Chapter 33: Stalker or Assumer?

31 1 0
                                    

Chapter 33: Stalker or Assumer?

.
.
.
.
.

Red's POV

"So how are you?" Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko, nakafloral off shoulder siya with touch of black, high ponytail at ang nakakadistract na hikaw niyang kumikinang. Nakaharap ako sa kanya habang nasa hapag kainan naman ang two pieces slice chocolate marble cake, gayundin ang dark chocolate frappe na order ko at strawberry frappe naman ang sa kanya. Nakangiti siya habang hawak ang fork na nasa platito kung saan nakalagay ang chocolate marble cake, ilang taon ko din siyang hindi nakita tsaka wala din akong balita tungkol sa kanya.

"Eya? Still there?" Bumalik ako sa realidad ng tapikin niya ang braso ko.

"Sorry, how are you?" Tanong ko sa kanya pero kumunot ang noo niya. Kaya napakunot din ako ng noo ko, na ang ibig sabihin bakit?

"You asked the same question I asked." Naguluhan ako sa sinabi niya, teka yun din ba ang tinanong niya? Tanong ko sa isipan ko habang magkasalubong pa rin ang kilay ko.

"By the way, I want to invite you." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya, kasi hindi ko talaga alam na iyon ang tanong niya sa akin. Napakurap kurap ako ng mapansing naghihintay pala siya sa sagot ko.

"Sorry, sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya, kasi kanina pa ako ganito. Ibang iba kasi siya sa Aki na nakilala ko noong high school. Tsaka naalala ko sa kanya si Josh, dahil noong araw na binubully siya doon ko nakilala si Josh bilang scholar. Actually, hindi ako ang tumulong kay Aki that time kundi si Josh, hindi ko tanda ang buong kwento ng istorya dahil matagal na din iyon kaya siguro mga slight lang yung naaalala ko. That time kakalabas ko lang ng klase, and I am about to leave the school when someone grabbed my arm. Naalala ko pa, si Kuya Rey ang palaging sumusundo sa akin dahil hindi makaalis alis si Manang Fe dahil buntis that time si Mama. So back to the story, so yun nga may humila sa kamay ko at hindi ko tanda kung sino pero ngayon kilala ko na siya si Josh, those moments his grade was pretty awesome and fantastic kasi sobrang talino niya talaga until now naman, doon ko siya tuluyang nakilala dahil palaging nasa tabloid at mga tarpaulin si Josh dahil sa mga awards na natatanggap niya deserve niya ang mabigyan ng full scholarship dahil both academic and extra curricular magaling siya. And speaking of him, I miss him again.

"Eya are you okay?" Bumalik na naman ako sa realidad ng muling agawin ni Aki ang atensyon ko, pero sa pagkakataong ito hinawakan niya ako sa kamay ko kaya nagulat ako.

"Yeah I'm fine."

"Sure?" Tanong niya, at hawak niya pa rin ang kamay ko. Ngumiti ako at tumango tango agad naman niyang binitawan ang kamay ko.

"What event?" Buti at naalala ko ang tanong niya.

"I am going to receive an award as Best Model from El Modelo, I have two invitation then wala akong maisip na pepwedeng isama. Okay lang ba?" Tanong niya, so ipinagpatuloy niya pala ang pagmomodeling niya? Tanong ko sa sarili ko.

"Monday, 7pm to 10 pm and don't worry I will fetch you." Napaisip ako sa alok niya wala din naman akong gagawin the whole week.

"Okay, Monday 7pm?" Paglilinaw ko sa kanya. Agad naman siyang tumango tango.

"Thanks Eya, I will fetch you before 7 pm." Nakangiti niyang sambit, ngumiti na din ako kasi nakakadala ang mga ngiti niya. We chatted until 8pm, I texted Kuya Rey to fetch me. I said na magtaxi siya para hindi mapansin nina Mama at Papa.

"Thank you Eya or should I call you Red?" Ngumiti ako sa kanya, after a couple minutes dumating na si Kuya Rey kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Aki.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now