Chapter 6: Jealous

73 1 0
                                    

Chapter 6: Jealous

.
.
.
.
.
.
.
.

Fe's POV

Naninibago ako sa mga ikinikilos ni Red nitong mga nakaraang araw.

"Manang sa tingin niyo po ba may pinagdadaanan si Red?" Napatigil ako sa paghuhugas ng plato dahil sa tanong ni Gina sa akin.

"Mas mabuti kung huwag mo muna nating alamin sa ngayon Gina, mag oopen din sa akin ang batang iyon." Tanging sagot ko sa tanong ni Gina.

"Nakita niyo na po ba ito?" Inabot sa akin ni Gina ang cellphone.

"Ang anak ng President na si Red Chavez ay nasasangkot ngayon sa issue matapos ilabas ng isa sa fan ang litaratong may kayakapan siyang isang lalaki sa mismong paaralan na kanyang pinagpapasukan. Viral ngayon ang litratong iyon na kakukuha lamang kahapon ng hapon. May nakacaption pa sa post kung saan sinasabi dito na nakikipaglandian lamang ang anak ng President instead to be a model to every student at Broston. Wala pang ibinibigay na komento ang fan na nagpost sa media about sa litrato. Sa kabilang banda naman ay naging matagumpay ang naganap na kasunduan ni President Graham at President Chavez."

"Bukas na ang uwi ng mag asawa." Halatang nagulat si Gina sa sinabi ko.

"Huwag mong ipahalata sa mag asawa ang nangyari kahapon dito sa bahay, okay?"

"Okay po."

"Sigurado po ba kayo na hindi niyo muna kakausapin si Red?"

"Gina bumalik ka na muna sa trabaho mo. Mamaya na lang."

"Sige po." Kaya pala ganoon na lang ang ikinikilos ni Red sa kapatid niya. Dahil sa isang litrato nagkakaganoon siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Third Person

"Sino ang lalaking nasa litrato?"

"Josh De Guzman po sir."

"Sir ito na po ang tubig niyo." Agad na iniabot ng isang lalaki ang tubig sa President.

"Give me an information about that man as soon as possible."

"Yes sir."

.
.
.
.
.
.
.

Sa kahabaan ng daan ay nakangiting nagdadrive si Josh patungo sa school. Naatasan sila na magdesinyo ng stage at field para sa magaganap na ball night.

.
.
.
.
.

Josh's POV

Kahit alam kong pagpapanggap lang ang ginagawa namin ni Red ay ramdam kong habang nadadagdagan ang araw mas lalo akong nagkakagusto sa kanya.

Pero paano kung sa sunod na araw tantanan na siya ni Lloyd e di tapos na ang masasayang araw ko na kasama siya.
Haist bakit ko ba agad iniisip ang araw na iyon?

.
.
.
.
.

"Hero, Red and Lloyd kayong tatlo ang nakaassign sa stage at bulaklak." Napatingin ako kay Red ng marinig ang sinabi ni Mrs. Cantos.

"Josh, Lorraine and Chelsy kayo naman ang bahala sa mga design ng upuan. Moris, Jacob and Dan kayong tatlo ang bahala sa mga gamit. Then Anne, Gen and Mica kayo naman sa decoration ng table." Agad din akong lumapit kay Red ng magsimula na kaming mag asikaso ng gagawin.

"Red sa design ka na lang ng upuan, ako na sa stage."

"Hindi Josh, dito na ako sa stage." Napakagat labi na lang akong naglakad palayo kay Red dahil sa sinabi niya.

I Hate You, I Love You  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora