Chapter 25:

36 2 9
                                    

Chapter 25:

.
.
.
.
.
.

Richard's POV

"Pa may gustong kumausap sayo." Napalingon ako sa asawa ko ng makabalik ako sa bahay mula sa palasyo. Nag aayos ako ng gamit ko ng lumapit sa akin ang asawa ko.

"Ikaw na muna ang bahala sa ginagawa ko." Hinalikan ko siya sa noo at lumabas ng kuwarto.

Nakatayo si Aji sa tapat ng pinto ng bahay pero ng makita niya ako ay pasimple itong gumalang sa akin. Nang makababa ay pinaupo ko na siya sa sofa, at binigyan ng maiinom.

"Mr. President gusto lang linawin ang tungkol sa mga anak natin." Napabuntong hininga ako sa mga sandaling iyon, kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin.

"Ako na ang magbabayad sa lahat ng gastusin ni Josh, basta huwag mo siyang papabayaan." Nag aalala kong sambit.

"Nagkakakamali po kayo ng akala."

"Huwag ka ng masyadong pormal kapag nasa loob ka ng bahay ko. Tawagin mo na lang ako sa nakasanayan mo."

"Gusto kong linawin na mahal na mahal ni Josh ang anak mo."

"Pero hindi maaari, magkapatid sila." Mahinahon kong sambit.

"Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang anak ko, at ayaw ko ding may galit ang anak mo sayo."

"Aji wala akong magagawa, magkapatid sila at hindi ko na mababago iyon."

"Hindi sila magkapatid, Richard."

"At papaano mo naman nasabi?"

"Isinilang kong patay si Chad ang anak mo, sorry hindi ko sinabi sayo dahil pinigilan ako ni Aljon na iparating sayo ang balitang iyon. Ayaw na niya kasing madamay pa kami sa issue ng makarating sa press ang past natin, after no'n lumipad kami sa USA para magsimulang muli. At doon na din kami nagpakasal ni Aljon."

"What?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi mo anak si Josh, at kaya kong patunayan iyon. Sa Golden Heaven inilibing ang anak natin,  Chad Mantes ang nakalagay sa lapida niya. Hindi ko isinunod sa apelyido mo dahil hindi naman tayo kasal."

"I want DNA." Agad kong sagot sa lahat ng sinabi niya, hindi ako naniniwala. Buhay pa ang anak ko, at kung si Josh nga iyon hindi ako papayag na masangkot siya sa gulong ito, ayaw kong masangkot sila ni Red.

"Pero Richard, malalaman ng buong Pilipinas ang past."

"Edi sasabihin ko ang totoo. Tsaka hindi pa naman ako Presidente ng mangyari iyon. Lahat ng pangangailangan niya ibinigay ko. Pinalabas ko lang na scholar siya ng Broston University, para hindi siya magtaka."

"Please maniwala ka sa akin. Ayaw ko ng nakikitang nasasaktan si Josh."

"At ayaw ko ding makita na ang dalawa kong anak ay nagmamahalan na hindi naman dapat."

"Gabi gabi na siyang wala sa bahay, tuwing nagigising ako ng madaling araw wala siya. Tapos buong araw tulog siya at hindi ako kinakausap. Richard hindi ko kayang tiisin na nagkakaganoon ang anak ko."

"Naaksidente ang anak kong si Red alam mo yan, pero nasaan ang anak mo?"

"Sa tingin mo bakit naaksidente ang anak mo?"

"Wala ako sa mood para isipin pa iyon." Dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak ko.

"Richard naaksidente siya malapit sa barangay namin. At sigurado akong papunta siya sa bahay para puntahan ang anak ko. Pero may bumabagabag sa kanyang isipan at nakalimutan niyang nagdadrive siya habang iniisip ang kung anuman ang bagay na iyon."

"Oo, pero hindi man lang magawang dalawin ng anak mo ang anak kong si Red, at kung mahal niya talaga ang anak ko araw araw dapat dumadalaw siya. Pero nasaan? Kasama ang banda niya, laging may gig."

"Teka saan mo nakuha ang impormasyong iyan?"

"I hired two of my bodyguard to watch over him, and also one of his band mate. And give all the information they can get,  this past few days he is always with his band mate. Tapos sasabihin mong mahal na mahal niya ang anak ko."

"Richard please, kung gusto mo ako na lang ang magbabantay sa anak mo. Basta huwag mo na lang sila tutulan sa nararamdaman nila."

