Chapter 22: The Past

33 1 11
                                    

Chapter 22: The Past

Josh's POV


"Salamat Hero, sige balitaan mo na lang ako if ever may information na." Sambit ko sa kabilang linya sabay baba ng cellphone.

Red, nasaan ka ba?
Napapakunot ako habang nagtatype sa cellphone ko, sinesearch sa GPS kung saan ba naroroon si Red na kagabi pa hinahanap.

"Josh kumain ka muna."

"Sige Ma busog pa po ako. Madami akong nakain kaninang umaga. Aalis na rin po ako." Isinuot ko ang bag ko habang naglalakad palabas ng bahay.

"Nga pala, baka gabihin po ang uwi ko."

"Babalitaan na lang kita kapag may tumawag sa telepono natin."

"Sige po Ma." Bumalik ako sa kinatatayuan ko para lapitan ang Mama ko, sabay halik sa pisngi niya.

.
.
.
.
.

Pumunta muna ako sa school para magpaalam na hindi ako makakaattend ng practice, siguro naman nakarating na ang balita sa kanila. Pinapakalma ko lang ang sarili ko sa sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Red, hindi pa kami ganoon ka open, like favorite place niya or saan siya pumupunta if malungkot siya. Kaya wala akong idea kahit isa.

Break news

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang anak ng Presidente matapos nitong  maglayas dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mag ama. Wala pa ring idea ang Presidente kung saan nagtungo ang anak niya. Subalit sa kapapasok pa lamang na balita, sinugod ang bahay ng acting boyfriend ng anak ng Presidente kung saan isa sa hinala ng Presidente na tinatago nila ito."

Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon, tumakbo ako palabas ng school at sumakay sa nakaparadang sasakyan na ginamit ko kanina. Halos paliparin ko na ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko.

"Ma!"

"Jozza! Ma!" Halos madapa na ako sa pagtakbo papasok ng bahay. May mga pulis kaya kinabahan ako.

"Mr. De Guzman, kailangan ka naming isama sa palasyo at ang pamilya mo."

"Ba bakit?" Kinakabahan kong tanong sa Chief na may hawak na papel.

.
.
.
.
.

"Saan mo dinala ang anak ko?!" Sigaw ng Presidente na namumula na.

"Hindi ko po alam." Nakatungo kong sambit.
Saan ba kasi nagpunta si Red?

"Kaya ayaw kong kasama mo ang anak ko!"

"Diba binalaan na kita?" Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ng Presidente.

"Pasensya na po."

"Sabihin mo! Nasaan ang anak ako?!" Nakatungo pa rin ako habang pinipigilan ang emosyon ko, sa pagbibintang ng ama ni Red sa pamilya ko.

"Hindi kita gusto para sa anak ko, at ayaw kong isang katulad mo ang iibigin niya!"

"Ako ang hahanap sa kanya, at kaya kong patunayan kung gaano ko kamahal ang anak niyo. Hindi man ako kasing yaman ninyo, pero kaya kong ibigay ang kahit anong gusto niya."

"Isa ka lamang hamak na...

"Huwag mong idadamay ang anak ko sa pagkakamali ko!" Napalingon ako sa kinauupuan ni Mama na may apat na nakabantay.

"Wala siyang kasalanan sa ating nakaraan!" Napaisip ako sa sinabi ni Mama. May nakaraan sila ng Presidente.

"Hindi ko binuhay ang anak ko para lang mahalin ng anak mo!" Sa mga sandaling iyon ay si Mama at ang Presidente na ang nagsusumbatan. Mabuti na lang at walang nakapasok na kahit isang media sa loob ng palasyo.

"Huwag mong sisihin ang anak ko!"

"Pinagbibintangan mo ba ang pamilya ko sa pagkawala ng anak niyo?! Tingnan mo muna kung ano ang mali sa loob ng pamilya mo bago mo pagbintangan ang iba!"

"Pwede ba?!"

"Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon kong ito. Nakalimutan mo na yata na isa ka sa dahilan kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon."

Richard's POV

FLASHBACK

"Aji please huwag mong gawin ang bagay na ito."

"Chard pasensya ka na, pero kailangan e. Sana maintindihan mo ang sitwasyon ko."

"Aji, mahal kita at ayaw kong mawala ka sa buhay ko."

"Chard mahal na mahal din kita, pero kailangan kong gawin ang bagay na ito."

"Aji please?" Hinawakan ko ang kamay ni Aji sa mga sandaling iyon.

"Please parang awa mo na." Lumuhod na ako sa pagmamakaawa kay Aji.

"Ayaw kong lumaki ang bata na walang kinikilalang ama, at gusto ko tayong dalawa ang bumuhay at mag alaga sa kanya hanggang sa paglaki niya."

"Sorry Chard, I'm very sorry and I love you so much. Kailangan ko ng umalis." Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa kamay niya habang nakaluhod ako.

"Aji! Please!" Nang matanggal niya ay agad din siyang tumakbo palabas ng bahay.

END OF FLASHBACK

Ayaw ko ng balikan ang mga sandaling iyon, mga sandaling halos mamatay ako sa sobrang bigat ng dinadala ko. Ang sandaling iniwan ako ni Aji habang dinadala ang aking anak sa sinapupunan niya, at ng matapos ang nangyaring iyon ay isang trahedya ang nangyari sa akin na ikinagalit ko ng lubos dahil sa ginawa ni Aji.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda gulo gulo ang buhay mo. Ikaw na siyang sinisisi ako sa mga kamalian mo!" Nangangatal na sambit ni Aji habang nakapaligid sa kanya ang mga bodyguard na pinabantay ko.

"Walang kasalanan ang anak ko sa mga nangyari sa atin before! At huwag mo siyang sisisihin na mahalin ang anak mo!"

"Iyon na nga ang sinasabi ko. Hindi sila pwede sa isa't isa!"

"Wala kang alam Richard, wala!" Nagulat ako sa sinabi ni Aji sa mga sandaling iyon, hindi niya ako tinatawag sa buong pangalan ko.

"Kaya please lang hayaan mo na ang anak ko, at ang anak mo."


.
.
.
.
.
.
.
.


Josh's POV


Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa kama ko dito sa loob ng kuwarto ko kung saan patuloy na sumasagi sa aking isipan ang mga sumbatan ni Mama at ng Presidente kanina. Mag aalas dose na pero di pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa mga narinig ko.

Hindi maaari, hindi ko matatanggap. Hindi kami magkapatid ni Red, hindi!
Napasabunot ako sa buhok ko na ikinasakit naman ng ulo ko.

Bakit ganito? Ayaw kong maniwala sa mga narinig ko kanina. Bakit hindi sinabi sa akin ni Mama? Bakit niya inilihim ang lahat ng ito? Ayaw kong maniwala, pero pinipilit ng utak ko na paniwalaan ang mga narinig ko kanina. Pero hindi pa tapos ang kwento, may kulang sa kanilang mga sumbatan. May kulang pa.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now