0
                                    

Chapter 39: Eye roll

Red's POV

Kakauwi ko lang sa dorm matapos ang unang araw sa school, maghapon akong hindi makapagfocus sa lahat ng klase ko dahil sa lahat ng subject ko kaklase ko si Serra. Hays nakakawalan ng gana tuloy pumasok bukas. 

Nagluto na din ako ng dinner ko matapos maglinis ng katawan, maya maya pa may natanggap akong message mula kay Manang Fe, nangangamusta nireplayan ko naman agad. Pagkatapos kong magluto ay kumain na din ako, at dahil mag isa ako sa dorm hindi masyadong makalat kaya hindi na ako naglinis pa. 

Kinabukasan

Isang message mula kay Manang Fe ang natanggap ko, pauwi na daw sina Mama at Papa sa sunod na araw. Biglang nawalan ako ng gana kumain ng meryenda habang nandito sa cafeteria. Mag-isa lang ako sa table dahil hindi pa ako nakikipagkaibigan sa mga kaklase ko, hindi naman kaibigan ang ipinunta ko sa school na ito kundi ang makapag aral na may kinalaman sa passion ko.

"Ms. Chavez pinapatawag po kayo ng director." Isang estudyante ang nakatayo sa harap ng table na gamit ko, hindi ko siya kilala pero mukha namang mapagkakatiwalaan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos ang gamit at ang pagkain na nasa mesa, maya maya pa ay pumunta na din ako sa office ng director. Sinamahan ako ng estudyanteng iyon sa office pero hindi na siya pumasok. Nang makapasok ay nakaupo sa swivel chair ang isang lalaki na may edad 40 na habang may kausap sa telepono ng dumating ako, siya siguro ang director na palagi kong nakikita ang larawan sa labas ng gate kung saan palaging may natatanggap na award.

"Okay okay, sorry but I have to go. May bisita lamang ako." Iyon ang huli niyang sinabi sa kausap niya sa telepono, nakatayo pa rin ako habang nakatingin sa paligid ng office.

"Ms. Chavez please take a seat." Sabi niya sa akin, umupo din ako at ibinaba ang gamit ko sa katabing upuan.

"We are please to have you in our University, thank you for choosing this school. Welcome to Royal University, sorry dahil hindi ka namin nawelcome ng ayos kahapon."

"Ahm, Mr.?

"Jundee Colares director of Royal University."

"Mr. Colares no need to welcome me, ordinaryong estudyante lang din po katulad ng iba."

"Ms. Chavez never pang nagkaroon ng isang makapangyarihang estudyante ang University na ito. Few years ago, Boston University lamang ang kilala dahil sa mga estudyanteng may mga magulang na makapangyarihan, at alam kong doon ka nakagraduate ng college few months ago."

"Hindi naman po kasi ako pumasok sa school na ito para sa fame, kundi para matuto sa passion na gusto ko and please po ayaw ko ng special treatment."

"Okay Ms. Chavez, pero dahil anak ka ng Presidente ng Pilipinas possibleng may dadagsa na paparazzi sa labas ng gate araw araw lalo na at nagdodorm ka lamang." Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi niya.

"Paanong?"

"Ang dorm na ginagamit mo ngayon ay isa sa pagmamay ari ng University kaya don't worry fully guarded naman ang lugar na iyon. Gusto lang namin maging safe ang 3 months mo sa school na ito. If you have any questions and complains lumapit ka na lang sa head department ng Arts, o kaya sa President ng Arts Department."

"Okay po, Mr. Colares pwede po bang lumipat ng section sa lahat ng subject ko?" Napansin kong napatingin siya bigla sa akin dahil sa tanong ko.

"Bakit naman? May problema ba sa section mo? Ayaw mo ba sa professor mo?"

"Hindi naman po, gusto ko lang lumipat ng ibang section. Pwede po ba?"

"Sige hahanapan kita ng ibang section, pero hindi muna sa ngayon okay lang ba?" Tumango tango lang ako bilang sagot, bago matapos ang lahat ng iyon ay nagbigay lang si Mr. Colares ng ibang paalala sa pamamalagi ko sa school na ito sa loob ng 3 buwan. Pagkatapos ay pumunta na ako sa huling subject ko ngayong araw, umupo na ako sa upuan ko sa bahaging unahan. Maya maya pa dumating na ang professor namin, lumingon lingon ako at napansin kong wala si Serra, kaninang umaga pa siya hindi pumapasok sa klase at mabuti naman dahil ayaw ko na siyang makita.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now