Chapter 41: Can I join?

17 1 0
                                    

Chapter 41: Can I join?

.

.

.

Serra's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Ma'am Red kanina, halos mapanganga ako sa mga nangyari habang nasa harap siya ng klase at ipinapaliwanag ang lesson namin ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya gayundin ang mga kaklase ko, maliban kay Dessa na abala sa thesis paper niya. Kinuha ko ang atensyon ni Dessa upang hindi siya mapansin ng professor namin sa subject namin ngayon na humanities, ngunit ayaw niyang pansinin ang ginagawa ko. Kumuha ako ng piraso ng papel at inihagis sa desk niya, ng maihagis ko ang kapiraso ng papel ay napatingin siya sa direksyon ko, nilakihan ko siya ng mata at itinuro si Mrs. Mandigma na nasa gitna ng conversation with Ma'am Red na parehong nagbibigay definition about performing arts.

"Performing arts is included to your course, where numerous cultural expression. Somehow performing arts is not just about what Ms. Chavez said, more often it's about how artistic you are. Though it is a range from vocal and instrument music, dance, pantomime and theatre. Any question or clarification?" Tanong ni Mrs. Mandigma, biglang tumaas ng kamay si Dessa na kanina lang ay abala sa thesis paper niya. 

"Yes Ms. Aldovino." Tumingin muna sa akin si Dessa bago tumayo, binitawan niya ang hawak niyang ballpen na kanina lang ay ginagamit niya sa pag rerevise ng kanyang thesis paper.

"How can we say that we are being artistic with performing arts?"

"Good question Ms. Aldovino, being an artistic in a thing is not just about the style, design and texture but also about our emotion, our feelings, the connection between the performer and the audience." Napatingin ako kay Dessa na patango tango lang ng umupo sa upuan niya. Maya maya pa ay bumalik na si Ma'am Red sa upuan niya, nasa unahan ko siya kaya ang tingin ko ay nakapako lang sa kanya hanggang sa matapos ang klase.

.

.

.

"Serra ano bang problema at ayaw mong sumama sa amin ni Dessa?" Nasa labas na ako ng school ng pigilan ako nina Alissa at Koren, niyayaya nila ako na sumama sa gimik nila mamaya tutal Sabado daw bukas. Pero hindi naman pwede dahil walang kasama ang amo ko sa dorm.

"Pasensya na Alissa at Koren, wala kasing kasama si Ma'am Red sa dorm baka mawalan ako ng trabaho kapag nalaman iyon ni Manang Fe."

"Ano ka ba Serra? Matanda na si Red, tsaka magsabi ka na lang, safe naman ang lugar niyo diba Koren?" Tiningnan ko si Koren na kalapit lang ng dorm na tinutuluyan namin, tumango tango siya, abala kasi sa kanyang kausap sa cellphone.

"Oo nga Serra, ngayon na lang ulit kami magyayaya kasama ka. Tsaka birthday ngayon ng jowa ni Chelsea, naku ka magtatampo sayo yun." Napaisip ako sa sinabi ni Koren, minsan ko na nga lang makasama ang limang ito hindi ko pa mapagbigyan. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa dalawa na naghihintay sa sagot ko.

"Pwedeng sumunod ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Okay lang, isesend na lang namin sayo ang place nasa bahay pa kasi yung tatlo. Bye Serra, hihintayin ka namin ah?"

"Oo, sige uuwi na muna ako. Koren ikaw ba? Hindi ka uuwi?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Na, sasamahan ko na lang si Alissa." Sambit ni Koren, umalis na ako at naglakad pauwi. Lumingon ako sa kanilang dalawa na sasakay pa lamang sa kotse na dala ni Alissa, nawala sa labi ko ang mga ngiti ko kanina dahil iniisip ko ang magiging sagot ni Ma'am Red para sa sasabihin ko sa kanya.  Habang naglalakad ay may napansin akong isang sasakyan sa harap ng dorm, hindi ko alam kung kanino iyon kaya agad akong tumakbo papapunta ng dorm.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now