"Hindi ko alam kung mangyayari pa yang sinasabi mo."

"Para din ito sa anak mo." Napaisip ako sa sinabi ni Aji, may punto siya. Pero paano?

"Okay sige papayag ako, but I want a DNA of your son." Tumayo siya at umalis ng masabi ko iyon. Naiwan ako sa living room mag isa, nag iisip kung ano ba ang magiging resulta kung sakali kong gawin ang sinasabi ni Aji. Mapapabuti ba ang kalagayan ni Red? Mas mapapabilis ba siya sa pagpaparekober niya?

"Mr. President mas makabubuti po kung dalhan niyo ang anak niyo ng mga bagay na labis niyang ikinatutuwa, and also the memorable thing for her. Kung sa tao naman, dapat yung taong hindi niya kayang iwan at mahal na mahal siya ng sobra maliban sa inyong mag asawa."

"Sa tingin niyo makakatulong iyon?"

"Definitely yes, nga pala yung nagdonate ng dugo sa kanya kilala mo ba iyon?"

"Bakit naman?"

"Kasi the moment na sinasalin namin ang dugo mula sa taong iyon mas lumalaban ang anak mo. Then ng umalis siya, biglang bumababa ang blood pressure niya minsan naman tumataas. Kaya sana makausap mo siya para mas mapaaga ang pagkakaroroon ng malay ng anak mo."

"Siguro sadyang matagal lang siya magkamalay." Nakatingin ako mula sa labas habang nakatingin sa anak ko na nakahiga sa puting kama habang may swero na nakasalpak sa kanang bahagi ng kamay niya.

"No sir, dapat within few days dapat may malay na siya. Nang dumalaw ang isa niyang kaibigan agad na nagreact ang mind niya at emotion kaya makabubuti ang laging pagdalaw sa kanya."

"Okay ka lang?" Napatigil ako sa pagbabalik alaala ko sa mga nangyari noong isang araw. Nilingon ko ang asawa ko, tumayo ako at agad siyang niyakap.

"I heard all of your conversation with Aji."

"Sorry Ma. Hindi ko na sayo nasabi."

"It's fine, matagal ko na ring alam." Humiwalay ako ng pagkakayakap sa asawa ko at umupo sa sofa. Alam kong nag aalala din siya sa anak namin. Pero mas nag aalala ako sa sitwasyon ni Josh at Red. Ako ang sumira sa relasyon nila, relasyong ngayon lang naramdaman ng anak ko. Dahil nakita ko iyon sa pagbabago niya simula ng dumating si Josh sa buhay niya.

Nagsisisi na ako sa lahat ng nasabi ko sa kanilang dalawa, nagsisisi na ako sa lahat ng pagkukulang ko. Ayaw kong mangyari ito sa kambal ko at ayaw kong may masagasaan pa.

.
.
.
.
.
.
.
.

Liya's POV

"Liya gising." Napapitlag ako ng may yumugyog sa aking mahimbing na pagtulog.

"Hindi ka ba aattend ng practice?" Tanong ni Manang Fe ng imulat ko ang mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko, 9:35 na ng umaga. Nagmadali akong bumangon sa higaan at dumiretso sa banyo. Naalala ko na nagpuyat pala ako kagabi, pero bigo akong masaksihan ang pagpatak ng 10:30 ng gabi dahil 9 pa lang nakatulog na ako. Napasimangot na lang ako habang naliligo dahil kahit natulog ako ng alas dos ng hapon hindi ko pa rin nasubukan ang manatiling gising sa gabi. Siguro sa susunod na lang dahil bukas sa bahay ako matutulog, uuwi kasi ang nanay ko mula probinsya.

"Liya, pwede ka ba sa Huwebes?" Salubong na tanong ni Manang.

"Opo naman po."

"Pasensya ka na ha? At ikaw palagi ang nagbabantay sa kanya kapag wala ako."

"Okay lang po manang. Nga po pala, bibisita daw po pala sina Chelsy mamayang hapon. Tapos nagtext din po sina Abby at Adriel kakauwi lang po nila, at dadaan po sila dito mamayang hapon din."

"Ganon ba? Ipagluluto ko kayo ng masarap na miryenda."

"Talaga po? Sige Manang, aagahan po namin." Nginitian ko siya ng makapag ayos, hinawakan ko muna ang kamay ni Red bago  umalis.

Magpagaling ka Red. Nandito lang kaming mga kaibigan mo. Salamat sayo kasi naging kaibigan kita.



I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now