Chapter 12: Field Trip -1st day

35 1 0
                                    

Chapter 12: Field Trip -1st day

.
.
.
.
.

Monique's POV

Bukas na ang aming field trip, medyo excited na medyo kinakabahan ang pakiramdam ko habang nag iimpake ng gamit at gagamitin ko sa field trip. Bilang President kailangan handa ako sa lahat ng posibleng mangyari sa trip, in case na may kailanganin ready ako sa lahat.

"Babe hindi ka pa ba tapos diyan?" Napalingon ako sa labas ng kuwarto ko ng marinig ang boses ni Khem. Tinulungan niya ako mag ayos ng gamit. I'm happy for him and hopefully na continue for making me proud of what he's doing.

"Salamat pala." I smile while looking at him at the backdoor.

"Tapusin mo na yan, para makapagpahinga ka na." Walang emosyon niyang sambit. Nabura tuloy ang ngiti ko sa aking mga labi, pero nanatili ang ligaya sa aking mga mata dahil sa pag aalala niya sa akin.

"Umuwi ka na ri at magpahinga  after mong mailagay lahat ng iyan." Tumalikod ako sa kanya ng sinabi ko iyon.

.
.
.
.
.
.
.

Josh's POV

9 na ng gabi ako natapos sa paglilinis ng kuwarto ko. Bilin kasi iyon sa akin ni Mama before kong umalis, ilang araw kasi akong mawawala I mean ilang araw ang field trip namin. Nakahanda na ang lahat ng gamit ko, isang tent, isang backpack, isang hand bag at emergency bag. Nakakapagod pala mag prepair ng gamit, so ganito pala pakiramdam ni Mama kapag pinaghahanda niya kami ng pagkain tuwing umaga.

"Anak gising ka pa ba?" Biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko ng marinig ang boses ni Mama. Agad iyong bumukas, ang nakangiting si Mama ang una kong nasilayan.

"Bakit po?"

"Proud na proud ako sayo anak, gagraduate ka na next month."

"Ma, lahat ng ito para sa atin ni Jozza. Lumaki man kami ng kapatid ko na walang tatay, biniyayaan naman kami ng dakila at mapagmahal na Ina." Agad kong niyakap si Mama pagkasabi ko niyon.

"Magpahinga ka na anak, maaga pa ang alis mo bukas." Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mama at agad na humiga sa kama.

"Good night, Ma. Tulog na rin po kayo." Pagkasabi ay nakita ko ang ngiti sa labi niya bago lumabas ng kuwarto ko. Tumagilid ako ng higa at napahinga ng malalim.

.
.
.
.
.
.

Red's POV

"Anung oras ba darating ang babaeng iyon?" Agad akong bumaba ng kotse ng makarating sa school. Ako na lang ang hinihintay ng lahat, at boses ng isang lalaki na medyo hindi pamilyar ang una kong narinig ng bumaba ako sa kotse.

"Babe will you please minimize your voice?" Sambit ni Monique sa lalaking iyon, so boyfriend pala ni Monique ang bagong mukhang ito.

"5:00 ng madaling araw ang usapan pero, 5:40 dumating."

"Khem?" Napalingon ako ng kaunti kay Monique ng tawagin niya ang pangalan ng lalaking iyon.

"Sorry Monique, nasiraan kasi kami ni Kuya Rey sa daan kaya nalate kami." Pagpapaliwanag ko kay Monique. Bigla namang sumakay sa van ang lalaking iyon. Tatlong van ang gagamiting sasakyan, pero tila nakaalis na ang dalawang van. Hinintay kasi nila ako bago sila umalis.

"Okay lang Red, I understand. But next time you should inform us, para hindi kami nag aalala sayo, okay?" May paggalang na sambit ni Monique, may matanda sa akin ng isang taon si Monique kaya kadalasan para ko na rin siyang older sister. Mabait siya pero minsan mysterious.

I Hate You, I Love You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon