Chapter 38: First day

37 1 0
                                    

Chapter 38: First day

Red's POV

Matapos ang ilang araw, nakatanggap muli ako ng mga messages mula sa Royal University. At bukas na bukas magsisimula na ang klase namin, mabuti na lamang at sa susunod na araw pa makakauwi sina Mama at Papa. Ngayon abala ako sa pag aayos ng gamit ko dahil ngayon ako pupunta doon, kumuha na din ako ng dorm para hindi na umuwi dito sa bahay tutal ayaw ko naman na pakialman na naman ako ni Papa sa mga desisyon ko sa buhay.  Tsaka 3 months lang naman akong mawawala, kaya mas pinili kong magdorm na lang.

"Manang kayo na po ang bahala, ngayon po ako aalis para naman maayos ko na din ang dorm ko malapit sa University."

"Red mag-iingat ka doon, oo nga pala wala ka bang kasama sa dorm?" Nilingon ko si Manang ng itanong niya iyon sa akin. Nabanggit din sa akin ng landlady ng dorm na pang dalawahan ang dorm, hindi ko sigurado kung may makakasama ako kasi hindi ko na din naitanong sa landlady ang tungkol doon.

"Siguro po Manang, sige po ako na po ang mag aayos ng gamit ko. Magpahinga na po kayo doon." Ngumiti si Manang sa akin, lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Ngumiti lang ako bilang ganti sa ginawa.

"Sige, pagkatapos mo diyan puntahan mo na lang ako sa kuwarto ko para masamahan kita." Muli akong ngumiti sa kanya sa mga sandaling iyon, umalis na din siya kaya ako na lang mag-isa ang naiwan dito sa kuwarto ko habang nag aayos ng mga dadalhin ko.

.

.

.

Manang Fe's POV

Pagkalabas ko ng kuwarto ni Red ay dumiretso na din ako sa kuwarto ko, nang makarating napansin ko si Serra na nag aayos ng gamit niya. Isang malaking bag at ilang piraso ng libro ang nakakalat sa kama niya.

"Serra bukas din ba magsisimula ang klase niyo?" Lumingon sa akin si Serra at ngumiti.

"Opo Manang, sa gabi po ang klase ko kaya sa umaga ko po maaalagaan ang kambal."

"Teka ano bang kurso mo?"

"BFA po Manang, Bachelor of Fine Arts sa Royal University po."

"Talaga? Doon din papasok si Red ngayon semester kaso mukhang training lamang ang kanya."

"3 months training po ba?"

"Oo, ano ba iyon?"

"Iyon po ay 1 time course, 3 months lang po ang pasok pero may matatanggap pong certificate. Kaso limited po ang course gaya ng Public Speaker at Arts lang po."

"Ah ganoon ba? Teka bakit hindi ka na lang sumama sa dorm ni Red para may kasama naman siya sa dorm."

"Naku nakakahiya po Manang tsaka kapag nagdorm ako hindi ko mababantayan ang kambal, huwag na po Manang tsaka hindi kami magkakasundo for sure haha." Natawa ako sa sinabi ni Serra, napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw palaging umiiwas si Red kapag nasa living room sina Serra kasama ang kambal.

"Sige magpahinga ka na para sa first day mo sa school bukas." Inayos na ni Serra ang mga gamit niya maging ang mga libro niya na gagamit bukas. Ako ay nagpahinga na din dahil mamaya baka tapos na mag ayos ng gamit si Red.

.

.

.

Red's POV

Unang araw ng klase ko ngayon, at unang gabi ko sa dorm, unang gising sa bagong dorm para sa bagong kursong aking kukunin. Kakarating ko lang sa school makalipas ang limang minuto na paglalakad mula sa dorm ko, about sa dorm ko, okay naman kaso mag-isa ako, hindi ko matanong ang landlady dahil nasa palengke ng magising ako kanina. Pumasok na ako sa unang klase ko, halos nasa loob na ang mga estudyante ng pumasok ako gayundin ang professor na nagsusulat sa board. Tumingin ako sa wrist watch ko, 7:45 na pala ng umaga late ako ng 15 minutes. Hay sino ba naman ang hindi malelate, pagkagising ko ako pa ang magluluto ng pagkain para sa sarili ko, ang hirap pala kapag walang kasama pero ayos lang iyon para masanay ako, tutal 3 months lang naman ako sa dorm. Napansin ko na napatingin sa akin ang mga estudyante na nakaupo na sa kanilang mga upuan.

"Miss Chavez, look for a vacant seat." Sabi ng professor ng makita niya ako na nakatayo sa tapat ng pinto, nilingon ko ang mga nakaupong estudyante, lahat ng atensyon nila sa akin nakatuon kaya medyo kinakabahan ako. Lumakad ako papalapit para maghanap ng mauupuan, hanggang sa napansin ko ang isang upuan na nasa tabi ng bintana kung saan walang nakaupo. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad papalapit doon, may napansin akong isang upuan sa tabi ng bakanteng upuan wala ding nakaupo doon ngunit may nakalagay na bag. At saan naman pumunta ang katabi ko? Tanong ko sa sarili ko, at ng makaupo at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa unahan kung saan nakatayo ang professor. Nasa pang apat na row ang kinauupuan ko, medyo gitna habang nasa gilid ako.

"Good morning class, my name is John Joshua Aquino. I'll be your professor in visual arts, I am not a good professor but I am also not strict, I don't like the late ones especially in my first class, so Miss Chavez next time you go to school on time. By the way, as Miss Bueva takes over the paintings to the office, please get a 1/8 yellow paper, write down why did you choose this course? Is that clear?"

"Yes sir!" Sabay sabay na sabi ng mga estudyante, Miss Bueva so ibig sabihin siya ang katabi ko kasi ito lang ang upuan na may bag at walang nakaupo. Gaya ng sinabi ng professor, gumawa ako ng ipinapagawa niya. Natapos ko agad iyon ng ilang minuto at ipinasa sa unahan. Bumalik na ako sa upuan ko at ibinalik ang gamit ko sa bag.

"Miss Chavez, please read your answer in front." Napatingin sa akin ang mga kaklase ko kaya tumayo agad ako sa kinauupuan ko. Lumakad ako patungo sa unahan at kinuha mula sa table ang papel ko, humarap ako sa mga kaklase ko at sinimulang basahin ang nakasulat sa papel.

"Very good Miss Chavez, you may sit down ." Sinunod ko din agad ang sinabi niya, pero biglang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko ng makita ang isang babae na may dalang dalawang painting sa kamay niya at papunta siya sa  room na ito.

"Sir ito po ba?" Tanong niya ng makapasok, nakita niya ako at nagulat. Pero deadma lang ang ginawa ko dahil kanina pa ako nakatayo, nangangalay na din ang binti ko, kaya bumalik na lang ako sa upuan ko at tumingin sa unahan. Bakit ko siya kaklase? Sa lahat ba naman ng school at course pareho pa talaga kami, nakakainis naman! Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa unahan, napansin ko na patungo na siya sa upuan niya at ngayon ko lang napagtanto na katabi ko pala siya sa upuan. Hay naku mas lalong nakakainis! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana at hindi pinahalata na naiinis ako sa katabi ko, ramdam kong umupo na siya sa upuan at gumawa ng pinapagawa ni sir Aquino. Sa labas lang ako nakatingin habang pinapakiramdaman ang katabi ko. Nakakainis lang dahil pareho kami ng school na pinapasukan, pareho ng course at ang matindi magkatabi pa kami hay nakakainis, baka mamaya kapag lumingon ako dito nakatitig na sa akin ang babaeng ito. Wow! Ang assuming mo naman Red, maghulos dili ka nga sa sinasabi mo, bakit bawal ka ba tingnan? Tanong sa akin ng isip ko. Hay pati isip ko kinakausap ko makaiwas lang dito sa katabi ko.

"Ma'am Red tapos na po ang klase, baka malate ka sa sunod mong klase."  Nagulat ako ng may kumalabit sa akin, paglingon ko mata ni Serra ang nakita ko. Luminga linga ako sa loob ng room, my g tapos na pala ang klase at kami na lang ni Serra ang naiwan sa room, napatingin ako sa wrist watch ko 8:35 na at mabuti na lang 8:45 ang sunod kong klase. Umalis na din ako at iniwan si Serra sa room, lumingon ako at napansin na may sumalubo na tatlong babae kay Serra ng makalabas siya ng room. Napakunot ang noo ko dahil mukhang hindi maganda ang pakikitungo ng mga babaeng iyon kay Serra kaya bumalik ako at hinila ang braso ni Serra paalis sa mga babaeng iyon.

I Hate You, I Love You  Where stories live. Discover now