Chapter 36: I know everything

25 0 0
                                    

Chapter 36: I know everything

.
.
.
.

Red's POV

Kakalabas ko lang ng kuwarto ng mapansin ang mga bagahe na nasa labas ng bahay, agad akong lumabas at tiningnan iyon. Tatlong sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay, mula sa unang sasakyan ay may dalawang bodyguard ang nagbabantay, gayundin sa kaliwang bahagi habang tatlo naman ang nagpapatas ng mga maleta sa sasakyan.

"Red after couple hours lilipad na ang sasakyan namin. Gusto ko pagbalik ko maayos na ang lahat." Sabi ni Mommy sa akin sabay sakay sa isang pick up car na nakaparada. Pagkasakay niya napansin ko si Papa, nakaformal suit siya kaya medyo naguluhan ako.

"Manang kayo na po ang bahala sa bahay." Sabi ni Papa bago lumabas ng bahay, hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay kumain na lamang ako.

.
.
.
.
.

Mag dadalawang linggo na magmula ng umalis nina Mama, at ngayon sobrang naiinip na ako. Dahil palagi akong nasa bahay, hindi kasi ako pinapayagan ni Manang na lumabas ng bahay dahil delikado daw lalo na at iilan lang ang bodyguard na available. Naiintindihan ko naman siya pero sobrang naiinip na kasi ako, kaya nag isip ako ng paraan para makalabas ng bahay, daig ko pa ang nakaquarantine sa ginagawa ko.

"Red pasensya ka na ha? Ayaw ko lang kasi na mapahamak ka na naman. Tsaka hayaan mo bukas lalabas tayo, at kahit saan mo gusto pumunta kasama ang kambal." Nagulat ako ng mapansin si Manang na nasa loob na pala ng kuwarto ko, nginitian ko lang si Manang sa mga oras na iyon, pero gusto ko ngayon araw lumabas, feeling ko mababaliw ako kapag hindi ako makalabas ngayong araw. Bumalik ako sa ginagawa ko, ano pa edi ang pag-iisip ng paraan para makalabas.

Maya maya pa napansin kong inilabas na ni Manang ang tray na kinuha niya sa banyo ng kuwarto ko, isinara niya ang pinto. At ako naman agad na lumapit sa pinto para ilock iyon. Kinakabahan ako sa gagawin ko, pero gusto ko talaga ng lumabas ngayon araw, at hindi na ako makapaghintay ng bukas.

Nagpalit ako ng damit at naglagay ng gamit sa sling bag na dadalhin ko, gusto ko lang sana bumili ng perfume kasi paubos na ang stock ng perfume ko, tsaka saglit lang naman ako at syempre gusto ko lang talaga lumabas.

.
.
.
.
Dahan dahan akong bumaba ng kuwarto ko, nakasuot ako ng leggings at oversized na white shirt, para hindi mahalata ni Manang na aalis ako, tsaka nakatago ang bag na dala ko sa oversized na shirt na suit ko.
Pagkababa ko napansin ko na abala si Manang at ang iba sa ginagawa nila, nasa pool naman ang kambal kaya pasekreto akong lumabas, napansin ko na pabalik na si Manang sa ginagawa niya kaya nagmadali akong naglakad palabas. Sa huli nakalabas ako ng bahay na hindi napapansin nina Manang, isinuot ko ang white cap na dala ko at ang shades na nakasabit sa sling bag ko. Mabuti na lang malapit sa main gate ang kinatatayuan ng bahay namin, kaya nakalabas na din agad ako ng subdivision. Pumara ako ng taxi at agad akong nakasakay, sa isang mall ako ibinaba ng taxi. Hindi kalayuan sa subdivision kaya ilang minuto lang makakarating din ako sa bahay ng maaga.

Pumasok ako sa mall at naghanap ng isang shop na pepwede kong pagbilhan ng perfume. Wala pang ilang segundo napansin ko agad ang isang shop, pumasok ako doon at agad na hinanap ang perfume na palagi kong binibili, nang makita ko ay agad akong kumuha ng limang piraso. Nagbayad din agad ako sa cashier, pagkatapos ay lumabas na din ako ng shop na iyon, pababa na sana ako ng mall ng mapansin ang isang pamilyar na mukha. Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko sa mga or as na iyon, at nakatingin lang ako sa tanong iyon habang siya naman ay abala sa ginagawa niya.

