Chapter 47: Thanks Giving Night

24 1 0
                                    

Chapter 47: Thanks giving night

Hindi na ako nagulat pa sa mga inasta ni Monique kanina sa loob ng restaurant, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na nakatayo siya habang nakatingin sa akin kaya hindi na ako magugulat kung hindi niya tatanggapin ang alok ko sa kanya, actually naniningil ako sa kanya at hindi favor ang ginagawa ko ngunit tila ayaw pa yata niyang magbayad sa ngayon.

“You’re crazy!” Napatingin ako sa kinatatayuan ni Lorraine ng sumigaw siya sa kabilang linya habang kausap si Monique, napabuntong hininga na lang ako sa mga oras na iyon at itinuon ang atensyon sa article na nasa monitor ng laptop sa harapan ko.

“Lorraine.” Pagkasabi ko niyon ay agad na ibinato ni Lorraine ang hawak niyang cellphone sa sofa kung saan tumama pa iyon sa vase na nasa mesa ng tumalbog iyon bago mahulog sa sahig, napansin ko ang screen na may kaunting crack ngunit hindi iyon inabala pa ni Lorraine.

“Okay lang.” Sa dalawang salita na iyon ay napasabunot na lang siya sa buhok niya at umupo sa sofa sabay kuha sa cellphone niya na nasa sahig diretso sa bag niya.

“Are you sure?”

“Yes.”

“Pero hindi ibig sabihin ay titigil na ako sa matagal ko ng plano.” Pansin ko ang pagkagulat niya ng sambitin ko ang mga salitang iyon, iniharap ko sa kanya ang laptop upang makita niya iyon at tumayo.

“Are you with me?” Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya humakbang ako ng ilan patungo sa bintana ng office kung saan tanaw ang papalubog na araw.

“Yes.” Napangisi ako sa mahina niyang boses bilang pagtugon sa tanong ko.
“Until the end?”

“Of course.”

“Are you sure?”

“Yeah.” Ramdam ko ang aurang bumabalot sa kanya ng sambitin iyon, kahit nakatalikod ako sa kanya ay pansin ko ang hindi niya kasiguraduhang sagot maging ang pag-aalangan.
“That article will be my greatest weapon against her, alam kong alam mo ang dahilan ko sa likod ng mga ginagawa ko tama ba?”

“Yes I do.”

“What if, what if I kill her instead?” Lumingon ako sa kanya ng sambitin ko iyon, hindi na ako nagulat sa nakita kong reaksyon na nakapinta sa kanyang mukha. Inilagay ko sa bulsa ng suot kong pants ang magkabila kong kamay at inihakbang muli ang aking magkabilang paa papalapit sa kanya.

“Are you still with me?” Muli kong tanong sa kanya, at sa mga oras na iyon ay nakatingin lang siya sa akin. Nalilito, nag aalangan, nagsisisi, natatakot, nasisiyahan at kung ano ano pang magkakahalong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mukha.

“That will be a perfect revenge right? How about her friends instead? Or her twin brother and sister? Or else her one and only lover? Josh De Guzman? What do you think?” Natawa na lang ako sa sunod sunod kong tanong sa mga oras na iyon, sinabayan pa ng pangangatal ng kanyang mga kamay maging ang katawan niya na nakaupo sa sofa.

“Hay naku, ano ba ang mga naiisip ko? Haha nagsisimula na akong maloka.” Tinapik tapik ko ang kanyang balikat, nginitian ko lang ang walang kamuang muang niyang hitsura. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya sa halip ay naglakad na lamang palabas ng opisina. Napakagat labi akong naglalakad ngunit may napansin akong kakaiba sa kahabaan ng pasilyong iyon kaya luminga linga ako pero wala namang ibang tao kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad palabas ng gusaling iyon patungo sa parking area.

Maya maya pa ay kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko, dinaial ko ang number na nasa unahan ng call logs. Wala pang tatlong ring ay may sumagot na agad sa kabilang linya.

I Hate You, I Love You  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin