Chapter 5: Stress

67 2 0
                                    

Chapter 5: Stress

.
.
.
.
.

Monique's POV

Pansin kong dumadami ang paparazzi sa school, napatingin na lang ako kina Josh at Red na magkayakap sa isa't isa.

"Nasaan ang guard?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran.

"Anu ba na naman ang eksena ni Red?"

"Pwede ba Jetro makisakay ka na lang sa nangyayari dito sa Broston." Alam ko ang nangyayari kaya naiintindihan ko kung bakit ito ginagawa ni Red. I feel sorry for her kung may iba pang nakarinig ng usapan nila ni Josh noong isang araw.

Bumaba ako ng hagdan para puntahan sina Lorraine na nag uusap kasama ang iba ko pang kaklase.

"Monique hindi mo ba irereport sa faculty ang mga nangyayari ngayon?"

"Hayaan niyo muna sila. Give them time." Sambit ko habang naglalakad palayo sa kanila pabalik sa classroom.

I heard every conversation they talked about, and I easily get's why Red need to do that. If I am in her position I will do the same thing, but I think about Josh side. Pero ang alam ko matagal ng gusto ni Josh si Red. Ewan ko lang kung totoo iyon.

Mabait naman si Red but sometimes I can't understand her emotion, she is slighty good and slightly bad. 3 years siyang naging President ng school namin, then this year lang siya napalitan. I took her place but she looks different ng ako na ang pumalit sa position niya. Ang malaking katanungan ko sa kanya, bakit sa dinami dami ng courses na pwede niyang kuhanan bakit education pa?

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Nagulat ako ng may magsalita.

"Kira kanina ka pa ba diyan?"

"Kadarating ko lang, napaalis na ng mga guard ang paparazzi na nasa harap ng school kaya huwag mo na lang ipaalam sa dean."

"Wala akong balak na sabihin sa dean, I understand Reds' side. Huwag niyo na lang pag usapan."

Ang school na ito ay isa sa pinakamalawak na paaralan sa buong mundo. Hindi agad nakakarating sa faculty or dean ang mga nangyayari sa loob at labas ng school. Pero halos lahat ng puntahan mo may CCTV.

"Monique I'm sorry." Napatingin ako sa papalapit na si Red.

"Okay na Red. As President I need to understand every side of every students here in Broston University."

"Thank you."

"Matanong ko lang, may nararamdaman ka ba?" Pansin ko kasi na namumutla siya.

"Huh? Wala naman, nanghihina lang ako."

"Did you eat your breakfast?"

"I have to go, may klase pa ako." Agad na lumakad palabas si Red, sinundan ko lang siya ng tingin. Tila may itinatago si Red, she cannot look into my eyes.

.
.
.
.
.
.
.

Josh's POV

Akala ko ba bawal ang yakap, pero bakit iyon ginawa ni Red kanina.

Napapakagat labi na lang ako sa sinasabi ng isip ko sa mga sandaling iyon.

"Josh kayo na pala ni Red, bakit ngayon lang namin nalaman?" Napatingin ako kina Dan at Hero na nakacross arm sa tapat ng pinto.

"Sorry pala sa inyong dalawa."

"Para naman saan?"

"Hindi na ako nakakasama sa mga practice natin."

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now