"Thank you very much sa inyong pagpunta, this tour is perfect dahil sa inyo. Muli maraming salamat sa inyong lahat." Nagsipalakpakan ang mga tao matapos niyang sabihin iyon, bakit hindi ko napansin ang stage na ito kanina? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa din sa lalaking iyon.

"Ang gwapo niya talaga!"

"Oo nga."

"I love you Josh!"

"Pakasalan mo ako!"

"We love you Josh!" Naparoll eyes ako sa mga narinig ko mula sa mga babaeng nasa unahan at likuran ko, gusto ko siyang lapitan pero dahil sa mga babaeng haliparot at malalandi na ito hindi tuloy ako makalapit kaya umalis na lang ako. Dumaan ako sa isang toy store at bumili ng magkaibang klase ng laruan para sa kambal, pagkatapos ay bumaba na din ako at naglakad lalabas pero napadaan ako sa isang fast food bago pa ako makalabas, napalingon ako doon at tila nacrave ako ng mapansin ang paborito kong bilhin sa fast food na ito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya pumasok ako doon at pumila, mabuti na lang iilan lang ang nasa pila. Maya maya pa ako na ang nasa counter.

"Miss isa nga pong order ng S4."

"Ano pong drinks niyo ma'am?"

"Go large na lang po, royal float please." Sagot ko sa tanong niya. Maya maya pa nagbayad na ako, iniabot niya sa akin ang isang tray na may lamang resibo at number, naghanap ako ng bakanteng upuan, wala akong mahanap kaya naglakad ako sa kabilang bahagi ng fast food. Napansin kong may bakanteng upuan kaso may nakaupong lalaki sa harap niyo.

"Ahm excuse me may kasama po kayo?" Tanong ko sa kanya, umiling lang ito biglang sagot at mukha kasing abala siya sa cellphone niya. Umupo ako at inilapag ang tray na dala ko, tiningnan ko ang wrist watch ko, ten minutes na ako dito sa mall kaya after kong kumain uuwi na din agad ako.

"Sir ito na po ang order ninyo, thank you for waiting." Sabi ng crew at inilapag ang isang cheese burger, royal float at spaghetti. Kaparehong kapareho ng order ko kanina, baka go large din siya ng float kaya napaisip ako kung sino ba itong lalaki na nasa harap ko, nakasuot kasi siya ng black cap at hoodie.

"Ma'am ito na po ang order ninyo, thank you for waiting." Napansin kong nagulat ang crew ng ilapag niya ang order ko, nakatingin lang siya sa lalaking nasa harap ko, tila kilala niya ito kaya nacurious ako. Pero umalis din agad ang crew na iyon at tila sayang saya.

"How are you?" Nagulat ako ng marinig ang boses na iyon mula sa lalaking opposite ng kinauupuan ko, bigla akong kinabahan pero masaya at hindi ko alam kung bakit masaya ako.

"Are you okay?" Sunod niyang tanong sa akin.

"What I mean is bumalik na ba ang mga alaala mo?" Paglilinaw niya sa tanong niya, hindi ako makapagsalita sa mga or as na iyon, mas gusto ko siyang yakapin ng mahigpit kaso hindi ko magawa dahil hindi pa ako tapos sa pagpapanggap kong may amnesia matapos ang aksidente, pero namiss ko siya at gusto kong hawakan ang kanyang mga kamay.

"Tanda mo ba yung kwento ko sayo last time? The girl behind that story was my first love, after several months I am still waiting for her but I understand why she's not here beside me. I love her so much, and I love you." Tila nabingi ako sa huli niyang sinabi pero malinaw na malinaw sa aking pandinig ang sinabi niya, sorry Josh huwag muna ngayon dahil hindi ko pa napapatunay kina Mama at Papa na karapatdapat ka sa akin. Pero kung pwede ko lang sabihin gagawin ko, pero natatakot ako.

"Meet me in the parking area, I have something to tell you." Tumayo siya at inilagay sa lalagyan ang order niya na nakalagay sa take home na lalagyan.

Hindi ko siya nilingon ng umalis siya, sa halip ay bumalik ako sa counter at pinatake out ang binili ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng mall, tatakbo akong tumungo sa parking area, at doon nakita ko siya na naghihintay.

"I know everything at alam kong nahihirapan ka na, but remember that I'm always here for you." Sabi niya ng makalapit ako.

"Pero aalis ka din."

"Don't think of it, I can cancel my schedule basta sabihin mo lang sa akin na hindi totoo lahat ng sinabi mo noong araw na iyon." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now